Daniel Padilla Pinatunayang Hindi Pa Siya Laos at Ifinlex Ang Kanyang New Endorsement

Lunes, Abril 8, 2024

/ by Lovely


 Ipinamukha ng celebrity mom na si Karla Estrada na hindi pa laos ang kanyang anak Daniel Padilla, matapos sabihin ng maraming mga netizens na nalalaos at nawawalan na ng mga endorsement si Daniel Padilla magmula noong naghiwalay sila ng dating ka loveteam na si Kathryn Bernardo.


Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na mas dumarami pa ngayon ang mga endorements ni Kathryn Bernardo magmula nang tapusin nila ni Daniel Padilla ang kanilang 11 years relationship. Dahil dito marami ang nagsasabing tila bumabagsak na ngayon si Daniel Padilla at nawawalan pa umano ng mga endorsements.


Nakatanggap rin ng matinding pambabatikos si Daniel Padilla mula sa mga solid fans ni Kathryn Bernardo dahil marami ang naghinalang ang pagiging babaero ng aktor ang dahilan ng kanilang pagkasira ni Kathryn Bernardo.


Bukod pa rito, naglabasan rin ang mga nakaraang videos kung saan makikita ang masamang pagtrato ni Daniel Padilla kay Kathryn Bernardo noong magkarelasyon pa sila.


Sa kabila ng mga natatanggap na pambabatikos, very proud na ibinahagi ni Karla Estrada na walang katotohanan ang balitang ito dahil patuloy pa ring namamayagpag hanggang ngayon ang pangalan ni Daniel Padilla.


Naging laman ng mga usap-usapan sa social media nitong nakaraang mga araw ang pagpopost ni Karla Estrada ng mga larawan ni Daniel Padilla na nagpapahiwatig na may panibago itong blessings na natanggap.


Umani rin ng mga komento ang ibinahaging teaser video ni Daniel Padilla ng kanyang panibagong endorsement mula sa isang kilalang clothing brand.


Kaagad naman itong ni-repost ni Karla Estrada upang ipakita ang kanyang pagsuporta sa kanyang anak na si Daniel Padilla.


Sa kabilang banda, pinabulaanan din ni Karla Estrada ang isyung namimigay ng 5000 GCASH si Daniel Padilla sa kanyang mga fans.


Sa pamamagitan ng isang Instagram post, iginiit ni Karla Estrada na walang katotohanan na nanghihingi ng GCASH number si Daniel Padilla sa kanyang mga fans.


Ayon kay Karla Estrada, walang kaugnayan kay Daniel Padilla ang isang individual na ginagamit ang pangalan ng aktor, na nanghihingi ng GCASH number para sa giveaways.


Hinimok pa ni Karla Estrada ang mga netizens na huwag nang i-entertain ang account na ito na nagpapanggap na kanyang anak dahil hindi naman umano ito ang account ng kanyang anak.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo