Karla Estrada, Pinaringgan Si Alden Richards Sa Social Media

Huwebes, Abril 4, 2024

/ by Lovely


 Usap-usapan ngayon sa ilang mga social media platforms ang umano'y pagpaparinig ni Karla Estrada, ina ni Daniel Padilla, kay Alden Richards sa panliligaw nito kay Kathryn Bernardo.


Kamakailan lamang ay nag-flex ang celebrity mom na si Karla Estrada sa kanyang social media platforms ng mga larawan ng kanyang anak na si Daniel Padilla.


Sa caption, kinongratulate niya ang kanyang anak na hinala ng marami ay may paparating na panibagong projects dahil sa isinulat ni Karla Estrada na soon at praying hands emoji.


Pinuri din ni Karla Estrada ang panginoon kalakip ang mga praying hands emojis.


Hindi naman idinetalye ni Karla Estrada ang kanyang nasabing post o kung anong project ang inaasahan ng kanyang anak ay napuno na rin ng mga congratulatory comments ang kanyang mga posts.


Naka-limitado ang comment section ng post ni Karla Estrada kaya naman ay hindi nakapagkomento ang ilang mga bashers sa post nito.


Samantala, may ilang malalapit naman kay Karla ang nagtanong ng detalye sa kanyang post. Kaagad naman umano itong sinagot ng celebrity mom at nilinaw ang detalye.


Ayon kay Karla ay magkakaroon umano ng panibagong endorsement si Daniel Padilla. Tiyak din umanong lalong magngingitngit ang mga taong palaging nang-iintriga sa kanyang anak at nagsasabing nawalan na ito ng mga endorsement mula nang maghiwalay sila ni Kathryn Bernardo.


Matatandaan na marami pa rin ang mga bumabatikos ngayon kay Daniel Padilla dahil sa naging hiwalayan nila ni  Kathryn Bernardo.


Sa ngayon ay tila masaya na ang aktres sa piling ng panibagong pag-ibig sa katauhan ni Alden Richards.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo