Birthday Surpresa Kay Kim Chiu Ni Paulo Avelino Kasado Na Lamang Sa Feelings

Biyernes, Abril 5, 2024

/ by Lovely


 Inaabangan ng maraming mga tagahanga nina Paulo Avelino at Kim Chiu ang magaganap na birthday celebration ng aktres ngayong buwan.


Naniniwala ang ilang mga fans ng KimPau na talagang paghahandaan umano ni Paulo Avelino ang paparating na birthday ni Kim Chiu lalo na ngayong pinagkukumpara sila ng aktor na si Alden Richards sa ginawa nitong surpresa para kay Kathryn Bernardo.


Ayon pa sa ilang mga fans ng KimPau, na hindi lamang lalampasan ni Paulo Avelino ang ginawa ni Alden Richards kundi tutumbasan din niya ito ng totoong feelings nila ni Kim Chiu.


Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na talagang pinagkukumpara ngayon sina Kim Chiu at Kathryn Bernardo na parehong nagmula sa isang mahabang relasyon at kakahiwalay pa lamang mula sa kanilang longtime boyfriends.


Pareho ring tila nakatagpo ang dalawa ngayon ng panibagong pag-ibig sa katauhan nina Alden Richards at Paulo Avelino.


Hinala ngaon ng marami na nililigawan na ni Alden Richards si Kathryn Bernardo habang nagkakamabutihan na rin umano sina Paulo Avelino at Kim Chiu.


Talagang kinakikiligan ng maraming mga netizens ang ginawang pagsurpresa ni Alden Richards kay Kathryn Bernardo. May mga naglabasan pang mga ulat ng pag-effort ni Alden Richards para lamang makasama ito. Bukod pa rito, nagbigay rin umano ng mamahaling regalo si Alden Richards kay Kathryn Bernardo.


Dahil dito, inaasahan ng mga netizens na talagang paghahandaan ni Paulo Avelino ang darating na kaarawan ni Kim Chiu.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo