Nancy McDonie, Pumirma Ng Co-Management Contract Sa Sparkle Artist Center

Martes, Abril 2, 2024

/ by Lovely

 

Dating Momoland member na si Nancy McDonie pumirma ng co-managemeng contract sa GMA Sparkle Artist Center.


Ibinahagi mismo ng GMA Sparkle Artist na nasa ilalim na ng kanilang pangangalaga ang dating myembro ng South Korean Pop-Group na Momoland na si Nancy McDonie.


Nauna nang isiniwalat ni Boy Abunda sa kanyang programa na Fast Talk with Boy Abunda na darating sa bansa sa susunod na buwan si Nancy McDonie dahil may gagawin itong mga proyekto.


Samantala, kahit nakapirma ng kontrata si Nancy McDonie sa GMA Sparkle artists ay mananatili pa rin ito sa South Korea at pupunta lamang siya sa Pilipinas kapag may gagawin siyang proyekto.


Ang GMA Network lamang ang mamahala sa mga engagements ni Nancy McDonie sa Pilipinas habang ang Korean agency naman nito ang mamahala sa kanyang showbiz career sa South Korea.


Sa pagpirma ng kontrata ni Nancy McDonie sa GMA Network, marami ang nag-aabang kung magkakaroon din ba ito ng pagbibidahang teleserye sa GMA Network.


Ang unang appearance ni Nancy McDonie ay sa Winter edition ng The Running Man Philippines na mapapanood sa GMA Network sa darating na May 2024.


Kinunan sa South Korea ang partisipasyon ni Nancy McDonie sa The Running Man Philippines kaya naman nagkaroon na ng pagkakataon ang mga host ng naturang show na makilala si Nancy McDonie at makasama ito ng personal.


Si Nancy Jewel McDonie, na kilala bilang Nancy, ay isang Korean-American na mang-aawit, artista, at host. Siya ay dating miyembro ng South Korean girl group na Momoland, na nabuo noong Nobyembre 10, 2016, sa pamamagitan ng reality survival show ng Mnet na Finding Momoland.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo