Janine Gutierrez Nagsalita Na Inamin Kung Bakit Ayaw Niya Makatrabaho Ang Ex Na Si Paulo Avelino!

Lunes, Abril 1, 2024

/ by Lovely




 Usap-usapan ngayon sa ilang social media platform ang patungkol sa artista na ayaw makatrabaho ng aktres na si Janine Gutierrez.


Lumalabas ngayon sa ilang mga social media platforms ang isyung umayaw umano ang aktres na si Janine Gutierrez na makatrabaho ang kanyang ex-boyfriend na si Paulo Avelino.


Dahil dito, naniniwala tuloy ang ilang mga netizens na nagtapos sa hindi maganda ang kanilang relasyon. May mga nagsasabi na hindi umano nagkaroon ng closure ang dalawa kaya naman mayroon pang bitterness na nararamdaman si Janine Gutierrez.


Sa kamakailang episode ng showbiz vlog ng kilalang talent manager at showbiz reporter na si Ogie Diaz, isiniwalat niya ang nakarating sa kanyang balita patungkol sa aktres na si Janine Gutierrez.


Ayon kay Ogie Diaz, ipinarating sa kanya ng kanyang mga sources na malapit sa aktres na kung may artista siyang ayaw makatrabaho sa ngayon ito ay walang iba kundi ang pinaniniwalaang ex-boyfriend nito na si Paulo Avelino.


Naniniwala naman si Ogie Diaz na tila hindi nagkaroon ng maayos na closure ang dalawa dahilan para tumanggi si Janine na makasama sa iisang trabaho ngayon si Ogie Diaz.


Marami rin ang nakapansin na tila bigla na lamang naging bukas si Paulo Avelino sa kanyang lovelife ngayon kasama ang aktres na si Kim Chiu dahil noon naman ay napakapribado ng aktor pagdating sa kanyang lovelife kahit pa nauugnay siya kay Janine Gutierrez.


Dahil dito, marami ang naghinala na baka naman ay hindi gaano ka-seryoso si Paulo Avelino kay Janine Gutierrez noon hindi kagaya ngayon kay Kim Chiu na handa siyang ipagsigawan sa lahat ang kanilang closeness.


Sa kabilang bansa, may mga naniniwala naman na kaya maingay ngayon ang pangalan nina Paulo Avelino at Kim Chiu kaysa sa kanila noon ni Janine Gutierrez dahil mas kilala naman si Kim Chiu.


Marami rin umano ang sumusubaybay ngayon kay Kim Chiu dahil kakahiwalay pa lamang nila ng kanyang nobyo for 12 years na si Xian Lim.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo