Kathryn Bernardo Nagpatawad Na Pero Minarkahan Ang Mga Taong Nanakit Sa Kanya

Lunes, Abril 1, 2024

/ by Lovely


 Inilabas na ng MEGA Magazine ang kanilang interview kay Kathryn Bernardo kung saan maraming rebelasyon ang naisiwalat ni Kathryn Bernardo patungkol sa kanya.


Ipinahayag rin niya ang kanyang pasasalamat sa kanyang mga kaibigan at pamilya na naroon para sa kanya sa mga panahon na nangangailangan siya ng makakaramay.


Hinid naman lingid sa kaalaman ng lahat na dumaan sa matinding pagsubok sa buhay si Kathryn Bernardo nang maghiwalay sila ng kanyang longtime boyfriend na si Daniel Padilla noong November 2023.


Ayon kay Kathryn Bernardo, isang proseso ang kanyang pinagdaanan para magkaroon ng oras para sa kanyang sarili at maprotektahan ang kanyang peace of mind.


Ang labis pa umano na nakakasakit ay iyong kailangan pa rin niyang gawin ang mga nakalatag na project para sa kanila ni Daniel Padilla sa kabila ng kanilang pinagdadaanan at ipakitang maayos pa rin sila sa harap ng publiko.


Nagbigay naman ng makahulugang pahayag si Kathryn Bernardo patungkol sa forgiveness. Ayon sa kanya, kapag napatawad na niya ang isang tao ay hindi naman niya kakalimutan ang ginawa nito. Hindi na rin umano niya ibabalik.


"Ang lalim kasi ng word na forgiveness. For me, you can forgive people who deserve it but, when I forgive you, it doesn't mean that I have to keep you in my life. I forgive you for my peace of mind for clarity and everything but it doesn't mean na pwede kang bumalik," saad ni Kathryn Bernardo.


Dagdag pa niya, "I just keep my distance, keep your distance where ok like that. I mean kunyari, I got hurt. Why would I allow you to comeback.. depends it's a case to case basis."


Kaagad namang naiugnay ng mga netizens kay Daniel Padilla ang naging pahayag ni Kathryn Bernardo. Marami ang nagsasabi na talagang wala nang balak pa si Kathryn Bernardo na makipagbalikan kay Daniel Padilla sa kabila ng pagpapatawad niya rito.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo