Inunahan Si Vice Ganda, Eat Bulaga May Bagong Host!

Biyernes, Abril 5, 2024

/ by Lovely


 Tuwang-tuwa at talagang naexcite ang host na si Ryza Mae Dizon matapos anunsyo ni Bossing Vic Sotto sa Eat Bulaga ang pagkakaroon nila ng panibagong makakasama.


Inanunsyo ni Bossing Vic Sotto ang pagdating ng anak nina Aga Muhlach at Sharlene Gonzales na si Andres Muhlach sa TV5 noontime show na Eat Bulaga sa darating na April 6, 2024.


Nagbiro pa si Tito Sotto na siya na umano ang bahalang magpagawa sa gown na susuotin ni Ryza Mae Dizon para magandang-maganda ito sa pagsating ni Andres Muhlach pagdating nito sa Eat Bulaga.


Aminado naman kasi si Ryza Mae Dizon na talagang crush niya ang kambal ni Atasha Muhlach na si Andres dahil hindi naman maitatanggi ang kagwapuhan.


Dahil dito, game na game din si Ryza Mae na sumakay sa mga biruan at panunukso ng kanyang mga kasamahang hosts sa Eat Bulaga.


Samantala, inilahad naman ni Ryza Mae na una silang nagkausap ni Andres Muhlach noong nakaraang birthday party ni Maine Mendoza sa Bonifacio Global City.


Gayunpaman, aminado pa rin si Riza Mae na talagang excited siya ngayon makakasama na niya sa iisang programa si Andres.


Maging ang ilang mga manonood ng Eat Bulaga ay labis ring na-excite sa pagdating ni Andres sa Eat Bulaga. Ilalabas ng Eat Bulaga ngayong April 6 ang National Barangay Day na siyang itatapat nila sa Birthday celebration ni Vice Ganda at ang bonggang paglipat ng It's Showtime sa main channel ng Kapuso network.


Tanong ngayon ng mga netizens kung magiging regular host din ba sa Eat Bulaga si Andres Muhlach katulad ng kanyang kakambal na si Atasha Muhlach.


Kung sakaling papasok sa Eat Bulaga si Andres, nangangahulugan lamang na tila nabigo si Vice Ganda sa pag-asam na makakasama sa kanilang noontime show ang isa sa kambal na anak ni Aga Muhlach.


Matatandaan na sa isang vlog ni Vice Ganda kung saan kinapanayam niya si Aga Muhlach sinabi nito na sana ay payagan ni Aga ang isa pa niyang anak na makasama sa kanilang noontime show ngayong nasa Eat Bulaga naman si  Atasha.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo