Sen. Chiz Escudero Sinakay Sa Helicopter at Isinugod Sa Ospital

Biyernes, Abril 5, 2024

/ by Lovely


 Mainit na pinag-uusapan ngayon sa ilang mga social media platforms ang hindi kumpirmadong balita na umano'y na-stroke ang mister ni Heart Evangelista na si Senator Chiz Escudero.


Ikinabahala ng maraming mga netizensa ang lumabas na balita ngayon sa ilang mga social media platforms at ilang mga entertainment news sites na umano'y inatake sa puso ang Senator na si Chiz Escudero noong April 4, 2024.


Dahil dito, na-stroke umano ang senator at semi-paralyzed ngayon.


Samantala, noong nangyari ito kay Senator Chiz Escudero ay nasa Hongkong si Heart Evangelista dahil may projet ito roon na kaagad namang kinansela dahil sa nangyari sa mister.


Kumakalat rin ngayon sa ilang mga blind item na kasalukuyang nasa St. Luke's Hospital ang isang 'male senator from Sorsogon'.


Hindi naman idinitalye ng mga sources ang patungkol sa nangyaring stroke kay Sen. Chiz Escudero subalit may nagsasabing isinakay sa chopper si Chiz Escudero mula sa Sorsogon papunta sa St. Luke's Medical Center.


Sa ngayon ay hindi pa naman naglalabas ng opisyal na pahayag ang tanggapan ng senador. Nang matanong naman ang mga taong malapit kina Chiz Escudero ay iisa lamang ang sinasabi ng mga ito na nasa bahay lamang si si Chiz Escudero, maayos ang kalagayan at nagpapahinga.


Maging sa mga social media posts ni Heart Evangelista ay wala namang pahiwatid na may nangyaring aksidente kay Chiz Escudero.


Sa ngayon ay hinihintay na lamang ang opisyal na pahayag ng panig ni Heart Evangelista at Chiz Escudero patungkol sa balitang ito.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo