It's Showtime Nilampaso Ang Eat Bulaga Sa Ratings!

Lunes, Abril 8, 2024

/ by Lovely


 Lumabas na ang ratings sa mainit na tapatan ng mga noontime shows na Eat Bulaga at It's Showtime noong sabado, April 6, 2024.


Inaasahan ng maraming mga netizens at ng maraming manonood na makakakuha ng mataas na ratings ang It's Showtime dahil sa paglipat nila sa GMA7.


Bukod pa rito, inaabangan rin ng maraming mga manonood ang mga pasabog na gagawin ng It's Showtime sa bonggang paglipat nila sa GMA7.


Hindi rin maitatanggi na talagang nagtrending at pinag-uusapan ang April 6, episode ng It's Showtime.


Samantala, inilabas na ng AGB Nielsen Notam ang nakuha nilang data noong April 6, 2024 kung saan nakakuha ng 9.7% ang It's Showtime combined ratings na ito mula sa GMA, GTV, A2Z, at Kapamilya Channel samantalang nakakuha naman ang noontime show na Eat Bulaga ng TVJ sa TV5 at RPTV ay nakakuha ng 4.4%.


Ibig sabihin nito ay mahigit kalahati ang lamang ng It's Showtime sa Eat Bulaga. Lalo ring dumami ang mga commercial load ng It's Showtime na pinangungunahan ni Vice Ganda, Kim Chiu, Vhong Navarro, Jhong Hilario, Karylle at iba pang mga hosts.


Hindi naman ito kagulat-gulat dahil talagang inaabangan na ito ng maraming mga netizens, ang tuluyang pagsasanib pwersa ng ABS-CBN at GMA7 sa noontime show na It's Showtime.


Ang tinitingnan ngayon ay kung mamimaintain ba ng It's Showtime ang mataas na ratings  at patuloy nitong patataubin ang Eat Bulaga na siyang nangunguna noon sa larangan ng mga noontime shows.


Sa kabilang banda, may mga nagsasabi naman na talagang tataas ang ratings ng It's Showtime dahil pinagsama-sama na ang lahat ng reach ng mga media platforms kung saan ito umiere.


Bukod pa rito, talagang bongga ang ipinakita nilang performance at presentation sa show na talagang humakot ng mga viewers.


May mga nagsasabi rin na marami sa mga manonood ay naku-curious lamang sa mga pasabog ng show ngayong kakasimula pa lamang nila at babalik rin sa panonood sa longest running noontime show na Eat Bulaga ng TVJ.


Katanungan naman para sa mga netizens kung ano ang ipantatapat ng Eat Bulaga sa It's Showtime ngayong nagsimula na silang maungusan.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo