Paulo Avelino Iba Na Kung Tumitig Kay Kim Chiu, KimPau Lalong Kinilig

Biyernes, Mayo 17, 2024

/ by Lovely


 Laman ng mga usap-usapan ngayon sa social media ang mga video at larawan na kuha sa media conference ng Philippines adaptation ng What's Wrong With Secretary Kim?, dahil tila may ibang kahulugan na umano ang mga tinginan ngayon ng aktor na si Paulo Avelino kay Kim Chiu.


Ayon sa ilang mga fans ng dalawa, kapansin-pansin umano ang pagiging alerto ni Paulo Avelino kay Kim Chiu, palagi umano nitong nililingon lingon ang aktres kahit pa nasa harapan sila ng maraming tao.


May mga netizens na nagsasabing naiiba na umano ang tinginan ngayon ni Paulo Avelino kay Kim Chiu, tila naging gentler at softer. May mga nagkomento pa na ito ang mga tinginan ng mga taong inlove.


Sa kabilang banda, may mga netizens naman na nagsasabing strategy lamang ito ni Paulo Avelino para mapag-usapan at lalong tangkilikin ng mga manonood ang tambalan nila ni Kim Chiu.


Ipinunto pa ng iba na kung totoong seryuso si Paulo Avelino kay Kim Chiu ay aamin na umano ito at hindi iyong nagpapaligoy-ligoy ito sa mga sagot.


Wala naman na umanong masama kung aamin na ngayon ang dalawa kung sakaling totohanan na ang kanilang loveteam dahil pareho naman na silang single at nasa tamang edad na rin para magligawan o pumasok sa seryosong relasyon.



May mga nagsasabi ring ganoon naman talaga noon pa ang galaw ni Paulo Avelino sa tuwing nagkakaroon siya ng loveteam dahil hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na labis ring pinakilig ni Paulo Avelino ang kanilang mga tagahanga ni Janine Gutierrez subalit noong naipareha na kay Kim Chiu ay bigla na lamang na nanahimik.


Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo