Fans Ni Janine Gutierrez Binanatan Si Ogie Diaz Dahil Sa Paninira Nito at Pagkumpara Kay Kim Chiu!

Huwebes, Abril 4, 2024

/ by Lovely


 Kilalang talent manager at showbiz insider na si Ogie Diaz, inuulan ng pambabatikos ngayon ng mga tagahanga ni Janine Gutierrez dahil sa paninira umano nito sa aktres para bumango ang mga pangalan nina Paulo Avelino at Kim Chiu.


Nangagalaiti ngayon ang mga fans ng aktres na si Janine Gutierrez kay Ogie Diaz dahil napapansin nilang panay umano ang paninira ng talent manager sa kanilang idolo para maging maganda sa paningin ng nakararami ang tambalan nina Paulo Avelino at Kim Chiu.


Bukod pa rito, may mga nakapansin rin na tila idinidikit palagi ng talent manager ang pangalan ni Janine Gutierrez sa tuwing napag-uusapan nila sa kanilang vlog ang KimPau.


Hindi naman lingid sa kaalaman ang naging relasyon nina Paulo Avelino at Janine Gutierrez noon kahit hindi naman ito gaanong inilalantad sa publiko at hindi rin gaanong napag-uusapan kung ikukumpara sa relasyon ngayon nina Kim Chiu at Paulo Avelino.


Hindi nagustuhan ng mga fans ni Janine Gutierrez ang naging pahayag ni Ogie Diaz na mas nagustuhan umano ng maraming mga netizens si Kim Chiu para kay Paulo Avelino kaysa kay Janine Gutierrez.


Kaagad namang sinagot ni Ogie Diaz ang mga isyung ito at iginiit sa kamakailang episode ng kanyang vlog na hindi naman niya sinisiraan ang Kapamilya Star na si Janine Gutierrez.


Iginiit din niya na bagama't aminado siyang fan rin siya ng KimPau ay hindi naman umano ito nangangahulugan na pumapanig na siya sa mga ito.


Para sa kanya, ay inilalahad lamang niya ang mga opinyon ng maraming tao patungkol sa pinag-uusapang tambalan ngayon nina Paulo Avelino at Kim Chiu kaya naman hiling niya na sana ay huwag naman siyang paratangan ng mga ito na may galit kay Janine Gutierrez.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo