Paulo Avelino si Janine Gutierrez ang Kasama sa Beach HINDI si Kim Chiu

Biyernes, Mayo 17, 2024

/ by Lovely


 Mainit na pinag-uusapan ngayon sa ilang mga social media platforms at ilang mga entertainment news sites, ang patungkol sa kung sino ang totoong nakasama ni Paulo Avelino sa kanyang nakaraang kaarawan.


Nauna nang naiulat ang hinala ng maraming mga netizens na nagkasama sina Paulo Avelino at Kim Chiu sa isang beach vacation noong nakaraang kaarawan ng aktor. Nag-ugat ang mga hinalang ito nang mapansin ng maraming mga Kim Chiu at Paulo Avelino fans ang biglaang pangingitim ni Kim Chiu sa isang episode ng It's Showtime matapos ang pag-absent nito. 


Gayundin ang napansin ng mga netizens kay Paulo Avelino kitang-kita ang uneven skintone nito sa kamay kung saan bumakat ang relo nito.


Hinala ng kanilang mga tagahanga na magkasamang nagbakasyon sa beach sina Paulo Avelino at Kim Chiu upang ipagdiwang ang kaarawan ng aktor.


Samantala, viral at pinag-uusapan naman ngayon ang isang komento ng fan nina Janine Gutierrez at Paulo Avelino kung saan inihayag niya na walang katotohanan ang balitang magkasama sina Paulo Avelino at Kim Chiu noong nakaraang kaarawan ng aktor.


Ang totoong kasama umano ni Paulo Avelino ay walang iba kundi ang girlfriend nitong si Janine Gutierrez. Ayon pa rito, magkasamang nagbakasyon sa Siargao sina Paulo Avelino at Janine Gutierrez noong nakaraang kaarawan ni Paulo.


Inilahad din ng nasabing fan na mayroon siyang resibo na totoong si Janine Gutierrez ang kasama ni Paulo at hindi si Kim. Sinadya lamang umano ni Kim Chiu na manahimik sa social media sa loob ng ilang araw para isipin ng kanilang mga tagahanga na magkasama sila ni Paulo Avelino na hindi rin nagpopost.


Ginagawa umano ito ni Kim Chiu para lalo pang umingay ang kanilang tambalan ni Paulo Avelino at lalo pa silang tangkilikin ng kanilang mga tagahanga. Hinahayaan naman ito ni Paulo Avelino dahil para na rin sa promo ng kanilang pinagbibidahang teleserye.


Sa kabilang banda, isiniwalat din ng nasabing fan na ang nakasama ni Kim Chiu na mag-beach ay walang iba kundi si Atty. Oliver Moeller, dating Searchee ng Expecially For You na nanliligaw na umano ngayon kay Kim Chiu.


Samantala, nananatili namang tikom ang bibig nina Paulo Avelino, Janine Gutierrez at Kim Chiu hinggil sa kumakalat na isyung ito sa social media. Hindi nililinaw ng tatlo kung ano ang totoong relasyon nila bukod sa pagiging magkatrabaho.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo