Letran Player Ibang Bola Ang Nais Laruin!

Walang komento

Lunes, Disyembre 5, 2022

Spotted ng mga referee, judges, at maging camera ng GMA Sports ang ginawang paghimas at pagpisil-pisil ng isang basketball player mula sa Colegio de San Juan de Letran sa kalabang basketball player mula sa College of Saint Benilde, sa Game 1 ng NCAA Season 98 men’s basketball finals.

Agad namang binigyan ng warning ng referee ang Letran player na si Pao Javillonar matapos makitang hinihimas ang behind ni Will Gozum ng College of Saint Benilde, nang sila ay nasa 4:57 mark ng 3rd quarter.

Samantala sa isang panayam kay Gozum noong December 4 sinabi niyang hindi dapat tinotolerate ang ganoong player.

“Ganoon ‘yung ugali niya siguro. We don’t tolerate that kind of player… Siguro physicality matatanggap ko pero ‘yung ganoon?”

Agad namang umani ng sam'ut saring komento mula sa mga netizen ang ginawang ito ni Javillonar. Ayon sa iba na tila ibang bola ang nais nitong laruin.

Dagdag pa ng isang netizen, “Should not be tolerated. I don’t think Colegio de San Juan de Letran will be proud of such action.”

Sa kabilang banda, hindi pa rin naglalabas ng pahayag ang pamunuan ng Colegio de San Juan de Letran hinggil sa ginawanag ito ni Javillonar.

Jovit Baldivino Nasa ICU, Bigla Na Lamang Nag-collapse Sa Party!

Walang komento


 Bigla na lamang nag-collapse habang nasa isang party noong, December 4 sa Batangas City ang “Pilipinas Got Talent” grand champion na si Jovit Baldovino.

Ayon sa mga ulat, may pumutok umanong ugat sa utak ni Jovit at posibleng aneurysm ang dahilan nito.

Agad umanong naisagawa ang surgery sa singer at kaninang umaga ay nailipat na ito sa ICU ng Jesus of Nazareth Hospital.

Hindi naman nagpa-unlak ng panayam ang pamilya ng singer.

Maricel Soriano Tanggap Na Malalaos!

Walang komento


 Tanggap na ng tinaguriang Diamond  Star na si Maricel Soriano na darating ang araw na malalaos na din siya.

Ito umano ang kanyang unang natutunan mula sa mga artistang nauna sa kanya. Pinayuhan din umano siya ng mga ito hinggil sa pagkakalaos isang araw.

Sa ilang taon niyang pagtatrabaho sa showbiz at sa dami na niyang napatunayan sa kanyang sarili hindi na umano takot si Maricel sa pagkalaos.

Sa chikahan nila ng kanyang pamangkin na si Meryll Soriano nilinaw ng Diamond Star na noon pa man ay alam niyang hindi panghabangbuhay ang kasikatan sa mundo ng showbiz.

“Hindi. Kasi from the start, bata pa ako, alam ko na iyan. Sinabi na nila sa akin. Sabi nga nila, lahat ng bagay may katapusan. Kaya dapat laging handa. Dapat girl scout ka, laging handa. Hindi pwedeng hindi ka maging handa dahil parang buhay din ito na marami ang maaaring mangyari,” paliwanag pa ni Maricel.

Alam din umano ng award-winning actress na mas tinatangkilik ng publiko ang mga baguhan at batang artista.

Concert Nina Skusta Clee, Flow G at J Roa Sa Canada Nagkagulo! Inulan ng babasaging bote!

Walang komento


 Nagkaroon ng concert tour ang tatlong singer/rapper na sina Skusta Clee, Flow G at J Roa sa Vancouver, Canada noong Sabado. Kasama din nila ang girlfriend ni Flow G. na si Pastillas Girl.

Sa kasagsagan ng performance ni Angelica Yap aka Pastillas Girl bigla na lamang may naghagis ng babasaging bote. Muntik pa itong tamaan.

May isa pang lalaki ang nagbasag din ng dalawang bote at kinumpronta ang naunang nambato ng bote.

Agad namang nilinaw ng organizer ng nasabing concert na hindi si Pastillas Girl ang binato ng bote kundi ang mga attendee at bouncer sa kabilang side ng stage.

“Hindi po si PASTILLAS GIRL yung binato ng bote wag kayong mali magchismis. It was the ATTENDEES and the BOUNCERS fighting sa gilid ng stage kaya nadamay lang siya,” pahayag ng concert staff.

Samantala, itinuloy pa rin ang concert matapos paalisin ang mga nagwawalang concert goer.

@cjmarzan Hi! We had a meeting with managers of the artists after the event to propose for re-scheduling of photo with VIP and SVIP, but they declined. The photo was cancelled due to safety reason for both attendees and artists. We announced one day before event about the warning and hand out flyers as well during concert about warning of terminating access to event due to result of any misbehaviour, without refund. Thank you! #skustaclee #skustaclee #flowg #pastillasgirl #pastillasgirl🥰🥰🥰 #angelicajaneyap #angelicajaneyapandflowg #jroa #fy #fypage #fypageシ #foryoupage ♬ original sound - CJ Marzan

Myrtle Sarrosa, Ipinagpalit Ang Boyfriend Sa Online Games!

Walang komento


 Sa panayam ng isang entertainment site sa cosplayer-actress na si Myrtle Sarrosa inamin niyang nawalan siya ng lovelife dahil sa paglalaro niya ng online games.

Ayon kay Myrtle, natuon ang kanyang attention sa paglalaro ng online games mula noong naglockdown dahil sa paglaganap ng pandemya.

“All I did was basically play video games, an entire year hanggang sa medyo naubos ko na yung lahat ng mga inipon ko,” pagkukwento ni Myrtle.

Gayunpaman, ibinahagi ngayon ni Myrtle na kumikita na siya sa mga endorsement dahil sa paglalaro.

“Dahil naging endorser ako ng maraming brands, kasi mas ina-acknowledge nila ako sa games… you are actually making a name for yourself because of the video games,” paliwanag ng cosplayer-actress.

Aminado din siyang nawalan na siya ng oras sa kanyang boyfriend dahil sa paglalaro. Siya na rin umano mismo ang nagsabi sa kanyang boyfriend na hindi niya kayang bitawan ang paglalaro para lamang makapaglaan ng oras para rito.

Nilinaw naman ni Myrtle na minahal naman niyang totoo ang kanyang boyfriend subalit para sa kanyang mas valuable ang paglalaro kaysa rito.

“Hindi naman sa hindi ko siya totoong mahal. Siguro there comes a point in time in life na there are things na more valuable sa ‘yo.”

Rey PJ Abellana Umaasa Pang Magbabalikan Sina Carla Abellana at Tom Rodriguez!

Walang komento


 Sa kamakailang panayam kay Rey PJ Abellana para sa kinabibilangan niya pelikula na isa rin sa mga entry sa nagbabalik na Metro Manila Film Festival, ipinahayag niya ang kanyang pagnanais na magbalikan ang kanyang anak sa dating asawa nitong si Tom Rodriguez.

Ayon kay PJ walang masama kung babalikan mo ang isang ex dahil aminado naman siya na kung mabibigyan lamang siya ng pagkakataon ay nais niya balikan ang isang dating minamahal.

“Inspite of the lapse of time, changes, at everything, maraming nagbago. Pag tinanong mo ako, na may chance pa kaya na ang dati mo ay babalikan mo pa? Speaking from myself, ha? Ako, posibleng mabalikan ko pa yung dati."

Naniniwala din umano si PJ sa second chances. Aminado din siya na hanggang ngayon ay boto pa rin siya kay Tom para sa kanyang anak. Ipinahayag pa ni PJ na ang ibibigay niyang regalo para kay Tom at kay Carla ay ang isa't-isa.

Samantala, hanggang ngayon ay hindi pa rin umano nag-uusap sina PJ at Carla dahil sa pagsisiwalat nito sa social media na may ka-one night stand si Tom.

Dennis Padilla Pinapatigil Na Ng Mga Netizens!

Walang komento


Muling pinagsabihan ng ilang mga netizens si Dennis Padilla dahil sa nakaraang rant nito sa pagtanggi ni Karen Davila na interbyuhin siya.

Sa isang panayam kay Dennis Padilla kamakailan, isiniwalat niya ang kanyang sama ng loob kay Karen Davila dahil sa umano'y pansho-showbiz nito sa kanya.

Matatandaang hiniling Dennis kay Karen na interbyuhin din siya, matapos nitong interbyuhin ang kanyang anak na si Julia Barretto.

Hindi kasi sumang-ayon si Dennis sa ilang pahayag na binitawan ni Julia laban sa kanya na naging dahilan kaya hindi pa siya mapapatawad nito.

Ayon kay Dennis ay unang pumayag si Karen sa kanyang request at nangako na iinterbyuhin din siya. Subalit dumaan na lamang ang mga buwan ay hindi na siya muli pang kinontak nito.

Samantala, agad namang nagbigay ng komento ang ilang mga netizens sa pagrarant na ito ni Dennis. Ipinunto pa ng ilan na makakadagdag lamang sa sama ng loob sa kanya ng mga anak kung patuloy niya itong binabanatan sa social media.

Muli din pinayuhan ng mga netizen si Dennis na kausapin na lamang ang mga anak in-private. Kung sadyang hindi pa talaga siya napapatawad ng mga ito ay mas mabuti pa na manahimik na umano muna siya.

Kylie Padilla May Idedemanda? Nakikipag-usap Na Sa Kanyang Abogado!

Walang komento


 Naging laman ng usap-usapan nina Manay Cristy Fermin at mga co-host nito na sina Wendell Alvarez at Romel Chika sa kanilang vlog na Showbiz Now Na.

Ayon kay Manay Cristy Fermin, may sinabihan umanong kaibigan si Kylie Padilla na nais niyang makipag-usap sa kanyang abogado.

Hindi din naman umano sinabi ni Kylie ang dahilan kung bakit nais niyang makipag-usap. Kung ito ba ay para sa annullment nila ni Aljur Abrenica o sa napapabalitang panganganak ni AJ Raval sa anak nila ni Aljur.

Dahil rito, sinabi ni Manay Cristy na kaya todo tanggi at tago sina Aljur at AJ ay dahil na rin sa takot nilang makasuhan at mapakulong ni Kylie.

Matatandaang walang inilabas na komento si AJ at Aljur hinggil sa panibagong isyu na kinahaharap nila ngayon. Ni hindi naglabas ng official statement ni AJ upang tuluyang i-deny ang mga alegasyon ng mga netizens.

Bukod Sa Iniindang Mental Health Issues Sunshine Dizon Naka-confine Sa Hospital!

Walang komento


Naging usap-usapan ang pagbabahagi ni Sunshine Dizon sa social media ng kanyang pinagdadaanang mental health conditions at ang kanyang mga medication.

Muli na namang ginulat ni Sunshine ang publiko nang ibahagi niya sa isang Facebook post na kasalukuyan siyang naka-confine sa isang hospital dahil sa sakit na bronchitis. Ipinakita din niya sa isang larawan ang nakaswero niyang mga kamay habang nakasuot ng oxygen mask.

"So this is my best effort to look cute and feel my rays of sunshie to uplift mu spirits. So far thank God its not covid. Again I tested NEGATIVE FOR COVID. So far what my Pulmo is saying is Bronchitis. I know prayers works wonders so do pls pray for me and everyone you know battling something. ❤️"

Nagpapasalamat din si Sunshine sa lahat ng mga doktor na nag-aalaga sa kanya at sa mga nurses.

Agad naman bumuhos ang mensahe ng pagpapagaling mula sa mga kaibigan at kasamahan ni Sunshine sa showbiz at maging mula sa kanyang mga tagahanga.

Matet De Leon Nagalit Kay Nora Aunor Dahil sa Pakikipagkompetinsya sa Kanyang Negosyo!

Walang komento


Naging mainit na usapin sa social media ang hinaing ni Matet De Leon sa kanyang Instagram post dahil sa umano pakikipagkompetinsya ng inang si Nora Aunor na kilala rin bilang Ate Guy.

Si Matet De Leon ay kilala na may negosyong nagbebenta ng bagnet bagoong, sisig bagoong, gourmet tinapa, at gourmet tuyo. Alam naman umano ito ng kanyang ina subalit hindi niya alam kung bakit kinakompetinsya siya nito.

Sa isang Instagram post inilabas ni Matet ang kanyang inis, pagkadismaya at galit para sa kanyang kinikilalang ina na si Nora Aunor.

"Would you do this to your children? HONOR THY FATHER AND MOTHER. HOW? how can I do that now? Ay, AMPON PALA AKO. Nung isang gabi, sinabihan ako na na mag resell na lang ng products ng nanay ko. Pinag hihirapan namin ang pagtitinda. Bakit all of a sudden, nagulat na lang ako, naglabas ang nanay ko ng direktang kumpitensya ng produkto ko. Alam niyang may produkto akong ganyan.. Marami naman daw akong taping. Ano sa tngin niyo gagawin ko ngayon? Ano magandang gawin? Kung may anak kayo, GAGAWIN NIYO BA SA MGA ANAK NIYO TO?"

Dahil sa insidenteng ito naungkat pa tuloy ni Matet ang pagiging ampon niya.

Samantala naka-off naman ang comment section ng Instagram post ni Matet.

Darryl Yap Nais Lampasan Ang 3000 Actors Ng Pelikulang Himala, MoM nasa 4800 Ang Mga Artista!

Walang komento

Linggo, Disyembre 4, 2022


Ibinahagi kamakailan ni Direk Darryl Yap sa kanyang social media account na balak niyang lamangan ang pelikulang Himala kung saan umabot sa 3000 ang artistang gumanap. Ayon kay Darryl nagbabalak siyang maghire ng 4800 artista para sa sequel ng pelikulang Maid in Malacanang.

Kamakailan lamang ay isiniwalat na ni Direk Darryl Yap ang mga artistang gaganap bilang lead role sa pelikulang Martyr o Murderer ang sequel ng nauna nitong pelikula na Maid in Malacanang.

Kabilang na rito ang bida ng katapat na pelikula ng Maid in Malacanang na Katips, ito'y walang iba kundi si Jerome Ponce. Gagampanan nito ang papel ng younger Ninoy Aquino.

Marami naman ang naghihintay sa ipapalabas na official trailer ng pelikula.

Sa kabilang banda, usap-usapan din ngayon na may ipapalabas ring pelikula si Direk Vince Tanada na hinuha ng ilang mga netizens na ipantatapat nito sa pelikulang Martyr o Murderer ni Darryl Yap.

Matatandaang naging controversial ang unang salpukan ng mga pelikula ni Direk Darryl Yap at Vince Tanada nitong nakaraan.

Billy Crawford Very Proud Sa Kanyang Misis Na si Coleen Garcia!

Walang komento


Buong pagmamalaking ibinahagi ng TV-host dancer na si Billy Crawford ang kanyang tuwa matapos tanghalin bilang Best Actress sa El Grito International Fantastic Film Festival sa Venezuela ang kanyang misis na si Coleen Garcia.

Ipinahayag ni Billy ang kanyang paghanga at buong ipinagmamalaki na nakuha pa rin ni Coleen sa kabila ng pinagdaanan nilang challenges.

“So proud of you my love, great challenges and tests of faith but God always is with you my love and He always sees us through,” pahayag ni Billy sa kanyang post.

“Congratulations again my beautiful wife!” pagbati pa ni Billy rito.

Samantala sa kaparehong post inanyayahan ni Billy ang lahat na panoorin ang pelikula ni Coleen kung saab ito nanalong best actress.

“You can still catch the film in cinemas nationwide! Watch while you can & let's all continue to support local films!” pag-aanyaya ni Billy.

Pinagbibidahan ni Coleen Garcia ang pelikulang Kaluskos kung saan siya itinanghal bilang best actress.



Teddy Corpuz Nagluluksa Sa Pagkawala Ng Kanyang Nanay!

Walang komento


 Malungkot na ibinahagi ng singer at isa sa mga It's Showtime host na si Teddy Corpuz na pumanaw na ang kanyang nanay.

Ayon kay Teddy labis niyang mamimiss ang kanyang super ganda lola at hinding-hindi niya kailanman malilimutan ang kanilang moments together.

"I will miss you Nanay, my super ganda lola. I will remember and cherish every moment I had with you. Lahat masasayang memories." tweet ni Teddy.

Inamin din ni Teddy na labis din siyang nalulungkot subalit panandalian lamang umano ito dahil alam niyang nasa mabuting kalagayan na ang kanyang nanay sa piling ni Papa Jesus.

"Malulungkot ako pero sandali lang. I know kasama mo na si Jesus. Knowing that, I know im going to be okay. I will forever miss u. I love you nanay."

Tuesday Vargaz Nainis Sa Uma-attitude Na 'Batang Artista'!

Walang komento


 Ibinahagi ng komedyanteng si Tuesday Vargaz sa kanyang social media account ang kanyang pagkainis sa nakasama niyang mga 'batang artista sa isang event.

Sunod-sunod ang mga tirada ni Tuesday sa mga artistang kinainisan niya dahil sa pagsingit umano ng mga ito sa program flow dahil nagmamadali at ayaw ng mga handler na paghintayin ang mga ito.

Maayos pa umano siyang nagpakilala sa mga ito, subalit hinarangan siya ng handler sa pag-aakalang makikipagselfie siya.

“Mga batang artista, kahit gaano kayo ka-sikat at pinagkakaguluhan ng mga tao, mag-hello kayo sa kapwa n’yo artista pagdating sa work. Lalo na sa nakakatanda." pahayag ni Tuesday sa kanyang post.

“Sumingit na nga kayo sa program kasi nagagalit na ang handler nyo at bawal ata kayong pinaghihintay. Tapos ako pa ang nagbigay galang sa inyo, dinedma nyo pa ako. Tandaan, madaling maabot ang fame. Longevity is harder. Pakabait ok? Huwag ganun.” pagtatalak pa nito.

Nagkomento naman si Direk Louie sa post at sinabing malalaos agad ang mga artistang may ganitong pag-uugali.

Kasunod naman niyang ibinahagi na kaya pala nagmamadali ang mga ito dahil may hinabol pang event.

Samantala, napagpasyahan ni Tuesday na burahin na lamang ang naunang post at pinalitan ng isang art card.

“Decided to delete my posts and will just leave this here instead because I am beautiful. Ganoin,” caption niya, kalakip ang isang art card na may quotation na “Beautiful things don’t ask for attention.”

Sa isa pang post, nilinaw ni Tuesday na hindi na niya papangalanan pa kung sino ang tinutukoy niyang 'batang artista' dahil may iba pa siyang pinagkakaabalahan.

Edu Manzano Nagreklamo sa P25 na Transaction Fee Ng Isang Bank!

Walang komento


Naitanong ng veteran actor na si Edu Manzano ang mga netizens sa Twitter kung magkano ba ang mga kinakaltas na transaction fee ng kanilang mga bank transaction lalo na sa pamamagitan ng online banking.

“Doesn’t anyone notice how much money the banks charge us when we’re doing a simple transaction. I paid as high as ₱25 for the last one,” tweet ni Edu.

Sinagot naman ng ilang mga netizens si Edu na depende sa kung anong bangko ang ginawan niya ng transaction.

Ipinunto rin ng iba na dapat ay alamin muna kung magkano ang bank transaction fee bago isagawa ang bank transaction at alam na umano ito ng karamihan.

“We understand banks need to make money but charges are also going up. Many times the consumers are left with no choice. Why not one standard fee?” sagot naman ni Edu.

Samantala, may nanawagan namang netizens na dapat na itong bigyang pansin ng mga lawmakers ng bansa.. Aprubado naman kay Edu ang panawagang ito.


Rendon Labador Nais Interbyuhin Si Dennis Padilla! 'No Holds Barred Interview'

Walang komento


Nag-volunteer ang social media personality na si Rendon Labador na siya na lamang ang mag-iinterview kay Dennis Padilla, matapos magrant ng huli dahil hindi tinupad ni Karen Davila ang pangakong interview para rito.

Ayon kay Rendon, siya na lamang ang mag-iinterview kay Dennis.

"Dennis ako mag-interview sa'yo para mawasak 'yang mga 'yan, No holds barred interview!"

Marami naman ang sumang-ayon sa pag-volunteer ni Rendon.

Matatandaang matapos inilabas ni Karen ang interview niya kay Julia sa kanyang vlog ay kaagad nagbigay ng reaction si Dennis. Hiniling din nito kay Karen na interviewhin din siya upang mailabas din niya ang kanyang side.

Subalit ilang buwan na lamang ang nakakalipas ay hindi pa rin umano siya ininterbyu ni Karen.



Bea Alonzo Muling Hinangaan Dahil Sa Kanyang New Look!

Walang komento


 Muling pinahanga ng aktres na si Bea Alonzo ang kanyang mga followers matapos i-flex ang kanyang new look.

"New look to welcome the holidays," caption ni Bea sa kanyang larawan.

Kuha ang snaps ni Charisma Lico. Agad ding bumuhos ang mensahe ng paghanga mula sa kanyang mga fans at maging sa kanyang kapwa celebrities.

Matatandaang naging usap-usapan sa social media ang ilang beses na pambabanat at ang pang-ookray ni Manay Lolit Solis sa look ni Bea Alonzo. Ayon rito, kitang-kita na umano ang wrinkles ni Bea at talagang mukhang tita na. 

Subalit agad din itong inalmahan ng kanyang mga tagahanga dahil looking fresh at young pa rin naman umano ang actress.

Kuya Kim Atienza Pinayuhan Na Ang Team Ni Deanna Wong! 'Act accordingly'

Walang komento


Maging ang trivia master na si Kuya Kim ay nagbigay na rin ng reaction hinggil sa pang-iisnub ng team ni Deanna Wong na Choco Mucho sa kanilang mga fans.

Matatandaang nauna nag kinall-out ng isa pang sikat na online personality na si Rendon Labrador ang coach ng Team Choco Mucho upang mabigyan ang mga ito ng GMRC training.

Ngayon, maging si Kuya Kim ay hindi na nakapagtimpi sa mga astahan ng mga volleyball players na ito. Pinayuhan niya ang mga ito na umayos sa kanilang mga pinaggagawa inpublic dahil maituturing na rin silang mga public figure.

Ayon sa post ni Kuya Kim sa kanyang Facebook account, "As public personalities, (yes athletes are also public figures) We have a choice to inspire and show gratitude to fans who passionately support us or we can choose to stay private and give them the cold shoulder. This team should be advised that catering to fans is a responsibility, otherwise, stay out of the public eye and play privately. What an irritating yet sad sight. I hope they are advised by their sponsors to act properly in public. Back to you guys."

Base sa FB post ni Kuya Kim, nais niyang maging ang mga sponsors ng mga ito ay magbigay ng payo dahil sumusobra na umano ang mga ginagawa nila sa social media.

Samantala, hindi pa nagsasalita si Deana Wong hinggil sa isyung ito.


Carla Abellana May Mensahe Sa Kanyang 'Past Self'

Walang komento


Ibinahagi ng Kapuso actress na si Carla Abellana sa Youtube Vlog ni Camille Pratts ang tatlong bagay na maipapayo niya sa kanyang younger self.

"Number one na sasabihin ko [sa teenage self] alagaan mo yung sarili mo or huwag mong kakalimutan yung sarili mo. Number two, kailangan mo magpakatatag. You have the rest of your life ahead of you. There’s so much more in store for you kaya kailangan mo lang ng lakas ng loob. And number three, ever since naman, I’ve always believed, hindi ko kailangan i-remind sa sarili ko pero tama iyan, always look back at the lessons you’ve learned from your family—your mom and lola—and how you were raised. Lagi mong kapitan yun para you can go back to that old self na you stay grounded." pagbabahagi ni Carla.

Napatunayan din umano niya dahil sa kanyang mga pinagdaanan sa buhay kung gaano siya katatag at kalakas.

Matatandaang noong January 2022, sinalubong nina Carla Abellana at Tom Rodriguez ang mga netizens sa isyu ng hiwalayan nila, matapos ang mahigit tatlong buwan matapos nilang makasal.

Matapos ang anim na buwan ay nagsalita si Carla Abellana kung gaano siya trinaydor, binastos, ginamit at hindi ni-respeto ni Tom Rodriguez. 

Inamin din ni Carla sa panayam na feeling niya ay sumubra siya sa pagbibigay impormasyon hinggil sa hiwalayan nila ni Tom Rodriguez. Ninais din umano niyang manahimik lamang subalit may pagkakataong hindi na niya kaya at kinailangan na din niyang magbigay paliwanag lalong-lalo na sa management.

"Mahirap, gustuhin mo man na to keep quiet, but it also very hard. But I tried my best talaga na hindi na magsalita, to stay silent, kasi hindi rin naman dahil sa ayaw ko but I owe na rin to myself."

Malaki rin umano ang pasasalamat ni Carla sa lahat ng tumulong sa kanya upang makapag-move on lalong-lalo na ang kanyang mga pamilya at kaibigan.

Sunshine Dizon Ibinahagi Ang Kanyang Mga Mental Health Conditions!

Walang komento


 Inamin ng aktres na si Sunshine Dizon sa kanyang social media ang pinagdadaanan niyang mental health conditiong ngayon.

Ibinahagi din ni Sunshine ang ilang mga larawan ng kanyang medications. Ayon sa caption ng kanyang post, inamin ni Sunshine na na-diagnose siya ng iba't-ibang  mental health conditions.

"And since im here alone feeling overwhelmed guess its time to admit what I’ve been going through recently.
Diagnosed with PTSD, Depression, Panic attacks, Abandonement issues and thats just skimming the surface. Im on xanor, jovia, revotril for emergencies and stilnox."

Pagpapatuloy pa ni Sunshine, "You may ask why now? Only because i want to free myself from the stigma. There’s nothing wrong to ask for help. I know it’s very hard to get stuck in your head. But we can do it, baby steps. One day at a time."

Agad namang nagbigay ng inspiring messages sa comment section ang ilang mga kaibigan ni Sunshine sa showbiz at maging ang kanyang mga tagahanga.

Mateo Guidicelli, Pinabura Ang Open Apology Letter Ni Sarah Geronimo Para Sa Kanyang Mga Magulang!

1 komento


 Napag-alaman ni Manay Cristy Fermin ang kwento sa likod ng buradong apology letter ni Sarah Geronimo para sa kanyang mga magulang.

Ayon sa pagkukwento ni Cristy Fermin sa kanyang programa, may isang source na nagsabi sa kanya na sobrang naawa na umano si Mateo sa kanyang asawa na si Sarah Geronimo. Kaya naman agad na pinabura ni Mateo ang apology letter ni Sarah dahil lumabas na kaawa-awa ang kanyang asawa.

"Meron akong source na nakausap na sobrang awang-awa na si Matteo kay Sarah. Yung nasa likod pala nung Post ni Sarah na naging emosyonal siya, binura niya kaagad. Totoong si Matteo ang nagpaalis nun, nagpabura. Kasi parang pakiramdam ni Matteo, kawawang-kawawa naman ang misis niya," pahayag ni Cristy Fermin.

Matatandaang nauna nang naiulat na ilang beses na sinubukan ni Sarah Geronimo na makipag-usap sa kanyang mga magulang kahit man lang sa mga text messages subalit kailanman ay hindi man lang ni-replayan ng mga ito ang singer.



Lolit Solis Sinabing Pinabayaan Ng GMA7 Sina Paolo Contis at Rhian Ramos!

Walang komento


Muling ipinahayag ni Manay Lolit Solis sa kanyang Instagram post ang kanyang hinaing sa GMA7.  Ipinahayag ni Manay Lolit ang kanyang pagkadismaya dahil hindi binibigyan ng GMA ng sapat na proyekto sina Paolo Contis.

Naniniwala din si Manay Lolit Solis na may sapat na potensyal sina Paolo Contis at si Rhian Ramos sa pagganap ng iba't-ibang roles. Sinabi rin ni Manay Solis na nakakasawa na rin ang paulit-ulit na lamang ng paggamit ng GMA ng pare-parehong mga aktor sa isang palabas.

"Tanong ko lang Salve bakit parang hindi masyado ginagamit ng GMA7 sila Rhian Ramos at Paolo Contis. Kasi pag nanunuod ako ng mga serye, naiisip ko ang mga multi talented stars like Rhian at Paolo. Iyon puwede sa contrabida, comedy at drama. Iyon kayang kaya ang mga roles na ibibigay sa kanila. Kasi kung minsan, iyon ibang stars na ginagamit parang paulit ulit mo ng napanuod."

"Kaya naghahanap ka rin ng bagong kumbinasyon. Lalo pa ngayon na ang ganda ng aura nila Rhian at Paolo. Very fit at sure na ang ganda sa screen. Sayang naman kundi mo napapanuod dahil mahuhusay na artista. Calling GMA7, please , ilagay nyo sa mga bagong serye sila Paolo Contis at Rhian Ramos. Sayang. Ang huhusay na artista, gawin natin busy. Please."

Nadine Lustre Muling Binatikos Dahil Sa Kanyang Kulay!

Walang komento


Muling nakatanggap ng pambabatikos mula sa mga bashers ang Viva artist na si Nadine Lustre, sa kanyang latest Instagram post.

Makikita sa ibinahaging larawan ni Nadine ang kanyang morena skin tone habang nakasuot ng white bikini.

“Drink your water,” caption ni Nadine sa kanyang IG post.

Bagama't marami ang pumuri sa angking kaseksihan ni Nadine sa naturang larawan may ilan namang mga netizens na hindi nagustuhan ang kulay niya ngayon at sinasabing nasusunog na ang kutis nito.

“Just my opinion. You look neater, fresher, and cleaner in a fair skin. Please be natural. You are not that dark Nadine. That is your borrowed skin tone.”

Muli nanamang inungkat ng ilang mga netizens ang pagiging madumi na umano ng katawan nito dahil sa tattoo at sa labis na pagpapatan nito.


Lyca Gairanod Pinagsabihan Ng Mga Netizens Matapos Mag-Jowa Reveal!

Walang komento

g

 Agad na umani ng samu't-saring komento mula sa mga netizens ang ginawang jowa reveal ng The Voice Kids Season 1 grand winner na si Lyca Gairanod sa kanyang 18th birthday party. Gayundin sa kanyang latest Instagram post kung saan makikita sila ng kanyang non-showbiz boyfriend na magka-holding hands habang tumatawid sa pedestrian lane.

Bagama't marami ang natutuwa para sa singer at nagbigay ng suporta sa pakikipagrelasyon nito, may ilan ring pinagsabihan si Lyca na dapat ay unahin muna niya ang kanyang career bago ang seryosuhang relasyon.

Pinaalalahanan din nila ang singer sa hirap na kanyang pinagdaanan upang maabot ang kanyang career kaya dapat umano ay huwag niya itong sayangin. Ipinunto rin ng iba na napakabata pa nito para sa isang serious relationship.

“OK lang mag-bf wag mo lang ibigay agad ang puri… lalo na napakabata mo pa… enjoy mo muna ang maging single ang mga lalaki anjan lang ‘yan. Wag ka matakot na maubusan marami pa magkandarapa sa panliligaw sa iyo friendly reminder lang naman.”

“Naku! Bata ka pa dai… unahin mo muna career mo… tandaan mo ang hirap na dinanas mo dai.”

“Magtapos ka muna ng pag-aaral he is not your world. Mag-isip isip ka rin para sa family at future mo. Bf nandyan lang ‘yan need mo magtapos sa college at kumuha ng kurso na nababagay sa’yo. Too early to fall in love. Study first and get a degree.”

Andrea Brillantes Nagpagawa Ng Bo0bey?

Walang komento


 Naging lamang ng usapan nina  Ogie Diaz, Mama Loi, at Dyosa Pockoh sa kanilang Youtube Vlog na Ogie Diaz Showbiz Updates, ang napapansin ng ilang mga netizens sa aktres na si Andrea Brillantes.

Usap-usapan ngayon ng ilang mga netizens ang ibinahaging larawan ng aktres kung saan kapansin-pansin ang paglaki ng kanyang hinaharap. Agad naman iniisip ng ilan na nagpagawa ang aktres.

Ayon sa ilang mga netizens, hindi naman ganyang kalaki ang hinaharap noon ni Andrea. May nagsabi pang tila mas malaki na umano ito sa boobey ni Pia Wurtzbach.

Samantala may ilan namang kinatuwaan pa ito at sinabing magaling talagang mag-dribol si Ricci Rivero, ang nobyo ng aktres.

Subalit ayon kay Ogie Diaz, may nag-advice umano kay Andrea mula sa ABS-CBN at sinabing kailangang bawasan ni Andrea ang pagkain upang mabawasan ang timbang nito. Agad namang sinunod ni Andrea ang ipinayo sa kanya at nagp-diet.

“Noong araw pa ay malaki na talaga ang boobey ni Andrea,” saad ni Ogie. 

“Eh yung pumayat, lalong lalaki ‘yon kasi mas huhulma nang pumayat. So wala pong kinalaman yung pagdi-dribol, pagiging basketball player nitong si Ricci Rivero,” dagdag pa nito.

Ibinahagi rin ni Ogie Diaz na sa darating na taon ay may nakalatag nang proyekto para kay Andrea Brillantes kung saan makakatambal niya si Kyle Echarri.



Sylvia La Torre 'Queen of Kundiman' Pum@naw Na!

Walang komento

Biyernes, Disyembre 2, 2022


 Pumanaw na habang natutulog ang tinaguriang "Queen of Kundiman" at "First Lady of Philippine Television" na si Sylvia La Torre.

"RIP to my grandmother, Ms. Sylvia La Torre Perez de Tagle.- First Lady of Philippine Television, Queen of Kundiman and Tandang Sora Awardee, devoted wife of Dr. Celso Perez de Tagle, loving mother, grandmother and great-grandmother, caring auntie, and affectionate friend, died peacefully in her sleep," pagbabahagi ng apo nitong si Anna Maria Perez de Tagle.

Binawian ng buhay si Sylvia habang natutulog bandang 7:02 ng umaga nitong Dec. 1, 2022. Si Sylvia ay isang singer at nagsimula sa kanyang career noong 1941 at gumanap sa 'Ang Maestra'.

Ayon sa records, nakagawa ng mahigit 300 songs si Sylvia mula noong 1950. Ilan sa kanyang mga kantang sikat ay ang folksong na,  'Sa Kabukiran', 'Mutya ng Pasig' at 'Waray-Waray'.

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo