Dennis Padilla Pinapatigil Na Ng Mga Netizens!

Lunes, Disyembre 5, 2022

/ by Lovely


Muling pinagsabihan ng ilang mga netizens si Dennis Padilla dahil sa nakaraang rant nito sa pagtanggi ni Karen Davila na interbyuhin siya.

Sa isang panayam kay Dennis Padilla kamakailan, isiniwalat niya ang kanyang sama ng loob kay Karen Davila dahil sa umano'y pansho-showbiz nito sa kanya.

Matatandaang hiniling Dennis kay Karen na interbyuhin din siya, matapos nitong interbyuhin ang kanyang anak na si Julia Barretto.

Hindi kasi sumang-ayon si Dennis sa ilang pahayag na binitawan ni Julia laban sa kanya na naging dahilan kaya hindi pa siya mapapatawad nito.

Ayon kay Dennis ay unang pumayag si Karen sa kanyang request at nangako na iinterbyuhin din siya. Subalit dumaan na lamang ang mga buwan ay hindi na siya muli pang kinontak nito.

Samantala, agad namang nagbigay ng komento ang ilang mga netizens sa pagrarant na ito ni Dennis. Ipinunto pa ng ilan na makakadagdag lamang sa sama ng loob sa kanya ng mga anak kung patuloy niya itong binabanatan sa social media.

Muli din pinayuhan ng mga netizen si Dennis na kausapin na lamang ang mga anak in-private. Kung sadyang hindi pa talaga siya napapatawad ng mga ito ay mas mabuti pa na manahimik na umano muna siya.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo