Lolit Solis Sinabing Pinabayaan Ng GMA7 Sina Paolo Contis at Rhian Ramos!

Linggo, Disyembre 4, 2022

/ by Lovely


Muling ipinahayag ni Manay Lolit Solis sa kanyang Instagram post ang kanyang hinaing sa GMA7.  Ipinahayag ni Manay Lolit ang kanyang pagkadismaya dahil hindi binibigyan ng GMA ng sapat na proyekto sina Paolo Contis.

Naniniwala din si Manay Lolit Solis na may sapat na potensyal sina Paolo Contis at si Rhian Ramos sa pagganap ng iba't-ibang roles. Sinabi rin ni Manay Solis na nakakasawa na rin ang paulit-ulit na lamang ng paggamit ng GMA ng pare-parehong mga aktor sa isang palabas.

"Tanong ko lang Salve bakit parang hindi masyado ginagamit ng GMA7 sila Rhian Ramos at Paolo Contis. Kasi pag nanunuod ako ng mga serye, naiisip ko ang mga multi talented stars like Rhian at Paolo. Iyon puwede sa contrabida, comedy at drama. Iyon kayang kaya ang mga roles na ibibigay sa kanila. Kasi kung minsan, iyon ibang stars na ginagamit parang paulit ulit mo ng napanuod."

"Kaya naghahanap ka rin ng bagong kumbinasyon. Lalo pa ngayon na ang ganda ng aura nila Rhian at Paolo. Very fit at sure na ang ganda sa screen. Sayang naman kundi mo napapanuod dahil mahuhusay na artista. Calling GMA7, please , ilagay nyo sa mga bagong serye sila Paolo Contis at Rhian Ramos. Sayang. Ang huhusay na artista, gawin natin busy. Please."

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo