Tuesday Vargaz Nainis Sa Uma-attitude Na 'Batang Artista'!

Linggo, Disyembre 4, 2022

/ by Lovely


 Ibinahagi ng komedyanteng si Tuesday Vargaz sa kanyang social media account ang kanyang pagkainis sa nakasama niyang mga 'batang artista sa isang event.

Sunod-sunod ang mga tirada ni Tuesday sa mga artistang kinainisan niya dahil sa pagsingit umano ng mga ito sa program flow dahil nagmamadali at ayaw ng mga handler na paghintayin ang mga ito.

Maayos pa umano siyang nagpakilala sa mga ito, subalit hinarangan siya ng handler sa pag-aakalang makikipagselfie siya.

“Mga batang artista, kahit gaano kayo ka-sikat at pinagkakaguluhan ng mga tao, mag-hello kayo sa kapwa n’yo artista pagdating sa work. Lalo na sa nakakatanda." pahayag ni Tuesday sa kanyang post.

“Sumingit na nga kayo sa program kasi nagagalit na ang handler nyo at bawal ata kayong pinaghihintay. Tapos ako pa ang nagbigay galang sa inyo, dinedma nyo pa ako. Tandaan, madaling maabot ang fame. Longevity is harder. Pakabait ok? Huwag ganun.” pagtatalak pa nito.

Nagkomento naman si Direk Louie sa post at sinabing malalaos agad ang mga artistang may ganitong pag-uugali.

Kasunod naman niyang ibinahagi na kaya pala nagmamadali ang mga ito dahil may hinabol pang event.

Samantala, napagpasyahan ni Tuesday na burahin na lamang ang naunang post at pinalitan ng isang art card.

“Decided to delete my posts and will just leave this here instead because I am beautiful. Ganoin,” caption niya, kalakip ang isang art card na may quotation na “Beautiful things don’t ask for attention.”

Sa isa pang post, nilinaw ni Tuesday na hindi na niya papangalanan pa kung sino ang tinutukoy niyang 'batang artista' dahil may iba pa siyang pinagkakaabalahan.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo