Darryl Yap Nais Lampasan Ang 3000 Actors Ng Pelikulang Himala, MoM nasa 4800 Ang Mga Artista!

Linggo, Disyembre 4, 2022

/ by Lovely


Ibinahagi kamakailan ni Direk Darryl Yap sa kanyang social media account na balak niyang lamangan ang pelikulang Himala kung saan umabot sa 3000 ang artistang gumanap. Ayon kay Darryl nagbabalak siyang maghire ng 4800 artista para sa sequel ng pelikulang Maid in Malacanang.

Kamakailan lamang ay isiniwalat na ni Direk Darryl Yap ang mga artistang gaganap bilang lead role sa pelikulang Martyr o Murderer ang sequel ng nauna nitong pelikula na Maid in Malacanang.

Kabilang na rito ang bida ng katapat na pelikula ng Maid in Malacanang na Katips, ito'y walang iba kundi si Jerome Ponce. Gagampanan nito ang papel ng younger Ninoy Aquino.

Marami naman ang naghihintay sa ipapalabas na official trailer ng pelikula.

Sa kabilang banda, usap-usapan din ngayon na may ipapalabas ring pelikula si Direk Vince Tanada na hinuha ng ilang mga netizens na ipantatapat nito sa pelikulang Martyr o Murderer ni Darryl Yap.

Matatandaang naging controversial ang unang salpukan ng mga pelikula ni Direk Darryl Yap at Vince Tanada nitong nakaraan.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo