Lyca Gairanod Pinagsabihan Ng Mga Netizens Matapos Mag-Jowa Reveal!

Linggo, Disyembre 4, 2022

/ by Lovely

g

 Agad na umani ng samu't-saring komento mula sa mga netizens ang ginawang jowa reveal ng The Voice Kids Season 1 grand winner na si Lyca Gairanod sa kanyang 18th birthday party. Gayundin sa kanyang latest Instagram post kung saan makikita sila ng kanyang non-showbiz boyfriend na magka-holding hands habang tumatawid sa pedestrian lane.

Bagama't marami ang natutuwa para sa singer at nagbigay ng suporta sa pakikipagrelasyon nito, may ilan ring pinagsabihan si Lyca na dapat ay unahin muna niya ang kanyang career bago ang seryosuhang relasyon.

Pinaalalahanan din nila ang singer sa hirap na kanyang pinagdaanan upang maabot ang kanyang career kaya dapat umano ay huwag niya itong sayangin. Ipinunto rin ng iba na napakabata pa nito para sa isang serious relationship.

“OK lang mag-bf wag mo lang ibigay agad ang puri… lalo na napakabata mo pa… enjoy mo muna ang maging single ang mga lalaki anjan lang ‘yan. Wag ka matakot na maubusan marami pa magkandarapa sa panliligaw sa iyo friendly reminder lang naman.”

“Naku! Bata ka pa dai… unahin mo muna career mo… tandaan mo ang hirap na dinanas mo dai.”

“Magtapos ka muna ng pag-aaral he is not your world. Mag-isip isip ka rin para sa family at future mo. Bf nandyan lang ‘yan need mo magtapos sa college at kumuha ng kurso na nababagay sa’yo. Too early to fall in love. Study first and get a degree.”

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo