Matet De Leon Ninakawan Ng Kanyang Dating Katulong, Matet Nakiusap

Martes, Mayo 7, 2024

/ by Lovely


 Nagbigay ng babala ang aktres na si Matet De Leon para sa kanyang mga followers at lahat ng mga netizens patungkol sa kanyang kasambahay na bigla na lamang na umalis sa kanyang pamamahay at ninakawan pa siya ng mga gamit.


Sa isang social media post, inilahad ni Matet De Leon sa mga netizens kung sakaling nakita ang babaeng nagngangalang Josephine Gonzaga ay ipag-alam kaagad sa kanila dahil tumakas ito at nagnakaw pa.


Kaagad namang umani ng komento mula sa mga netizens, marami ang nagsasabi na sa panahon ngayon talagang mahirap nang magtiwala ng ibang tao para ipagkatiwala ang pamamahay at mga gamit sa loob nito.


May mga nagtatanong din kay Matet De Leon kung ano ang nangyari at kung ano ang ninakaw ng kanyang kasambahay sa kanila.


Ayon kay Matet De Leon, hindi na nila pinautang ang kanilang kasambahay dahil umaabot na sa 20k ang utang nito sa kanila tila nagalit ang kasambahay at nilayasan na lamang sila.


May mga nagpayo pa kay Matet De Leon na sa susunod ay huwag na lamang umanong magpautang para makaiwas sa stress. Sinasabi rin ng ilang mga fans ng aktres na tiyak umanong hindi na ito magbabayad sa inutang kaya mas mabuting huwag na lamang umanong mag-expect si Matet De Leon na maibabalik pa ang kanyang pera.


Sinagot naman ito ni Matet at sinabing kaya nagpautang siya sa kasambahay ay dahil naawa siya rito dahil nangangailangan ito. Blessed naman umano sila kaya naman pinautang niya ito subalit tila namihasa na umano ito. Nagbigay rin siya ng warning sa lahat dahil tiyak umanong naghahanap na ito ng panibagong mapapasukan ngayon.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo