Daniel Padilla, Nagseselos Kay Jericho Rosales Na Kasa-Kasama ni Kathryn Bernardo

Miyerkules, Enero 31, 2024

/ by Lovely


 Usap-usapan ngayon sa ilang mga social media platforms ang mga larawan nina Jericho Rosales at Kathryn Bernardo na magkasama sa pagjojogging at sa loob ng isang bar.


Marami sa mga netizens ang nakapansin na madalas na umanong magkasama sina Jericho Rosales at Kathyrn Bernardo. May mga nagsasabi naman na tila may nilulutong proyekto ang dalawa.


Subalit may mga nagsasabi ring hindi na normal ang palaging pagsasama ng dalawa na sila lamang dalawa at sa mga lugar na pribado.


Unang nakita ang dalawa na magkasamang nag-jojogging at nasundan naman ito ng makita sila sa loob ng isang bar.


Lalo pang tumaas ang kilay ng ilang mga netizens nang makumpirmang matagal na palang naghiwalay sina Jericho Rosales at asawa nitong si Kim Jones.


Ayon sa mismong ninong sa kasal nina Jericho at Kim Jones, na halos kalahating dekada na ring hiwalay ang mag-asawa. Sa kabila naman nito ay nananatili pa rin ang pagiging malapit nila sa isa't-isa.


May mga nagsasabi namang dahil malapit na magkaibigan sina Jericho Rosales at Maja Salvador, kaya naman napapadalas rin ang pagsasama nina Kathryn Bernardo at Jericho Rosales.


Hiling naman ngayon ng mga fans ni Kathryn Bernardo na huwag namang siraan at pangunahan ang aktres dahil may sarili naman itong pag-iisip. Alam din umano nito ang kanyang mga ginagawa.


Hindi rin nagustuhan ng ilang mga fans ni Kathryn Bernardo na ginawa nang isyu ang pagsasama ng dalawa sa pagjojogging at sa isang bar dahil maaring  nagkasama lamang ito dahil sa kanilang common friends at naging magkaibigan na rin.


Mahihinuha ring nagkakausap ang dalawa dahil pareho silang nagkaroon ng failed relationships na tumagal rin sa mahabang panahon.


May mga nagsasabi naman na labis nang nagseselos ngayon ang aktor sa mga nakakasama ni Kathryn Bernardo dahil ibang-iba na umano ngayon ang aktres na dati naman ay sa kanya lamang umiikot ang mundo.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo