Kylie Padilla May Idedemanda? Nakikipag-usap Na Sa Kanyang Abogado!

Lunes, Disyembre 5, 2022

/ by Lovely


 Naging laman ng usap-usapan nina Manay Cristy Fermin at mga co-host nito na sina Wendell Alvarez at Romel Chika sa kanilang vlog na Showbiz Now Na.

Ayon kay Manay Cristy Fermin, may sinabihan umanong kaibigan si Kylie Padilla na nais niyang makipag-usap sa kanyang abogado.

Hindi din naman umano sinabi ni Kylie ang dahilan kung bakit nais niyang makipag-usap. Kung ito ba ay para sa annullment nila ni Aljur Abrenica o sa napapabalitang panganganak ni AJ Raval sa anak nila ni Aljur.

Dahil rito, sinabi ni Manay Cristy na kaya todo tanggi at tago sina Aljur at AJ ay dahil na rin sa takot nilang makasuhan at mapakulong ni Kylie.

Matatandaang walang inilabas na komento si AJ at Aljur hinggil sa panibagong isyu na kinahaharap nila ngayon. Ni hindi naglabas ng official statement ni AJ upang tuluyang i-deny ang mga alegasyon ng mga netizens.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo