Maricel Soriano Tanggap Na Malalaos!

Lunes, Disyembre 5, 2022

/ by Lovely


 Tanggap na ng tinaguriang Diamond  Star na si Maricel Soriano na darating ang araw na malalaos na din siya.

Ito umano ang kanyang unang natutunan mula sa mga artistang nauna sa kanya. Pinayuhan din umano siya ng mga ito hinggil sa pagkakalaos isang araw.

Sa ilang taon niyang pagtatrabaho sa showbiz at sa dami na niyang napatunayan sa kanyang sarili hindi na umano takot si Maricel sa pagkalaos.

Sa chikahan nila ng kanyang pamangkin na si Meryll Soriano nilinaw ng Diamond Star na noon pa man ay alam niyang hindi panghabangbuhay ang kasikatan sa mundo ng showbiz.

“Hindi. Kasi from the start, bata pa ako, alam ko na iyan. Sinabi na nila sa akin. Sabi nga nila, lahat ng bagay may katapusan. Kaya dapat laging handa. Dapat girl scout ka, laging handa. Hindi pwedeng hindi ka maging handa dahil parang buhay din ito na marami ang maaaring mangyari,” paliwanag pa ni Maricel.

Alam din umano ng award-winning actress na mas tinatangkilik ng publiko ang mga baguhan at batang artista.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo