Carla Abellana May Mensahe Sa Kanyang 'Past Self'

Linggo, Disyembre 4, 2022

/ by Lovely


Ibinahagi ng Kapuso actress na si Carla Abellana sa Youtube Vlog ni Camille Pratts ang tatlong bagay na maipapayo niya sa kanyang younger self.

"Number one na sasabihin ko [sa teenage self] alagaan mo yung sarili mo or huwag mong kakalimutan yung sarili mo. Number two, kailangan mo magpakatatag. You have the rest of your life ahead of you. There’s so much more in store for you kaya kailangan mo lang ng lakas ng loob. And number three, ever since naman, I’ve always believed, hindi ko kailangan i-remind sa sarili ko pero tama iyan, always look back at the lessons you’ve learned from your family—your mom and lola—and how you were raised. Lagi mong kapitan yun para you can go back to that old self na you stay grounded." pagbabahagi ni Carla.

Napatunayan din umano niya dahil sa kanyang mga pinagdaanan sa buhay kung gaano siya katatag at kalakas.

Matatandaang noong January 2022, sinalubong nina Carla Abellana at Tom Rodriguez ang mga netizens sa isyu ng hiwalayan nila, matapos ang mahigit tatlong buwan matapos nilang makasal.

Matapos ang anim na buwan ay nagsalita si Carla Abellana kung gaano siya trinaydor, binastos, ginamit at hindi ni-respeto ni Tom Rodriguez. 

Inamin din ni Carla sa panayam na feeling niya ay sumubra siya sa pagbibigay impormasyon hinggil sa hiwalayan nila ni Tom Rodriguez. Ninais din umano niyang manahimik lamang subalit may pagkakataong hindi na niya kaya at kinailangan na din niyang magbigay paliwanag lalong-lalo na sa management.

"Mahirap, gustuhin mo man na to keep quiet, but it also very hard. But I tried my best talaga na hindi na magsalita, to stay silent, kasi hindi rin naman dahil sa ayaw ko but I owe na rin to myself."

Malaki rin umano ang pasasalamat ni Carla sa lahat ng tumulong sa kanya upang makapag-move on lalong-lalo na ang kanyang mga pamilya at kaibigan.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo