Bardagulan Nina Kim Chiu At Paulo Avelino Sa Twitter Viral!

Martes, Abril 11, 2023

/ by Lovely


Viral ang “Bardagulan” o palitan ng mensahe ng aktor na si Paulo Avelino at “Chinata Princess” Kim Chiu sa Twitter.


Pinasaya ng aktor ang kanyang mga tagahanga nang sagutin niya ang ilang mga katanungan ng mga ito gamit ang #AskPau.


Isa si Kim Chiu, ang co-star ni Paulo Avelino sa upcoming ABS-CBN series na ‘Linlang,’ sa maraming nagtanong. Nagtanong ang Prinsesa ng Chinita kung bored ba siya.


Agad namang nagbiro si Paulo na binayaran ni Kim ang direktor ng palabas upang unang kunan ang kanyang mga eksena.


“Bored po ba kayo? #AskPau,” tanong ni Kim.


 “Oo. Eh paano binayaran mo si Direk na unahin lahat ng eksena mo,” sagot naman ni Paulo.


Maging ang ilan pang katanungan ng mga netizens ay sinagot rin ni Paulo. Maging ang tanong ng mga ito kung bakit hindi nag-uupdate si Paolo sa kanyang Instagram account.


Ipinunto ni Paolo na hindi niya kailangan mag-update nang mag-update dahil hindi naman sa social media nakasentro ang kanyang buhay.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo