Rey PJ Abellana Umaasa Pang Magbabalikan Sina Carla Abellana at Tom Rodriguez!

Lunes, Disyembre 5, 2022

/ by Lovely


 Sa kamakailang panayam kay Rey PJ Abellana para sa kinabibilangan niya pelikula na isa rin sa mga entry sa nagbabalik na Metro Manila Film Festival, ipinahayag niya ang kanyang pagnanais na magbalikan ang kanyang anak sa dating asawa nitong si Tom Rodriguez.

Ayon kay PJ walang masama kung babalikan mo ang isang ex dahil aminado naman siya na kung mabibigyan lamang siya ng pagkakataon ay nais niya balikan ang isang dating minamahal.

“Inspite of the lapse of time, changes, at everything, maraming nagbago. Pag tinanong mo ako, na may chance pa kaya na ang dati mo ay babalikan mo pa? Speaking from myself, ha? Ako, posibleng mabalikan ko pa yung dati."

Naniniwala din umano si PJ sa second chances. Aminado din siya na hanggang ngayon ay boto pa rin siya kay Tom para sa kanyang anak. Ipinahayag pa ni PJ na ang ibibigay niyang regalo para kay Tom at kay Carla ay ang isa't-isa.

Samantala, hanggang ngayon ay hindi pa rin umano nag-uusap sina PJ at Carla dahil sa pagsisiwalat nito sa social media na may ka-one night stand si Tom.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo