Kris Aquino Inamin Na Naghihirap, Kailangan Ng Magtrabaho Ni Bimby Para Sa Pagpapagamot Niya!

Miyerkules, Enero 31, 2024

/ by Lovely


 Sa pagsisiwalat ni Kris Aquino na uuwi na sa Pilipinas ang kanyang bunsong anak na si Bimby sa pagkatapos ng kanyang kaarawan sa darating na February 14, 2024 para magsimulang magtrabaho dahil sa lumalaking medical bills, naglabasan ang mga isyung naghihirap na umano ito.


Si Kris Aquino na kilala rin sa bansag bilang Queen of All Media ay anak ng namayapang Former Senator Benigno Aquino Jr. at former President Corazon Aquino.


Maagang sinimulan ni Kris Aquino ang kanyang showbiz career at nakapagpundar na rin ng maraming negosyo bukod pa sa yamang minana niya mula sa kanyang mga magulang.


Dahil dito, ikinagulat ng mga netizens ang rebelasyon ni Kris Aquino na uuwi sa bansa ang anak at magtatrabaho upang matustusan ang lumalaki niyang medical bills.


Bukod sa pag-amin ni Kris Aquino na unti-unti na siyang nababahala sa lumalaking gastusin nila sa Amerika, mula sa kanyang medical bills roon hanggang sa bahay na kanilang tinitirhan, tila nababahala na rin ngayon ang dating aktres sa kanyang mga karamdaman.


Matatandaan na kamakailan lamang ay inamin ni Kris Aquino na pahirap na ng pahirap ang kanyang nararamdaman. Halos hindi na rin umano nawawala ang sakit ng kanyang ulo at nawawalan na rin siya ng ganang kumain.


Isiniwalat din ni Kris Aquino na muli na naman siyang nakitaan ng panibagong autoimmune disease na kilala sa tawag na Lupus.


Matatandaan na noon pa mang 2017 ay nagpapagamot na si Kris Aquino sa kanyang bihirang sakit, ang pagiging allergy niya sa maraming uri ng gamot.


Walang makita na dahilan ang mga doktor rito sa Pilipinas sa maaring dahilan nito kaya naman pumunta sa Amerika si Kris Aquino at kinuha ang serbisyo ng mga pinakamamagaling na doktor upang malaman ang sanhi nito.


Subalit ang pagpapagamot ni Kris Aquino sa Amerika kasama ang magagaling na doktor ay may kaakibat na malaking gastos.


Bukod pa rito, patuloy na nadadagdagan ang mga karamdaman ni Kris Aquino kaya naman lalong lumalaki ang kanilang gastusin. Hindi rin kasi inakala ni Kris Aquino na magtatagal sila sa Amerika dahil inakala niyang hindi sila aabot ng isang taon roon.


Hindi rin naman magiging mabigat ang trabaho ni Bimby dahil papasok na ito sa showbiz sa ilalim ng pangangalaga ng Cornerstone at ni Boy Abunda.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo