Kim Chiu Ipinakilala Na Si Paulo Avelino Sa Kanyang Mga Magulang at Kapatid

Martes, Mayo 7, 2024

/ by Lovely


 Labis na kinilig ang mga KimPau fans nang lumabas ang balitang ipinakilala na ng Kapamilya actress-TV host na si Kim Chiu sa kanyang mga magulang sa Cebu ang kanyang rumored boyfriend na si Paulo Avelino.


Naging laman ng mga usap-usapan ngayon ang pagpunta umano ng rumored celebrity couple na sina Paulo Avelino at Kim Chiu sa Cebu para magbakasyon at para na rin bisitahin ang pamilya ng aktres.


Ayon sa ilang mga haka-haka na kumakalat sa social media, iniharap na ni Kim Chiu si Paulo Avelino sa kanyang mga magulang at kapatid.


Pinatutuhanan naman ito ng ilang mga netizens na sinasabing nakasabay nina Kim Chiu at Paulo Avelino sa airport na talagang pa-Cebu umano ang dalawa para pansamantalang magpahinga sa showbiz matapos ang taping nila sa local adaptation ng South Korean hit series na What's Wrong With Secretary Kim?


Samantala, ikinagulat naman ng ilang mga netizens ang pananahimik ni Kim Chiu sa social media sa mga lakad nila ni Paulo Avelino gayung kilala naman ng lahat ang aktres na maingay sa mga social media o personal man na buhay.


Dahil dito, marami ang naghinala na talagang mas pinili nina Kim Chiu at Paulo Avelino na maging pribado ang kanilang relasyon.


Sa kabilang banda, naniniwala pa rin ang maraming mga netizens na mas mabuting kilalanin na muna ng dalawa ng maigi ang isa't-isa bago umamin sa publiko sa kanilang relasyon.


Umaasa naman ngayon ang mga netizens na magkakaroon muli ng proyekto ang dalawa na pagsasamahan.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo