Julia Barretto, Bea Alonzo Nagyakapan Nagkabati Na Matapos Ang Limang Taon

Lunes, Marso 18, 2024

/ by Lovely


 Ikinatuwa ng maraming mga netizens ang pagbabati nina Bea Alonzo at Julia Barretto matapos ang ilang taong tila pagpapansinan ng dalawa.


Nangyari ang pagkakaayos nina Bea Alonzo at Julia Barretto sa nangyaring tribute para kay Mr. M kung saan nagtipon-tipon ang mga artistang pinasikat noon ni Mr. M kahit nasa kabilang network na ang mga ito ngayon.


Tila nagsilbi rin ito bilang reunion na nagpa-nostalgic sa mga artistang naroroon. 


Samantala, tila naging highlight naman sa nasabing pagtitipon ang pagkakaayos nina Bea Alonzo at Julia Barretto matapos ang mahigit limang taong hindi pagpapansinan.


Matatandaan na noong 2019 ay nagkaroon ng isyu sa pagitan nina Julia Barretto at Bea Alonzo dahil sa kontrobersyal na panggo-ghosting ni Gerald Anderson kay Bea Alonzo dahil kay Julia Barretto.


Ikinatuwa rin ito ng maraming fans ni Julia Barretto dahil birth month ng aktres ang March at tila naging magandang regalo na rin umano ito sa kanya ang pagiging magkaayos nila ni Bea.


Ayon naman sa ilang mga netizens na tila napapanahon na rin na magpatawaran na ang dalawa dahil matagal na panahon na rin naman ang nakalipas mula nang mangyari ang hindi pagkakaunawaan nina Bea Alonzo at Julia Barretto dahil sa iisang lalaki.


Tiyak rin umanong nakapag-move on na ang dalawa sa masalimoot na nakaraan at parehong masaya na sa kani-kanilang mga lovelife ngayon.


Nauna na rito, ang paglabas ng balitang nagkaayos na sina Julia Barretto at Dominic Roque dahil suot-suot na muli ni Bea Alonzo ang ibinigay na engagement sa kanya ni Dominic Roque na una nang napabalitang isinauli ng aktres.


Sa ngayon ay hindi pa naman naglalabas ng pahayag sina Julia Barretto at Bea Alonzo patungkol sa balitang nagkaayos na silang dalawa.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo