Matet De Leon Nagalit Kay Nora Aunor Dahil sa Pakikipagkompetinsya sa Kanyang Negosyo!

Lunes, Disyembre 5, 2022

/ by Lovely


Naging mainit na usapin sa social media ang hinaing ni Matet De Leon sa kanyang Instagram post dahil sa umano pakikipagkompetinsya ng inang si Nora Aunor na kilala rin bilang Ate Guy.

Si Matet De Leon ay kilala na may negosyong nagbebenta ng bagnet bagoong, sisig bagoong, gourmet tinapa, at gourmet tuyo. Alam naman umano ito ng kanyang ina subalit hindi niya alam kung bakit kinakompetinsya siya nito.

Sa isang Instagram post inilabas ni Matet ang kanyang inis, pagkadismaya at galit para sa kanyang kinikilalang ina na si Nora Aunor.

"Would you do this to your children? HONOR THY FATHER AND MOTHER. HOW? how can I do that now? Ay, AMPON PALA AKO. Nung isang gabi, sinabihan ako na na mag resell na lang ng products ng nanay ko. Pinag hihirapan namin ang pagtitinda. Bakit all of a sudden, nagulat na lang ako, naglabas ang nanay ko ng direktang kumpitensya ng produkto ko. Alam niyang may produkto akong ganyan.. Marami naman daw akong taping. Ano sa tngin niyo gagawin ko ngayon? Ano magandang gawin? Kung may anak kayo, GAGAWIN NIYO BA SA MGA ANAK NIYO TO?"

Dahil sa insidenteng ito naungkat pa tuloy ni Matet ang pagiging ampon niya.

Samantala naka-off naman ang comment section ng Instagram post ni Matet.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo