AJ Raval Kumasa Sa Hamon, 'Sino Ang Nanganak?'

Walang komento

Biyernes, Disyembre 2, 2022


 Tila kumasa na sa mga hamon ng mga marites sa social media ang sexy-action star na si AJ Raval.

Matatandaang naging mainit na usapan sa iba't-ibang social media platforms ang umano'y panganganak ni AJ, nitong nakaraang buwan.

Bagama't ilang beses na itinanggi ng aktres ang isyu ng pagbubuntis umano niya, patuloy pa ring naniniwala ang karamihan na tinatago lamang nito ang 'bata'.

Ilang mga online columnist din ang naghamon sa aktres na magbahagi ng latest whole body photo upang makita umano ang buong katawan nito.

Kaya naman tila kumasa na ang aktres, spotted sa kanyang Instagram accounts ang ibinahaging mga larawan nito kung saan makikita ang buong katawan.

Kapansin-pansin din ang pagiging seksi nito ni walang bahid ng panganganak. Tila tanong ngayon ni AJ sa mga marites, sino ang nanganak?

Bea Alonzo Pinasilip Ang Kanilang Bonggang Christmas Tree!

Walang komento


 Masayang ipinasilip ng aktres na si Bea Alonzo sa kanyang mga tagahanga ang kanilang Christmas tree ngayong taon.

Malaki ang christmas tree nila na napapalibotan ng mga magagandang red decors. May inilagay din silang mga ilaw na nakakapagpa-attractive nito.

Labis din nagpasalamat si Bea sa kanyang kaibigan na nagdesign at gumawa nito.

"It’s beginning to look a lot like Christmas in my casa! 🎄🎄🎄 I LOVE OUR CHRISTMAS TREE this year made by my friend, @randylazaro_ ❤️ Thank you also, @ycoysitchon @labellefete for the concept! 😘

Happy December 1st, everybody!" caption ni Bea sa kanyang Instagram video post.

Matatandaang nag-viral kamakailan ang pagsisiwalat ni Bea Alonzo na isa na siyang legal resident ng Spain matapos makuha ang kanyang Golden Visa.

Sanya Lopez Nagbahagi ng Heartfelt Message Para Sa Kaarawan Ni Jak Roberto!

Walang komento

 


Hindi nagpahuli sa pagbati para sa kaarawan ng aktor na si Jak Roberto ang aktress na si Sanya Lopez sa pagdidiriwang ng kaarawan ng aktor nitong byernes December 2.

Agad nitong  binati ang kapatid para sa espesyal na araw nito. Kalakip cute photos nilang dalawa, ipinahayag ni Sanya ang kanyang pagmamahal para sa kanyang Kuya.

"Happy Birthday sa pinaka bida bida talaga.Proud ako sayo alam mo yan! Love you kuya," caption ni Sanya sa kanyang Instagram post.

Agad namang bumuhos ang mga mensahe ng pagbati mula sa kasamahan nila sa showbiz at sa kani-kanilang mga tagahanga.

Matatandaang sumikat si Sanya Lopez nang gampanan niya ang papel ni Danaya sa remake ng GMA fantaseries na Encantadia.

Angelica Panganiban, Walang Tulog at Walang Gatas!

Walang komento


 Malungkot na ibinahagi ni Angelica Panganiban sa kanyang IG stories na nalulungkot siya, base sa emoji na kanyang ginamit sa caption, dahil kunti lamang ang nakuhang gatas na para kay Baby Amila.

Ipinakita pa ni Angelica sa isang larawan kung gaano lamang ka kunti ang kanyang nakuhang gatas.

Caption ni Angelica, "Walang tulog... walang gatas." Kalakip ang crying emoji.

Pinapa-breastfeed lamang ni Angelica si Baby Amila dahil alam umano niya na mas nakakabuti ito sa kanyang anak. Isa rin ang actress sa mga inang ibinabagi sa social media ang motherhood journey.

Marami naman ang natutuwa dahil sa ginagawang pagpopost at pag-uupdate ni Angelica sa kanyang motherhood journery sa kanyang social media lalong lalo na ang kanyang mga tagahanga.



Dennis Padilla Winan-side ni Karen Davila!

Walang komento


Naging mainit na usapin sa mundo ng showbiz ang pag-alma ni Dennis Padilla sa mga binitawang pahayag ng kanyang anak na si Julia Barretto sa panayam ni Karen Davela.

Sa nasabing panayam inilabas ni Julia ang mga hinanakit niya kay Dennis at ang nararamdamang sama ng loob para sa kanilang ama.

Agad namang nag-request si Dennis Padilla kay Karen  na interbyuhin din siya upang malaman ng lahat ang kanyang side of story.

Agad naman umanong nangako kay Dennis si Karen ng interview upang maipahayag din ang kanyang side.

“Tinawagan ako ni Karen. Sabi niya, 'Grabe yung mga pinost mo, Dennis.' “Sabi ko, ‘E, winan-side mo ako. Ginawa mo akong kontrabida,’ kaya ginising ko siya. Tapos sabi niya, ‘Di bale, I will give you a chance na interbyuhin din kita.’" pagkukwento ni Dennis.

Nagset din ng schedule si Dennis, September 23, 2022, kasabay ng presscon ng teleseryeng kinabibilangan niya sa GMA7. Okey lang naman umano iyon kay Karen dahil ang gagawing interview ay para sa vlog naman niya.

Subalit, nang araw ng September 23 ni-reschedule umano ni Karen ang kanilang pag-uusap sa susunod na linggo ngunit hindi na siya muli pang binalikan ni Karen.

“Shinowbiz din niya ako! Pero kung nagkaharap kami ni Karen Davila, ako, kaya kong tumingin nang diretso sa mata niya. Ang problema niya, siya ba, kaya niyang tumingin sa akin?" panghihimutok ni Dennis.

"Kahit Karen Davila ka, mangliliit ka sa akin kapag nagkita kami dahil sasabihin ko sa kanya, ‘Journalist ka, e. You have to weigh things. E, bakit ni-one side mo ako?'" dagdag pa ng actor.

Isiniwalat pa ni Dennis na sinabihan niya si Karen na siya na mismo ang bibisita sa bahay nito upang mainterview niya. Subalit, tila natakot si Karen at sinabing nakaka-threaten na ang mga pinagsasabi ni Dennis.

“Sabi ko pa nga, ‘If you want, Karen, puntahan na lang kita sa bahay. If you want, I’ll just visit you sa house mo para mainterbyu mo ako. Dun na lang kita kausapin.’ Ang sabi niya, ‘You know, Dennis, what you said is very threatening. That’s very threatening! Sabi ko, ‘Threatening ? Anong threatening dun? Dadalawin kita sa bahay para kausapin ka? Anong threatening dun?’ Ang OA mo! Threatening daw? Bakit sinabi ko ba na pupuntahan kita sa bahay mo tapos sasaksakin kita? Ang sabi ko, pupuntahan kita sa bahay para mainterbyu mo ako,” paglalahad pa ni Dennis Padilla.

Ronnie Alonte at Loisa Andalio Nabiktima ng Bas@g-K0tse Gang sa Cavite!

Walang komento



Nabiktima kamakailan lamang magkasintahang Ronnie Alonte at Loisa Andalio ng 'basag-kotse gang' sa Cavite nitong November 30, 2022.

Ayon sa inilabas na ulat, natangay ng mga hindi pa kilalang suspects ang tatlong mamamahaling cellphone,dalawang iPhone 11 at isang iPhone 13 na naiwan sa kanilang kanilang Jeep Wrangler Wagon.

Ayon sa Bacoor City Police, nangyari ang insidente sa Molino Road, Brgy. Molino 3, Bacoor, Cavite, noong myerkules ng gabi November 30, 2022.

Samantala, makikita sa mga ibinahaging larawan ng Bacoor City Police na binasag ng mga suspects ang gitnang bintana ng nasabing sasakyan.

Nangyari ang insidente habang nasa cafe ang magkasintahan, nadatnan na lamang umano nila sa kanilang paglabas ang sira nang sasakyan. Agad namang nagfile ng incident report si Ronnie sa police station ng Bacoor.

Sa ngayon ay patuloy pa ring pinaghahanap ng mga police ang salarin ng nasabing insidente.



Deanna Wong Totoong Isnabera! Mga Resibo Naglabasan.

Walang komento


Usap-usapan ngayon sa social media ang video na kuha ng team Choco Mocho na magpapatunay umano na mga isnabera ang mga ito.

Maging ang isang sikat na online personality ay sinabihan silang walang GMRC at dapat na umano silang turuan nito ng kanilang coach.

"Sino po ang coach  nitong mga ito? Dagdagan pa natin ng konti pang training sa good manners at right conduct," post ng online personality na si Rendon Labador.

Marami naman ang mga sumang-ayon sa pahayag na ito ng online personality at sinabing totoo na mga isnabera ang mga ito. Sa katunayan ay naglabas pa ang mga ito ng mga video na magpapatunay na totoo ang kanilang claims.

Napakaisnabera umano ng mga ito lalong-lalo na si Deanna Wong. Nagpakita naman sila ng mga resibo kung paanong isnabin ni Deanna ang kanyang mga tagahanga.

Pinakamatulog ngayon ay ang tiktok video ng isang fan na makailang beses na tumawag kay Deanna subalit nagbibingi bingihan lamang ang player. Ni simpleng pagbati at sulyap ay hindi man lamang ginawa ni Deanna.

Subalit, sa kabila ng mga isyung ito ay tila walang pakialam at pinagtatawanan lamang ito ng ilang members ng team.





Nadine Lustre Wala Nang Pakialam Kay James Reid! Wala Na Silang Koneksyon!

Walang komento


Sa isang panayam, sinabi ni Nadine Lustre na completely different na siya ngayon mula sa Nadine na nakilala noon habang karelasyon at katambal pa niya si James Reid.

Ayon pa kay Nadine na malaki na ang kanyang ipinagbago matapos ang hiwalayan nila ng dating ka loveteam at boyfriend na si James Reid.

"Completely different. Like even different from the one that you've met last year. Completely different from the Nadine last year. I'm growing everyday. I'm learning new things, discovering a lot of new things about myself," pahayag ni Nadine.

Inamin din ni Nadine na wala na silang koneksyon ng dating karelasyon na si James Reid at hindi na rin umano sila nag-uusap pang dalawa.

Matatandaang naghiwalay sina Nadine Lustre at James Reid noong 2020 matapos ang ilang taon na magkarelasyon. Kasunod nito ay ang pagkakabuwag din ng kanilang tambalan. Kasalukuyang karelasyon ni Nadine ngayon ang isang French-Filipino businessman na si Christophe Barriou.


Roderick Paulate, Nahatulang ‘guilty’ Makukulong Hanggang 62 Taon!

Walang komento


Nahatulan na ang dating actor na si Roderick Paulate sa kasong graft and falsification of public documents.

Napatunayan ng sandiganbayan na 'guilty' si Roderick Paulate sa mga kasong one count of graft ang corruption at nine counts of falsification of public documents.

Ayon sa balita, maaring makulong si Paulate ng 10 hanggang 62 taon. Hiningan din si Roderick ng 10000 peso fine sa bawat count ng falsification.

Matatandaan nasuspende noong 2010 sa kanyang office si Roderick bilang Quezon City Second District Councilor dahil sa kanyang pagha-hire ng mga ghost employee mula July hanggang November 2010. Nasa 30 katao ang hinire ni Roderick at nakatanggap umano ng sahod sa loob ng nasabing mga buwan. Subali't ang kanyang mgapersonal data ay may mga irreguralities.


Senyora Ibinahagi sa Social Media Ang Convo nila Ni AJ Raval! Totoong Nanganak!?

Walang komento


Muling sinagot ni AJ Raval ang PM ni Senyora na nagtatanong kung totoo ba ang chismis na nanganak na ang aktres ng patago sa isang lying in sa Pasig.

Unang mensahe ni Senyora kay AJ ay ang artcard mula sa isang kilalang news outlet, kung saan mababasan nanganak na umano si AJ sa isang hospital sa Pasig.

“AJ Raval nanganak na raw sa isang ospital sa Pasig, nagtakip pa ng mukha para hindi makilala?” mababasa sa nasabing art card.

“Haaaay akala wala tayong secret sa isa't isa,” mensahe pa ni Senyora kay AJ. 

Agad naman itong sinagot ni AJ at sinabing mga sira ang ulo ng mga taong nagpapalat ng nasabing isyu.

“Sir**lo mga yan hahaha”

“Nanahimik ako dito,” dagdag pa ni AJ.

Dahil dito, hindi na umano alam ni Senyora kung sino ang dapat paniwalaan.


Tom Rodriguez Nagsalita Na sa Isyu Tungkol Sa Kanyang Pagkalalaki!

Walang komento


 Nagsalita na ang Kapuso Actor na si Tom Rodriguez hinggil sa isyu na bading siya matapos ang hiwalayan nila ng actress na si Carla Abellana.

Agad na naghiwalay ang celebrity couple ilang buwan lamang matapos ang kanilang pagpapakasal. Kaya naman, nagkanya-kanyang spekulasyon ang mga netizens hinggil sa totoong dahilan ng kanilang hiwalayan.

May ilan na nagsasabing bading umano ang aktor kaya hiniwalayan  ni Carla. Ang ilan naman ay nagsasabing dahil sa pagkaka-scam ng pera ni Tom Rodriguez.

Sa isang panayam, inamin ni Tom na hanggang ngayon ay mahal pa rin niya ang dating asawa at nahihirapan umano siyang kalimutan ito. Inamin din ng aktor na labis siyang nasaktan sa kinahinatnan ng relasyon nila ni Carla Abellana.

Sa nasabing panayam, naitanong din kay Tom Rodriguez kung bading ba ito. Sagot ni Tom, kung ang purpose nito ay insultuhin siya, hindi ito mangyayari. Ayon pa sa aktor na marami siyang kilalang bading na mga maayos naman at may magagandang ugali.

Diretsahan din niyang sinabi na hindi siya bading at hindi rin 'ibang babae' ang dahilan ng kanilang paghihiwalay.



Kit Thompson Balik Social Media Na!

Walang komento


Muling naging usap-usapan sa social media ang muling pagbabahagi ni Kit Thompson ng larawan sa kanyang Instagram account. 

Ayon sa aming nakalap na impormasyon, kuha ang mga ibinahaging larawan ng aktor sa kanyang pagbabakasyon sa Highland Bali Villas, Resort and Spa in Nueva Ecija.

Agad naman itong nakatawag ng pansin sa ilang mga netizens at kaagad na umani ng samu't-saring reaction at komento.

"Hey dude, pick your own gender 😂😂lol," komento ng isang netizen.

"If a person have a habit of beating women or have anger management, di agad agad yan mawawala, matitrigger at matitrigger yan kaya dapat talaga maging puspusan ang pag aaral ng self control, at matutunon na mahalin ang sarili, kasi if you fully love yourself di ka gagawa ng mga bagay na ikakapahamak mo at ng kapwa mo..you're so talented pa naman wag mo sayangin," komento naman ng isa.

Matatandaang nasangkot sa isang eskandalo si Kit Thompson matapos niyang bugbugin ang kanyang girlfriend sa si Ana Jalandoni sa loob ng hotel na tinutuluyan nila sa Tagaytay ilang buwan na ang nakakalipas.

Lolit Solis Sinabing si Yen Santos ang Hinihintay ni Paolo Contis!

Walang komento

 


Masayang ibinahagi ni Manay Lolit Solis sa kanyang Instagram post ang pagbisita ng kanyang alaga na si Paolo Contis.

Ipinahayag din ni Manay na lahat ng kanyang mga alaga ay friendly. Napansin din umano ni Manay Lolit na inspired at masaya ngayon si Paolo Contis.

Makikita umano ito sa physical na anyo nito at sa pagiging fit.

"Naku Salve ha, nagulo na naman ang dialysis session ko. Kasi nga pag dinadalaw ako ng mga alaga ko, pa picture lahat sa room, kalokah ! Eh in fairness lahat ng alaga ko very friendly kaya ok lang sa kanila ang picture taking at pagkaguluhan ng mga fans nila. Hanga ako ngayon sa physique ni Paolo dahil fit na fit siya. At mukhang very stable siya ngayon."

Napansin din umano niya ang saya at kakuntentuhan sa mukha ngayon ni Paolo na kasama si Yen Santos. Tila ang dalaga lamang umano ang hinihintay nito.

"Talagang mukha siyang happy at contented, kaya sinuman ang love niya ngayon good influence sa kanya. At palagay ko ito ang inspiration na matagal ng hinihintay ni Paolo Contis. Clue Salve at Gorgy, ibigay na natin, ang lucky girl, si Yen Santos. Bongga !"


Herlene Budol Hinabol Ng Mga Pulis Sa Uganda! Inakalang Katapusan Na!

Walang komento


Sa isang panayam muling isiniwalat ni Herlene Budol ang ilang mga detalye sa naging karanasan nila sa Uganda nitong nakaraang Nobyembre na nauna na niyang naibahagi sa vlog ng kanyang talent manager na si Wilbert Tolentino.

Ayon kay Herlene, naranasan umano nilang habulin ng mga pulis dahil sa misunderstanding sa pagitan ng mga ito at sa may-ari ng van na isa rin sa mga hindi nabayaran ng Miss Planet International Organization.

Agad naman umanong ipinaliwanag ng may-ari ng van na hindi kasama si Herlene sa mga naka-check in sa hotel at patungo na ito sa kanyang tinutuluyan.

Isiniwalat ni Herlene na talagang natakot siya dahil dalawang pulis ang humabol sa kanya at may dala pang mahahabang baril.

"Paglabas ko, yung ibang pulis siguro hindi nasabihan hinabol ako na may baril. Dalawa po yung humabol sa akin na may hawak na mahabang baril. Sabi ko sa sarili ko, eto na ata katapusan ko... Kala ko sa pelikula ko lang mapapanood," pagkukwento ni Herlene.

Inamin din ni Herlene na hinimatay siya nang makaalis ang van sa hotel dahil sa pinaghalong takot, pagod at gutom.



Make Up Artist Ni Francine Diaz Napapagod Na Sa Pagmumukha Ng Young Actress!

Walang komento

Huwebes, Disyembre 1, 2022


Sa dami ng pinupuntahang ganap ngayon ng young actress na si Francine Diaz, nadadamay na rin ang kanyang mga staffs lalong-lalo na ang kanyang make-up artist dahil ito ang gumagawa ng pagpapapaganda sa actress.

Ayon sa ibinahaging post ng make-up artist ni Francine, sinabi nito nagsasawa na siya sa pagmumukha ng aktres at napapagod na rin siya sa dami ng ganap nito.

"Sawa na ako sayo @francinesdiaz araw araw na kita kasama, pagod nako sa dami mong ganaps."

Tila nagbibiro lamang ito dahil sa inilagay niyang laughing emoji sa hulahan ng kanyang post. Agad din naman itong sinagot ni Francine at humingi ng pasensya sa make-up artists.

Sa ngayon ay isa si Francine sa mga actress na nakakakuha ng maraming projects, product endorsement at guesting events.

Rochelle Pangilinan Inaming Kinikilig at Nais Makasamang Muli Si Coco Martin!

Walang komento


Inamin ng Kapuso actress na si Rochelle Pangilinan na nakakaramdam siya ng kilig at nais na muling makatrabaho ang Kapamilya star na si Coco Martin.

Nagpunta sa ABS-CBN compound si Rochelle Pangilinan nitong myerkules para sa media conference ng pelikulang 'Labyu With An Accent' na kinabibilangan niya. Kung saan nakasama niya rito sina Coco Martin at Jodi Sta. Maria.

Ayon kay Rochelle talagang kinikilig siya mula sa parking pa lamang ng compound.

“Sa totoo lang, mula pagpasok ko from parking, from building ng ABS-CBN, talagang kinikilig talaga ako, hanggang sa nag-aayos na ako. Tinuturo na sa akin ni Jodi lahat. Tinu-tour niya ako,” pag-amin ni Rochelle.

Malaki rin umano ang pasasalamat ni Rochelle sa GMA7 dahil sa pagpayag ng mga ito na gumawa siya ng isang pelikula kasama ang mga stars sa kabilang station.

Samantala hindi ito ang unang pagkakataon na nagkasama sila ni Coco Martin sa trabaho.

“Oh my gosh, si Coco never nagbago bukod sa panglabas niyang anyo na hindi tumatanda. Talagang napaka-down to earth na tao. Yumaman lang. 'Yun pa rin siya,” saad nito. 

Sumikat si Rochelle Pangilinan bilang leader ng dance group na Sexbomb.

Kapuso Tv-Personality-Nagmakaawa Sa Mga Netizens Na Manuod Sa Telebisyon!

Walang komento


Marami sa mga Pilipino ngayon ang mas kinahiligan ang panonood ng mga teleseryes at shows sa cellphone o di kaya ay sa tablet.

Kaya naman, naapektuhan na rin ang mga ratings ng mga programang napapanood sa telebisyon kagaya na lamang ng GMA7 na sa kabila ng pag-eere sa free TV ay mababa pa ring ang rating.

Dahil rito, kamakailan ay nanawagan ang GMA7 screen writer na si Suzzete Doctolero sa mga netizens na malaking tulong para sa kanila ang pagbabalik panonood sa telebisyon.

"Totoo, mas malaking bagay at suporta kung balik TV muna. Para niyo nang awa."

Ni-retweet naman ito ni Barbie Forteza at inanyayahan ang lahat na manood sa TV.



Manny Pacquaio at Nedal Hussein Nagreact sa Rebelasyon ni Carlos Padilla Hinggil Sa Pandadaya Para Siya Manalo!

Walang komento


Naging mainit na usapin sa social media ang isiniwalat na rebelasyon ng dating boxing referee na si Carlos Padilla ukol sa pandadaraya niya sa isang laban noon ni Manny Pacquaio at Nedal Hussein noong 2000.

Kung saan ang mananalo ay lalaban para sa World Championship.

Ayon sa pagsisiwalat ni Carlos, sinadya niyang bagalan ang bilang para mapatagal ang laban at hindi niya tinawag ang violation na nagawa ni Manny.

Matatandaang nanalo si Manny Pacquiao sa labang ito nila ni Hussein sa pamamagitan ng TKO.

Samantala, sa isang inilabas na ulat mula sa isang trusted news outlet, sinabi ni Hussein na wala siyang sama ng loob para kay Manny Pacquiao, subalit galit siya sa ginawang pandadaraya ni Carlos.

Siya sana umano ang nanalo kung hindi sinadya ni Carlos na pahabain ang laban dahil knockout na noon si Manny. Dapat din umanong managot ni Carlos dahil sa ginawang pandadaya.

Maging si Manny Pacquiao ay nagbigay na rin ng reaction hinggil sa binitawang rebelasyon ni Carlos. Ayon kay Manny Pacquiao, hindi siya nandaya sa laban nila ni Hussein noong 2000, pinaboran lamang umano siya ni Carlos.

"Hindi naman daya. Pinaboran lang tayo, pabor lang siguro siyempre home court. As a boxer, ginawa ko lang naman yung tama."

Dagdag pa ni Manny, "Ako naman, boxer lang ako. Ginawa ko lang yung trabaho ko sa taas ng ring. That's his problem not mine."

Sa panahong iyon ay paangat pa lamang ang karera ni Manny Pacquiao sa pagboboksing.

Cindy Miranda, Gaganap Na Bilang ‘Young Imelda’ Sa MoM!

Walang komento


 Ipinahayag na ni Direk Darryl Yap sa kanyang social media post ang napipili niyang gaganap bilang Younger Imelda para sa sequel ng Maid in Malacanang movie.

Ayon kay Direk Darryl matagal siyang nag-iisip at naghahanap ng gaganap bilang Younger Imelda, iyong may angking husay, yumi at galing.

“Cindy Miranda as Young Imelda. Matapos ang halos isang buwang pagtitimbang ng mga posibilidad at kalidad; nakatagpo kami ng isang Beauty Queen na may kaparehas na yumi at husay sa pananalita, Pilipinang-pilipina, may ambisyon at di basta pasasakop kaninuman. Ang bahaging ito sa buhay ng IRON BUTTERFLY ang isa sa pinakamakulay. Kilalanin natin ng sabay sina Cindy at Meldy,” pahayag ni Direk Darryl Yap sa kanyang Facebook post nitong November 30.

Si Cindy Miranda ay isa sa mga Viva Artist na napipisil na gumanap bilang younger version ni Imelda Marcos.

Tila magsisimula na ang taping ng Martyr o Murderer ang sequel movie ng Maid in Malacanang, sa pagkakabuo ng cast nito.

Ipapalabas ang nasabing pelikula sa susunod na taon.

Catriona Gray Handa Nang Makipag-Dragdagulan sa Drag Den PH!

Walang komento


Sa bagong inilabas na trailer ng Drag Den PH nitong December 1 makikitang handang-handa na si Catriona Gray na makipag-dragdagulan.

Makikita sa ipinalabas na trailer na magiging Drag Enforcer si Catriona Gray, habang Drag Dealer naman si Nicole Cordoves at ang Drag Runner ay walang iba kundi si Sassa Gurl. Si Manila Luzon naman ang magsisilbing main host nito.

Samantala, walong Drag Queens ang maglalaban-laban para sa korona sa season 1 ng Drag Den Philippines. Isa kina O-A, Maria Cristina, Aries Night, Barbie-Q, Shewarma, Pura Luka Vega, Naia, at Lady Gagita ang kokoronahan bilang kauna-unahang Drag Queen.

Mapapanood ang unang episode ng Drag Den PH sa darating na December 8, 2022 sa Prime Video.

Cristy Fermin Umalma, Hindi Pa Maaring Tawagin Na Kriminal si Vhong Navarro!

Walang komento


Inalmahan ni Manay Cristy Fermin ang pahayag mula sa nabasang dyaryo kung saan tinawag na 'kapwa kriminal' si Vhong Navarro.

Sa latest episode ng programa nina Cristy Fermin na Cristy Ferminute, nagbigay ng panibagong update si Manay Cristy hinggil sa kaso ni Vhong Navarro.

“Hindi pa nakakadalaw si Tanya at kanyang mga anak. Kasi nag-seven-day quarantine nga siya at ang kwento ay ihahalo na siya ngayon sa mga dinatnan niyang bilanggo doon,” pahayag ni Manay Cristy.

Sinabi rin ni Manay Cristy na hindi pa dapat gamitin ang salitang kriminal para kay Vhong Navarro. Kagaya na lamang sa nababasa niya sa mga pahayagan kung saan sinabing isasama na si Vhong Navarro sa kanyang kapwa kriminal.

“'Wag naman po ninyo ginagamit 'yung ‘kriminal’. Diba sa diyaryo, mababasa mo, 'At ihahalo na siya sa kanyang mga kapwa kriminal.' Sabi nga po natin diba, hangga't di napatutunayan na nagkasala ang sinumang pinagbibintangan, siya ay hindi pa rin matatawag na kriminal, diba?” saad ni Cristy Fermin.

Dagdag pa ni Manay na mas angkop gamitin ang mga salitang,  'kapwa nakapiit', 'kapwa bilanggo'.

Cristy Fermin Pinayuhan si AJ Raval sa Gitna ng Kontrobersiyang Kinakaharap Ngayon!

Walang komento


Muling lamang ng usapan sa latest episode ngayon ng Cristy Ferminute ang sexy actress na si AJ Raval. Tungkol sa isyu ng panganganak nito.

Nagbigay pa ng payo si Manay Cristy Fermin kay AJ Raval kung paano matuldukan ang kumakalat ngayong isyu tungkol sa kanya.

“Ang pinakamaganda na lang diyan, AJ, huwag ka na kasing naglalabas ng mga retrato mo na 19-kopong-kopong pa para hindi ka naba-bash,” pagpapayo ni Cristy Fermin.

Ayon pa kay Manay Cristy Fermin na ang mga binabahagi ngayong mga larawan ni AJ sa kanyang social media account ay puro throwbacks.

“’Yan 'yung histura mo noon, ilabas mo 'yung hitsura mo ngayon. Yun ang pinakamagandang ebidensya at bilang panlaban sa mga isyu talagang pinagpipistahan ngayon na ika'y nagdalang-tao at nanganak ka.” prangkang pahayag ni Cristy Fermin.


Jessy Mendiola Inatake ng Matinding Insecurities Dala Ng Pagbubuntis!

Walang komento


 Inamin ng actress na si Jessy Mendiola sa kanyang Instagram stories na nakakaramdam siya ngayon ng insecurities dahil sa pagbabago ng kanyang katawan dala ng pagbubuntis.

Maaaring mababaw lamang umano itong dahilan para sa ibang tao subalit sa katulad niyang pinapahalagahan ang kanyang sexy image ay mahirap umano ito. Lalo na sa kanya dahil naranasan niyang ma-body shame.

Naitanong din umano niya sa kanyang sarili kung kaya na ba niyang gampanan ang responsibilidad ng isang ina. At kung magagawa pa ba niya ang mga ginagawa niya noong hindi pa siya nagbubuntis.

Mahirap man umano ay na overcome ito ni Jessy sa pamamagitan ng pagtanggap na may isang tao na tumutubo sa kanyang sinapupunan.

Ayon pa kay Jessy, "Embrace your body and the changes that came along with it. Others will keep saying  that you have to bounce back right after pregnancy. Dont listen to them take your time."



Kim Chiu, Hindi Nagustuhan Ang Ginawa Ni Xian Lim!

Walang komento


 Muling naghatid ng katuwaan sa mga netizens ang ibinahaging video clip ni Xian Lim sa kanyang Instagram account.

Makikita si Kim Chiu sa nasabing video na pina-prank ni Xian habang nanonood ito ng horror movie.

Nagsuot si Xian ng isang gorilla mask at tinakot si Kim, habang nanonood ng horror film. Agad namang napamura ng todo si Kim kasabay ng pagtatakip niya sa kanyang mukha dahil sa gulat.

Samantala sa isang larawan sinabi ni Xian na hindi na umano galit sa kanya rito ang kanyang nobya at bati na umano sila.

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo