Dennis Padilla Winan-side ni Karen Davila!

Biyernes, Disyembre 2, 2022

/ by Lovely


Naging mainit na usapin sa mundo ng showbiz ang pag-alma ni Dennis Padilla sa mga binitawang pahayag ng kanyang anak na si Julia Barretto sa panayam ni Karen Davela.

Sa nasabing panayam inilabas ni Julia ang mga hinanakit niya kay Dennis at ang nararamdamang sama ng loob para sa kanilang ama.

Agad namang nag-request si Dennis Padilla kay Karen  na interbyuhin din siya upang malaman ng lahat ang kanyang side of story.

Agad naman umanong nangako kay Dennis si Karen ng interview upang maipahayag din ang kanyang side.

“Tinawagan ako ni Karen. Sabi niya, 'Grabe yung mga pinost mo, Dennis.' “Sabi ko, ‘E, winan-side mo ako. Ginawa mo akong kontrabida,’ kaya ginising ko siya. Tapos sabi niya, ‘Di bale, I will give you a chance na interbyuhin din kita.’" pagkukwento ni Dennis.

Nagset din ng schedule si Dennis, September 23, 2022, kasabay ng presscon ng teleseryeng kinabibilangan niya sa GMA7. Okey lang naman umano iyon kay Karen dahil ang gagawing interview ay para sa vlog naman niya.

Subalit, nang araw ng September 23 ni-reschedule umano ni Karen ang kanilang pag-uusap sa susunod na linggo ngunit hindi na siya muli pang binalikan ni Karen.

“Shinowbiz din niya ako! Pero kung nagkaharap kami ni Karen Davila, ako, kaya kong tumingin nang diretso sa mata niya. Ang problema niya, siya ba, kaya niyang tumingin sa akin?" panghihimutok ni Dennis.

"Kahit Karen Davila ka, mangliliit ka sa akin kapag nagkita kami dahil sasabihin ko sa kanya, ‘Journalist ka, e. You have to weigh things. E, bakit ni-one side mo ako?'" dagdag pa ng actor.

Isiniwalat pa ni Dennis na sinabihan niya si Karen na siya na mismo ang bibisita sa bahay nito upang mainterview niya. Subalit, tila natakot si Karen at sinabing nakaka-threaten na ang mga pinagsasabi ni Dennis.

“Sabi ko pa nga, ‘If you want, Karen, puntahan na lang kita sa bahay. If you want, I’ll just visit you sa house mo para mainterbyu mo ako. Dun na lang kita kausapin.’ Ang sabi niya, ‘You know, Dennis, what you said is very threatening. That’s very threatening! Sabi ko, ‘Threatening ? Anong threatening dun? Dadalawin kita sa bahay para kausapin ka? Anong threatening dun?’ Ang OA mo! Threatening daw? Bakit sinabi ko ba na pupuntahan kita sa bahay mo tapos sasaksakin kita? Ang sabi ko, pupuntahan kita sa bahay para mainterbyu mo ako,” paglalahad pa ni Dennis Padilla.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo