Rochelle Pangilinan Inaming Kinikilig at Nais Makasamang Muli Si Coco Martin!

Huwebes, Disyembre 1, 2022

/ by Lovely


Inamin ng Kapuso actress na si Rochelle Pangilinan na nakakaramdam siya ng kilig at nais na muling makatrabaho ang Kapamilya star na si Coco Martin.

Nagpunta sa ABS-CBN compound si Rochelle Pangilinan nitong myerkules para sa media conference ng pelikulang 'Labyu With An Accent' na kinabibilangan niya. Kung saan nakasama niya rito sina Coco Martin at Jodi Sta. Maria.

Ayon kay Rochelle talagang kinikilig siya mula sa parking pa lamang ng compound.

“Sa totoo lang, mula pagpasok ko from parking, from building ng ABS-CBN, talagang kinikilig talaga ako, hanggang sa nag-aayos na ako. Tinuturo na sa akin ni Jodi lahat. Tinu-tour niya ako,” pag-amin ni Rochelle.

Malaki rin umano ang pasasalamat ni Rochelle sa GMA7 dahil sa pagpayag ng mga ito na gumawa siya ng isang pelikula kasama ang mga stars sa kabilang station.

Samantala hindi ito ang unang pagkakataon na nagkasama sila ni Coco Martin sa trabaho.

“Oh my gosh, si Coco never nagbago bukod sa panglabas niyang anyo na hindi tumatanda. Talagang napaka-down to earth na tao. Yumaman lang. 'Yun pa rin siya,” saad nito. 

Sumikat si Rochelle Pangilinan bilang leader ng dance group na Sexbomb.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo