Ronnie Alonte at Loisa Andalio Nabiktima ng Bas@g-K0tse Gang sa Cavite!

Biyernes, Disyembre 2, 2022

/ by Lovely



Nabiktima kamakailan lamang magkasintahang Ronnie Alonte at Loisa Andalio ng 'basag-kotse gang' sa Cavite nitong November 30, 2022.

Ayon sa inilabas na ulat, natangay ng mga hindi pa kilalang suspects ang tatlong mamamahaling cellphone,dalawang iPhone 11 at isang iPhone 13 na naiwan sa kanilang kanilang Jeep Wrangler Wagon.

Ayon sa Bacoor City Police, nangyari ang insidente sa Molino Road, Brgy. Molino 3, Bacoor, Cavite, noong myerkules ng gabi November 30, 2022.

Samantala, makikita sa mga ibinahaging larawan ng Bacoor City Police na binasag ng mga suspects ang gitnang bintana ng nasabing sasakyan.

Nangyari ang insidente habang nasa cafe ang magkasintahan, nadatnan na lamang umano nila sa kanilang paglabas ang sira nang sasakyan. Agad namang nagfile ng incident report si Ronnie sa police station ng Bacoor.

Sa ngayon ay patuloy pa ring pinaghahanap ng mga police ang salarin ng nasabing insidente.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo