Nadine Lustre Wala Nang Pakialam Kay James Reid! Wala Na Silang Koneksyon!

Biyernes, Disyembre 2, 2022

/ by Lovely


Sa isang panayam, sinabi ni Nadine Lustre na completely different na siya ngayon mula sa Nadine na nakilala noon habang karelasyon at katambal pa niya si James Reid.

Ayon pa kay Nadine na malaki na ang kanyang ipinagbago matapos ang hiwalayan nila ng dating ka loveteam at boyfriend na si James Reid.

"Completely different. Like even different from the one that you've met last year. Completely different from the Nadine last year. I'm growing everyday. I'm learning new things, discovering a lot of new things about myself," pahayag ni Nadine.

Inamin din ni Nadine na wala na silang koneksyon ng dating karelasyon na si James Reid at hindi na rin umano sila nag-uusap pang dalawa.

Matatandaang naghiwalay sina Nadine Lustre at James Reid noong 2020 matapos ang ilang taon na magkarelasyon. Kasunod nito ay ang pagkakabuwag din ng kanilang tambalan. Kasalukuyang karelasyon ni Nadine ngayon ang isang French-Filipino businessman na si Christophe Barriou.


Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo