Lolit Solis Sinabing si Yen Santos ang Hinihintay ni Paolo Contis!

Biyernes, Disyembre 2, 2022

/ by Lovely

 


Masayang ibinahagi ni Manay Lolit Solis sa kanyang Instagram post ang pagbisita ng kanyang alaga na si Paolo Contis.

Ipinahayag din ni Manay na lahat ng kanyang mga alaga ay friendly. Napansin din umano ni Manay Lolit na inspired at masaya ngayon si Paolo Contis.

Makikita umano ito sa physical na anyo nito at sa pagiging fit.

"Naku Salve ha, nagulo na naman ang dialysis session ko. Kasi nga pag dinadalaw ako ng mga alaga ko, pa picture lahat sa room, kalokah ! Eh in fairness lahat ng alaga ko very friendly kaya ok lang sa kanila ang picture taking at pagkaguluhan ng mga fans nila. Hanga ako ngayon sa physique ni Paolo dahil fit na fit siya. At mukhang very stable siya ngayon."

Napansin din umano niya ang saya at kakuntentuhan sa mukha ngayon ni Paolo na kasama si Yen Santos. Tila ang dalaga lamang umano ang hinihintay nito.

"Talagang mukha siyang happy at contented, kaya sinuman ang love niya ngayon good influence sa kanya. At palagay ko ito ang inspiration na matagal ng hinihintay ni Paolo Contis. Clue Salve at Gorgy, ibigay na natin, ang lucky girl, si Yen Santos. Bongga !"


Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo