Catriona Gray Handa Nang Makipag-Dragdagulan sa Drag Den PH!

Huwebes, Disyembre 1, 2022

/ by Lovely


Sa bagong inilabas na trailer ng Drag Den PH nitong December 1 makikitang handang-handa na si Catriona Gray na makipag-dragdagulan.

Makikita sa ipinalabas na trailer na magiging Drag Enforcer si Catriona Gray, habang Drag Dealer naman si Nicole Cordoves at ang Drag Runner ay walang iba kundi si Sassa Gurl. Si Manila Luzon naman ang magsisilbing main host nito.

Samantala, walong Drag Queens ang maglalaban-laban para sa korona sa season 1 ng Drag Den Philippines. Isa kina O-A, Maria Cristina, Aries Night, Barbie-Q, Shewarma, Pura Luka Vega, Naia, at Lady Gagita ang kokoronahan bilang kauna-unahang Drag Queen.

Mapapanood ang unang episode ng Drag Den PH sa darating na December 8, 2022 sa Prime Video.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo