Cristy Fermin Umalma, Hindi Pa Maaring Tawagin Na Kriminal si Vhong Navarro!

Huwebes, Disyembre 1, 2022

/ by Lovely


Inalmahan ni Manay Cristy Fermin ang pahayag mula sa nabasang dyaryo kung saan tinawag na 'kapwa kriminal' si Vhong Navarro.

Sa latest episode ng programa nina Cristy Fermin na Cristy Ferminute, nagbigay ng panibagong update si Manay Cristy hinggil sa kaso ni Vhong Navarro.

“Hindi pa nakakadalaw si Tanya at kanyang mga anak. Kasi nag-seven-day quarantine nga siya at ang kwento ay ihahalo na siya ngayon sa mga dinatnan niyang bilanggo doon,” pahayag ni Manay Cristy.

Sinabi rin ni Manay Cristy na hindi pa dapat gamitin ang salitang kriminal para kay Vhong Navarro. Kagaya na lamang sa nababasa niya sa mga pahayagan kung saan sinabing isasama na si Vhong Navarro sa kanyang kapwa kriminal.

“'Wag naman po ninyo ginagamit 'yung ‘kriminal’. Diba sa diyaryo, mababasa mo, 'At ihahalo na siya sa kanyang mga kapwa kriminal.' Sabi nga po natin diba, hangga't di napatutunayan na nagkasala ang sinumang pinagbibintangan, siya ay hindi pa rin matatawag na kriminal, diba?” saad ni Cristy Fermin.

Dagdag pa ni Manay na mas angkop gamitin ang mga salitang,  'kapwa nakapiit', 'kapwa bilanggo'.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo