AJ Raval Kumasa Sa Hamon, 'Sino Ang Nanganak?'

Biyernes, Disyembre 2, 2022

/ by Lovely


 Tila kumasa na sa mga hamon ng mga marites sa social media ang sexy-action star na si AJ Raval.

Matatandaang naging mainit na usapan sa iba't-ibang social media platforms ang umano'y panganganak ni AJ, nitong nakaraang buwan.

Bagama't ilang beses na itinanggi ng aktres ang isyu ng pagbubuntis umano niya, patuloy pa ring naniniwala ang karamihan na tinatago lamang nito ang 'bata'.

Ilang mga online columnist din ang naghamon sa aktres na magbahagi ng latest whole body photo upang makita umano ang buong katawan nito.

Kaya naman tila kumasa na ang aktres, spotted sa kanyang Instagram accounts ang ibinahaging mga larawan nito kung saan makikita ang buong katawan.

Kapansin-pansin din ang pagiging seksi nito ni walang bahid ng panganganak. Tila tanong ngayon ni AJ sa mga marites, sino ang nanganak?

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo