Victor Consunji, gumanti sa pa-TALONG hashtag ng dating asawang si Maggie Wilson!

Walang komento

Miyerkules, Oktubre 19, 2022

 


Lumilikha ngayon ng ingay ang cryptic post ng isang dating Filipina-British beauty queen na si Maggie Wilson dahil tila pinatatamaan nito ang dating husband na si Victor Consunji.

Maaalalang nagsampa ng kaso si Victor sa kanyang dating maybahay ilang buwan matapos nilang aminin sa publiko ang kanilang opisyal na paghihiwalay.


Hinuha ng mga netizens na tungkol kay Victor ang hashtag at cryptic post na ibinahagi ni Maggie Wilson.

Matatandaang inamin noon ng dating beauty queen na sinampahan siya ng kasong adultery ni Victor, kasama na dito ang business partner na si Tim Connor. Hindi lamang dito nagtatapos, may iba pang patong-patong na kasong isinampa si Victor sa dalawa.

Samantala, matapos magpost ni Maggie ng kanyang cryptic post na may pa-talong na hashtag, rumesbak naman ang businessman at gumawa ng sariling hashtag. Dahilan para mas maging curious ang mga Marites ukol sa nangyayari sa dalawa.

Sa ngayon ay wala pang ibinahaging opinyon si Maggie hinggil sa viral post ng dating asawa.

Nakakaiyak! Asawa Ni Andrew Schimmer Kritikal Ang Kalagayan Sa Hospital!

Walang komento


Malungkot na ibinalita ni Andrew Schimmer kamakailan na muli nilang isinugod sa hospital ang kanyang asawa matapos ang isang linggo nang ilabas nila ito.

Ayon kay Andrew kailangan muling manatili ng kanyang asawa sa ICU upang lalong mamonitor ng doktor at maging stable ang heart rate nito. Ang itinuturong dahilan kaya muli itong isinugod sa hospital dahil sa pagpapadagdag ng sodium sa diet nito.

May ipinakitang dokumento si Andrew kung saan nakasulat ang prescriptions na may idinagdag na 6g ng sodium sa diet ni Jho. Ito ang itinuturong dahilan ni Andrew kaya namamanas at nahihirapang umihi ni Jho. Tumaas din ang lagnat nito na humigit pa sa 39 degree celcius.

Sa ngayon ay hindi pa muli nagbigay ng update si Andrew hinggil sa kasalukuyang kalagayan ng kanyang asawa kaya hinuha ng ilang mga netizens na nananatili pa rin ito ngayon sa ICU at nakikipaglaban sa kanyang karamdaman.



Kongresista- Nanawagan Na Muling Buksan Ang Imbetigasyon Laban Sa ABS-CBN!

Walang komento


Tila hindi pa rin tumitigil ang ilang mga kritiko ng ABS-CBN sa pagbaba-investigate sa network.

Usap-usapan ngayon ng mga netizens ang pagpapabukas muli ng isang kongresista sa imbestigasyon tungkol sa umano'y violations ng network.

Ayon sa pahayag na ipinadala ni Rep. Elpidio Barzaga Jr, kailangan umanong buksan muli ang imbestigasyon sa kongreso tungkol sa mga allegations at issues ng ABS-CBN. Dapat umanong tingnan kung patuloy pa ring ginagawa ng ABS-CBN ang naging violations nila.



Wilbert Tolentino, May Diretsahang Rebelasyon Sa Ugali Ng Isang Taong Hindi Pinangalanan!

Walang komento


May isiniwalat si Wilbert Tolentino tungkol sa isang tao na mahilig umanong magpa-victim sa social media.

Mainit na usap-usapan ngayon sa social media ang Facebook post ni Wilbert Tolentino tungkol sa isang tao na mahilig umanong magpa-victim at manggamit ng tao. Nagbabait-baitan lamang umano ito sa social media. Ginagamit din umano ng taong ito ang kanyang nakakaawang karanasan upang humakot ng views mula sa mga netizens.

"Ganun tlaga may mga tao tlaga na sobrang galing mag paikot ng tao sa social media at magaling mag pavictim na kaya nya gamitin ang sariling trahedya for views and popularity. Kaya nya mang hikayat ng iba para kampi nya kahit cya naman talaga may problema...bait baitan sa harap ng camera kht attitude in real life at higit sa lahat USER. Kaya gumising kayo."



Bagama't hindi pinangalanan, hinuha ng mga netizens na ang tinutukoy ni Wilbert Tolentino ay walang iba kundi si Zeinab Harake. Matatandaang, naging usap-usapan kamakailan na may nangyaring hindi pagkaka-unawaan sa pagitan nina Zeinab at Wilbert.

Nag-ugat ang usaping ito matapos ifli-nex ni Wilbert ang itinuturong naging third party sa hiwalayan nina Zeinab at Skusta na si Aira Mae Lipata.

Matatandaan din na kamakailan lamang ay nagpost si Zeinab sa kanyang Facebook account tungkol sa mga taong tumatraydor sa kanya. Hinuha tuloy ng mga netizens ngayon na konektado ang mga post nila sa social media.

Samantala, sumang-ayon naman ang ilang mga netizens sa sinabi ni Wilbert Tolentino. Napansin din umano nila na tila simula pa noon ay nagpapaawa lamang si Zeinab sa mga followers nito at tila ginagamit umano ang mga kabiguan at kaawa-awang sitwasyon umano nito.

Top 10 Instagram Earners in the Philippines!

Walang komento


Ang Instagram ay isa sa mga social media platforms na sikat at ginagamit ng mga celebrities dito sa Pilipinas. Kaya naman hindi na kataka-taka na mga sikat na personalities ang top earnes ng Instagram sa taong kasalukuyan.

1. Pia Wurtzbach- Si Pia Wurzbach ay may 13.9 million followers sa Instagram sa kasalukuyan. Kumikita si Pia ng $3,669,205 (around P216 Million).



2. Kathryn Bernardo: Tinaguriang Philippines' Box Office Queen si Kathryn Bernardo. Ang kanyang mga followers ay nasa 17.4 million sa kasalukuyan at kumikita siya sa Instagram ng aabot sa $3,533,360 (around P208 Million).



3. Anne Curtis: Isa si Anne Curtis sa mga host ng sikat na noontime show ng ABS-CBN na It's Showtime. Ang followers ni Anne sa Instagram ay nasa 18.5 million sa kasalukuyan at umaabot sa $2,936,119 (around P172 Million) ang kita niya sa Instagram.



4. Kim Chiu: Si Kim Chiu na kilala bilang Chinita Princess ay isa sa mga celebrities na hinahangaan ng marami hindi lamang dahil sa kanyang ganda kundi maging sa kanyang mga talento. Ang mga followers ni Kim Chiu sa Instagram ay nasa 11.5 million followers. Kumikita si Kim ng $1,712,281 (around P100 Million).



5. Andrea Brillantes: Si Andrea Brillantes ay isa sa mga magagaling na artista sa kanyang panahon. Una siyang sumikat sa teleseryeng Kadenang Ginto ng ABS-CBN. Matatandaang naging controversial din siya noong katatapos lamang na 2022 National Elections. Ang followers ni Andrea sa Instagram ay nasa 13.5 million followers at nasa $1,281,692 (around P75 Million) ang earnings nito sa Instagram.



6. Catriona Gray: Si Ms. Universe 2018 Catriona Gray ay may Instagram followers na umaabot sa 13.2 million at ang kanyang earnings sa Insttagram ay nasa $1,190,233 (around P70 Million).



7. Liza Soberano: Isa si Liza Soberano sa mga hinahangaang leading lady sa generation. Kasalukuyang pinu-pursue ni Liza ang kanyang dream career sa Hollywood. Ang followers nito sa Instagram ay 17.5 million na aabot sa $968,118 (around P57 Million) ang kanyang earning sa Instagram.



8. Nadine Lustre: Ang aktres-singer na si Nadine Lustre ay may 11.5 million followers sa Instagram na may earnings na aabot sa $354,294 (around P20.8 Million).



9. Alex Gonzaga: Ang comedian-host-vlogger ay kasama sa may malalaking earnings sa Instagram na aabot sa $349,580 (around P20.5 Million). Ang kanyang followers ay nasa 12.4 million sa kasalukuyan.



10. Marian Rivera: Si Marian Rivera ang tinaguriang Kapuso Primetime Queen. Kilala ito sa kanyang galing sa halos lahat ng bagay. Ang kanyang Instagram earning ay tinatayang nasa $75,709 (around P4.4 Million) at mag followeres na 12.4 million.




Sold Out! Kim Chiu Nagkakaubusan Na Ang Mga Bags!

1 komento


Masayang ibinalita ni Kim Chiu sa kanyang mga followers na nagkakaubusan ang mga stocks ng kanyang bags. Patuloy rin umanong bumuhos ang mga orders.

Ayon kay Kim Chiu sa kanyang Instagram post, "Woke up today with the news that 3 of our bags got sold out—and the others are almost sold out and already low in stock!!!🥹😍 Feeling overjoyed by how everything is going so far. 🥰


It all started as a “what if,” and now we are making it happen! Thank you, everyone, for showing your love and support for #HouseOfLittleBunnyPH "

Tila nagpaliwanag din si Kim sa kanyang mga costumers kung natatagalan ang shipping ng kanilang produkto ito ay dahil umano sa dami ng orders na kanilang narereceive ngayon.


Baho Ni Atom Araullo Isiniwalat Ni Ka Eric!

Walang komento


Labis na nagulat ng ilang mga tagahanga ni Atom Araullo matapos isiniwalat ni Ka Eric ang isa sa kanyang mga sekreto.

Kamakailan sa isang commentary ni Ka Eric isiniwalat nito ang mga personalidad na may konesksyon umano sa NPA. Ayon sa pagsisiwalat ni Ka Eric si Atom Araullo ay anang ng active member ng NPA. Ayon pa kay Ka Eric pinag-aral umano si Atom Araullo sa UP upang sirain ang gobyerno ng ating bansa na tumutuligsa sa nasabing grupo. Makikita umano ito sa paraan ng pagrereport ni Atom.

Sinang-ayunan naman ito ng ilang mga netizens at sinabing matagal na nilang napapansin ang mga ito kay Atom ngunit wala umanong matibay na ebidensya kung totoo nga ba ang mga ito.



Moira Dela Torre Super Blooming, Lalong Gumanda Sa New Hair Style!

Walang komento


Masayang ibinahagi ng singer na si Moira Dela Torre kamakailan na umabot na sa 4 million ang kanyang mga followers sa Instagram at Spotify.

Ibinahagi ni Moira sa kanyang Instagram account ang larawan niya na nakasuot ng crop top kung saan makikita ang kanyang ka-seksihan. Agad namang napansin ng kanyang mga followers at tagahanga ang pagiging blooming nito ngayon.

Napansin din ng mga ito ang bagong hairstyle ni Moira na lalong ikinaganda umano nito. Ayon pa sa ilang mga netizens na sa nakikita nila ngayon kay Moira ay tila naka-move on na ito sa naging hiwalayan nila ng mister na si Jason Hernandez.


Manay Lolit Solis Na-expel Sa PAMI Matapos Mag Resign Ni Shirley Kuan!

Walang komento


Malungkot na ibinahagi ni Manay Lolit Solis ang balitang nakatanggap siya ng expulsion letter mula sa PAMI dahil sa kanyang paglabag sa isa sa mga rules nito.

Ang Professional Artists Manager Inc. (PAMI) ay ang samahan ng mga manager na kinabibilangan din dati ng manager ni Bea Alonzo na si Shirley Kuan. Ayon kay Lolit Solis natanggap niya ang expulsion letter galing sa PAMI. Tanggap din umano niya ang desisyon ng PAMI na tanggalin siya dahil may nilabag siyang rules. Nilinaw din ni Lolit na hindi siya natanggal sa samahan dahil sa pangbubully niya kina Bea Alonzo at Shirley Kuan.

"Nalungkot ako Salve ng matanggap ko ang EXPULSION letter ng PAMI. Alam ko na may nagawa akong kasalanan kaya tanggap ko ang parusa. Humanga ako dahil naging matapang si June Rufino this time na gumawa ng stand. Maganda example na ipakita nila sa lahat na binibigyan nila ng parusa ang mga hindi sumunod sa rules ng PAMI. I am sorry for messing up, at mabuti nga ginawa nila ito at baka dumami pa ang mag resign tulad ni Shirley Kuan. Ngayon hindi na magri resign ang mga ayaw sa akin, dahil expelled na ako. At least, na EXPEL ako dahil sa ibang rason at hindi dahil sa BULLY ako. I admit to my mistake, I bow to June Rufino as president of PAMI, and I hope the organization at ang mga members magtagumpay lahat lalo na ang mga alaga nila na parang anak na kaya inilalaban ng patayan gaya ni Shirley Kuan kay Bea Alonzo . Wish all of you well and success. Your EXPELLED member, Lolita Solis"


Sa huli, hiling ni Manay Lolit Solis magiging matagumpay ang lahat ng mga myembro ng PAMI at ipaglaban ang kanilang mga alaga na itinuturing na nilang anak.

Julie Ann San Jose Kinilig Sa Mga Titig Ni Rayver Cruz Habang Sila Ay Kumakanta!

Walang komento

Martes, Oktubre 18, 2022


Muling nagbahagi  ng nakakakilig na video sina Rayver Cruz at Julie Anne San Jose kung saan makikita silang nagduduet.

Ayob kay Raver, mas masaya umano ang isang kanta kapag kasama niya si Maria Clarra na tinutukoy si Julie Anne San Jose. Ginagampanan ni Julie Anne ang papel bilang Maria Clara sa GMA7 na pinamagatang Si Maria Clara at Ibarra.

Umani naman ito ng mga views at positibong komento mula sa mga netizens na kinilig sa kanilang titigan.


Nikko Natividad Inakalang Horror Movie Ang Pelikula Ni Baron Geisler Na Doll House!

Walang komento


Kamakailan ay nagbigay ng reaction ang actor-model na si Nikko Natividad sa trending Netflix movie ni Baron Geisler na Doll House.

Ibinahagi ng aktor ang kanyang reaction sa napanood na movie sa pamamagitan ng kanyang Instagram account. Inakala umano ni  Nikko na horror movie ito dahil sa pamagat na Doll House. Ngunit halos ay malunod na umano siya sa kanyang luha dahil rito.

"Kala ko horror yung dollhouse dahil sa title Inang yan kamuntikan nakong malunod sa sarili kong luha. @baron.geisler napakahusay nyo po!"


Agad namang nagkomento si Baron sa nasabing Instagram post ni Nikko at nagpasalamat rito kalakip ang maraming laughing emoji. Kapansin-pansin din na maraming mga netizens na nagkomento na inakala din nilang horror movie ang Doll House ngunit nang mapanood nila ay hindi nila mapigil-pigil ang luha.

Heart Evangelista Barado Sa Isang Dentista Matapos Nitong Ibalandra Na Mali Kanyang Ginagawa!

Walang komento


Barado si Heart Evangelista ng isang licensed dentist matapos nitong maglabas ng pahayag na mali ang naging pahayag ni Heart sa pagpopromote ng isang produkto.

Matatandaan na kamakailan lamang ay ibinahagi ni Heart sa kanyang Instagram account na palagi niyang dala-dala ang isang teeth whitening pen saan man siya mapunta upang may pantanggal siya sa mga coffee stains.

Samantala, kumakalat ngayon ang isang Tiktok video kung saan itinama ng isang dentista ang nasabing promotion ni Heart sa paggamit ng teeth whitening pen. Makikita sa video na binanggit at binasa pa ang naging promotion ni Heart sa teeth whitening pen. Ipinakita din nito ang crown ng teeth ni Heart at inilagay bilang caption na hindi nakakaputi ng crowns ang teeth whitening pen.

Ipinunto rin nito na hindi kailangang paputiin kaagad ang ngipin pagkatapos uminom ng kape dahil hindi naman umano kaagad nagkaka-stain ang ngipin pagkatapos ng pag-inom ng kape. Tila ipinagdiinan din nito na hanggang pagpopromote lamang ang ginagawa ni Heart at ni hindi man lamang daw nito ginagamit ang produkto.

Binigyan din ng dental hygienist ng babala ang publiko na hindi basta-basta gagamit ng mga produktong ipinopromote ng mga sikat na personality na hindi sigurado kung tested ba ito.

Samantala, wala pa ring tugon si Heart sa naging isyung ito.

Mga Anak Ni Cesar Montano at Sunshine Isiniwalat Ang Totoong Estado Ng Pamilya!

Walang komento


Isiniwalat ng mga anak nina Cesar Montano at Sunshine Cruz ang totoong estado ng relasyon ng kanilang pamilya.

Ilang araw na ang nakakalipas matapos lumabas ang bali-balitang naghiwalay na sina Sunshine Cruz at ang long-time boyfriend nito na si Macky Mathay. Nag-ugat ang balitang ito matapos mapansin ng ilang mga netizens na hindi na naka-follow sa isa't-isa sina Sunshine at Macky. Sunod-sunod din ang pagbabahagi ni Sunshine ng mga cryptic post na tila nagpapahiwatig ng mga pinagdadaraanan nito sa kasalukuyan.

Samantala, usap-usapan ngayon ng ilang mga netizens na tila nagkakamabutihan muli ang dating mag-asawa na sina Cesar Montano at Sunshine Cruz. Matatandaang spotted ang dalawa sa naging birthday ng kanilang anak. Sa isang panayam sa mga anak nila, na masaya sila ngayon dahil nagkakaayos ng muli ang kanilang pamilya.



Gerald Anderson, May Bagong Babae Na Naman?

Walang komento


Tila magiging hot topic na naman ang magkasintahang Julia Barretto at Gerald Anderson dahil sa mga kumakalat na larawan ngayon sa social media na may kasamang babae si Gerald Anderson.

Agad namang umani ng samu't saring komento ang nasabing larawan na pinagpipyestahan ngayon ng mga marites. Ayon sa kanila napakaganda nito at makikita ang malakas na chemistry ng dalawa. 

Tila hindi talaga nagsasawa sa pang-iisyu ang mga bashers ng magkasintahan at sa paghahanap ng mga dahilan na maaring ikasira ng relasyon ng dalawa. Matatandaang, katatapos lamang ng isyu sa pagitan nina Gerald Anderson at Kylie Padilla.

Samantala, kinilala ang babaeng kasama ni Gerald sa larawan na si Elena Kozlova isang actress-model. Ngunit wala namang dapat ipangamba ang mga fans ng dalawa dahil ang nasabing larawan ay gagamitin bilang foster sa upcoming movie nila. Pure work lamang umano ang namamagitan sa dalawa.



Lolit Solis Nag-Sorry Na Kay Bea Alonzo Ngunit May Pahaging Parin!

Walang komento

Veteran showbiz columnist at talent manager na si Lolit Solis humingi na ng sorry kay Bea Alonzo.

Matatandaang nagbigay na ng pahayag ang manager ni Bea Alonzo na si Shirley Kuan ukol sa mga pambabatikos ni Lolit Solis laban sa kanila. Kasunod nito ang pagpapalabas ni Lolit Solis na walang katotohanan ang mga sinabi ni Shirley Kuan na bully siya at bastos.

Samantala, usap-usapan ngayon ang panghihingi ng tawad ni Lolit Solis kay Bea Alonzo. Sa kabila kasi sa paghinging sorry ni Manay Lolit tila may mga pahaging pa rin ito laban kay Shirley Kuan na manager ni Bea Alonzo. Sinabi din ni Manay sa kanyang Instagram post na paborito niyang loveteam ay sina Bea Alonzo at John Lloyd Cruz. Tingin din umano niya na si Bea Alonzo ang pinakamaganda sa mundo ng showbiz.

Ayon sa post ni Manay na wala siyang galit kay Bea Alonzo. Naging sunod-sunod lamang umano ang pamababanat niya rito dahil sa mga fans ni Bea na galit sa kanya.

"Pero isang bagay na masasabi ko Salve at Gorgy, mas nalungkot ako sa pagdamay ni Shirley Kuan sa inyong dalawa. Overboard na para bang dahil malapit kayo sa akin, dapat kayong idamay ni Shirley Kuan. Nagsimula sa akin, dapat sa akin din magtapos. Aminado ako na dahil lang sa pagpatol sa mga bashing ng fans kaya naging sunod sunod ang kagagahan sinulat ko kay Bea Alonzo. For that, I Am Very Sorry. Naisip ko na ang tinamaan si Bea Alonzo na puwedeng nasaktan dahil sa mga nasabi at nasulat ko. At dahil Mahusay at Matalino ang kanyang manager na si Shirley Kuan, ipinag tanggol niya ang kanyang alaga. At pinaka magandang ginawa niya, ipa cancel ako sa presscon ng Beautiderm. At ang the height, isali sa cancellation sila Salve at Gorgy. Brilliant idea, very intelligent move from a very successful number 1 manager , Shirley Kuan. Now, the rest is history. Ako na ngayon ang bully. Ako na ngayon ang may sala. To think na favorite loveteam ko ang John Lloyd Cruz at Bea Alonzo. To think na para sa akin isa si Bea sa may pinaka magandang mukha sa showbiz. Me and my crooked sense of humor na hindi makuha ng lahat. Sa mga nakikisali sa issue, wala akong galit kay Bea Alonzo. Kung nasaktan siya, at ang mga nagmamahal sa kanya, I Am Very SORRY. Ako lang ang may kasalanan, huwag na ninyo isali sila Salve at Gorgy. At please, tigilan na ninyo ang pagiging plastic, sa buhay, dapat nasa kanan, o kaliwa ka lang. Iyon mga nasa gitna, umiiwas lang dahil mga duwag sila na ayaw madamay. Basta ako, alam ko aminin kung tama o mali ako. Hindi ako naging plastic kahit kailan. Bongga."


Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo