Herlene Budol Hinabol Ng Mga Pulis Sa Uganda! Inakalang Katapusan Na!

Biyernes, Disyembre 2, 2022

/ by Lovely


Sa isang panayam muling isiniwalat ni Herlene Budol ang ilang mga detalye sa naging karanasan nila sa Uganda nitong nakaraang Nobyembre na nauna na niyang naibahagi sa vlog ng kanyang talent manager na si Wilbert Tolentino.

Ayon kay Herlene, naranasan umano nilang habulin ng mga pulis dahil sa misunderstanding sa pagitan ng mga ito at sa may-ari ng van na isa rin sa mga hindi nabayaran ng Miss Planet International Organization.

Agad naman umanong ipinaliwanag ng may-ari ng van na hindi kasama si Herlene sa mga naka-check in sa hotel at patungo na ito sa kanyang tinutuluyan.

Isiniwalat ni Herlene na talagang natakot siya dahil dalawang pulis ang humabol sa kanya at may dala pang mahahabang baril.

"Paglabas ko, yung ibang pulis siguro hindi nasabihan hinabol ako na may baril. Dalawa po yung humabol sa akin na may hawak na mahabang baril. Sabi ko sa sarili ko, eto na ata katapusan ko... Kala ko sa pelikula ko lang mapapanood," pagkukwento ni Herlene.

Inamin din ni Herlene na hinimatay siya nang makaalis ang van sa hotel dahil sa pinaghalong takot, pagod at gutom.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo