Cindy Miranda, Gaganap Na Bilang ‘Young Imelda’ Sa MoM!

Huwebes, Disyembre 1, 2022

/ by Lovely


 Ipinahayag na ni Direk Darryl Yap sa kanyang social media post ang napipili niyang gaganap bilang Younger Imelda para sa sequel ng Maid in Malacanang movie.

Ayon kay Direk Darryl matagal siyang nag-iisip at naghahanap ng gaganap bilang Younger Imelda, iyong may angking husay, yumi at galing.

“Cindy Miranda as Young Imelda. Matapos ang halos isang buwang pagtitimbang ng mga posibilidad at kalidad; nakatagpo kami ng isang Beauty Queen na may kaparehas na yumi at husay sa pananalita, Pilipinang-pilipina, may ambisyon at di basta pasasakop kaninuman. Ang bahaging ito sa buhay ng IRON BUTTERFLY ang isa sa pinakamakulay. Kilalanin natin ng sabay sina Cindy at Meldy,” pahayag ni Direk Darryl Yap sa kanyang Facebook post nitong November 30.

Si Cindy Miranda ay isa sa mga Viva Artist na napipisil na gumanap bilang younger version ni Imelda Marcos.

Tila magsisimula na ang taping ng Martyr o Murderer ang sequel movie ng Maid in Malacanang, sa pagkakabuo ng cast nito.

Ipapalabas ang nasabing pelikula sa susunod na taon.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo