Naging matindi ngayon ang tapatan ng mga teleseryeng ipinapalabas sa magkabilang network na GMA7 at ABS-CBN. Ito ay walang iba kundi ang pagtatapat ng pinagbibidahang teleserye ng dating magkarelasyon na sina Xian Lim at Kim Chiu.
Xian Lim Nag Sorry Na Kay Kim Chiu
Walang komentoLunes, Enero 22, 2024
Naging matindi ngayon ang tapatan ng mga teleseryeng ipinapalabas sa magkabilang network na GMA7 at ABS-CBN. Ito ay walang iba kundi ang pagtatapat ng pinagbibidahang teleserye ng dating magkarelasyon na sina Xian Lim at Kim Chiu.
Dominic Roque Nagsalita Kung Bakit Hindi Invited Si Daniel Padilla Sa Wedding Nila Ni Bea Alonzo
Walang komentoNagbigay na ng pahayag ang aktor na si Dominique Roque patungkol sa estado ng pagkakaibigan nila ni Daniel Padilla at patungkol sa dahilan kung bakit hindi imbitado ang aktor sa kanilang kasal ni Bea Alonzo.
Sa wakas ay magaganap na ngayong taon ang inaabangang kasal nina Dominic Roque at Bea Alonzo. Inaasahang magiging star-studded ang kasalan nilang dalawa dahil pareho silang nagmula sa mundo ng showbiz.
Bagama't hindi pa naman nilalabas ang guest list sa kung sino ang mga imbitado sa kasal ng dalawa, naglabasan naman ang mga haka-hakang hindi imbitado sa kasal ang kontrobersyal aktor na si Daniel Padilla na naging kaibigan noon ni Dominic Roque.
Kinumpirma naman ito mismo ni Dominic Roque kung saan ipinahayag niyang tanging si Kathryn Bernardo lamang ang imbitado sa kanilang kasal ni Bea Alonzo.
Trending ngayon sa ilang mga social media platform ang panayam kay Dominic Roque kung saan naitanong sa kanya kung imbitado ba ang KathNiel sa kanilang kasal ni Bea Alonzo. Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na naging malapit sila nang magkasama sila noon sa 'Nguya Squad'.
Dito, inamin ni Dominic na tanging si Kathryn Bernardo lamang ang imbitado at hindi si Daniel Padilla dahil matagal na umano silang hindi nagkakausap mula pa noong 2020.
Isiniwalat din ni Dominic na hanggang ngayon ay hindi pa rin sila nagkakaayos ni Daniel Padilla hindi na sila nagkakausap at hindi na rin umano sila nagkikita pa.
Hindi naman na idenitalye pa ni Dominic Roque ang dahilan ng kanilang hindi pag-uusap ni Daniel Padilla na dati namang malapit sa kanya.
Gayunpaman, hindi pa rin maitatago sa mapanuring netizens na ang naging dahilan ng pagkakasira ng kanilang pagkakaibigan ay dahil sa panggo-ghost umano ni Dominic sa kapatid ni Daniel Padilla na si Maddy Ford.
May naglabasan ring speculation na siniraan ni Daniel Padilla si Dominic Roque kay Bea Alonzo na labis na ikinagalit ni Dominic Roque.
@pepalerts Dominic Roque on wedding preprations with Bea Alonzo; admits to inviting Kathryn Bernardo but not Daniel Padilla #PEPNews #NewsPH #EntertainmentNewsPH ♬ original sound - PEP.ph
Annabelle Rama, Ibinunyag Ang Isang Pang Dahilan Ng Hiwalayan Ni Richard at Sarah Lahbati
Walang komentoMarami sa mga fans nina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati ang nalulungkot sa paghihiwalay nilang dalawa matapos ang mahigit dekada nilang pagmamahalan.
Sa kamakailang panayam kay Annabelle Rama, tila may panibagong rebelasyon na naman ito patungkol sa mga dahilan kung bakit nagtapos ang pagsasama ng dalawa.
Nitong January 21, 2024, minarkahan ng kambal na anak ni Annabelle Rama na sina Raymond at Richard Gutierrez ang panibagong yugto ng kanilang buhay ang pagtungtong sa edad na 40.
Dahil dito naitanong ng isang entertainment news writer kay Annabelle Rama kung ano ang kanyang mahihiling para sa kanyang anak na si Richard Gutierrez na kamakailan lamang nahiwalay sa kanyang asawa na si Sarah Lahbati.
Ayon kay Annabelle Rama, ang birthday wish niya para kay Richard Gutierrez na sana ay magkaroon ito ng malusog na pangangatawan, malayo sa anumang digrasya. Hiniling din ni Annabelle Rama na sana makatagpo si Richard Gutierrez ng babaeng hindi na tumitingin sa iba.
Sana ay makahanap na umano si Richard Gutierrez ng lifetime partner na mangangalaga sa kanya sa lahat-lahat katulad na lamang ng ginawa niya sa ama nito na si Eddie Gutierrez.
Hiling rin ni Annabelle Rama na magtuloy-tuloy na ang magandang showbiz career ni Richard Gutierrez at sana'y mabigyan pa ito ng magagandang projects ng ABS-CBN.
Umani naman ito ng positibong komento mula sa mga netizens na labis na humahanga sa uri ng pagmamahal ni Annabelle Rama sa kanyang mga anak na ipinapakita niya sa pagtatanggol sa mga ito laban sa mga intriga.
Subalit, marami rin ang napapataas ang kilay dahil tila pasimple nanamang pinatamaan ni Annabelle Rama ang estraged wife ni Richard Gutierrez na si Sarah Lahbati.
Tila sa nasabing birthday wish ni Annabelle Rama para kay Richard Gutierrez ay tila ipinahayag na rin umano niya at isiniwalat ang mga pagkukulang ni Sarah Lahbati bilang lifetime partner ni Richard Gutierrez.
Kris Aquino Nag-Iiyak Ng Makita Ang Resulta Ng Blood Panel Test, Kris May Bago Namang Sakit
Walang komentoMatapos ang ilang buwang pananahimik ng aktres na si Kris Aquino sa kanyang Instagram account, ikinatuwa ngayon ng kanyang mga tagahanga ang pagbibigay nito ng update ngayon patungkol sa kanyang kalusugan.
Batay sa mga larawan na ipinahagi ni Kris Aquino sa kanyang post, marami ang nakapansin na muli na namang pumayat si Kris Aquino. Makikita rin sa kanyang ibinahaging update ang pagdalaw sa kanya nina Bela Padilla at Kim Chiu.
Makikita rin sa nasabing post ni Kris Aquino si Mark Leviste na ilang beses na niyang hiniwalayan. Ibinahagi rin ni Kris Aquino ang kanyang nararamdaman at ang kanyang pinagdaanang sakit mula sa kanyang mga karamdaman at sa kanyang treatment.
Inamin ni Kris Aquino na nitong nagdaang thanksgiving season, ay nawalan siya ng ganang kumain at labis umano siyang nanghihina.
naging daily basis na rin umano ang kanyang headaches. Hindi rin umano siya naapektuhan sa cold weather doon sa America.
Sa katunayan, ang kanyang waist down to skin would feel warm to the touch. Minsan pa ay nababasa umano siya ng pawis.
Nakakaranas rin umano siya ng dizzy spells at ang kanyang BP ay labis na bumababa. Kinukunan rin umano siya ng dugo at ang panghuli ay para sa kanyang thorough autoimmune blood panel, na makukuha niya ang resulta matapos ang dalawang linggo.
Inamin rin ni Kris Aquino na una nagdalawang isip siyang i-post ang kanyang mga larawan dahil sa muling pagpayat. Pinayuhan na rin umano siya ng kanyang doctor na kumain ng real food with high iron content para maiwasan niyang magkaroon ng heart complications.
Dahil dito, pinilit umano ni Kris Aquino na kumain muli subalit, hindi umano ito naging madali dahil mula noong new year tanging 3 lbs. lamang ang nadagdag sa kanyang timbang.
Inamin rin ni Kris Aquino na umiyak siya ng lumabas ang kanyang blood panel results.
Pagbabahagi ni Kris Aquino, "My Churg Strauss/ EGPA is still being treated, but to add to it my crest syndrome is now in full active mode."
Ipinahayag rin ni Kris Aquino na nakakaramdam na rin siya ngayon ng mga sintomas ng panibagong autoimmune connective tissue disease na tinatawag na Lupus.
Ilan sa mga sintomas na nakikita sa kanya ay ang kanyang ANA count, mataas na inflammatory numbers, anemia, constant elevated blood pressure at night at ang consistent appearance of the 'butterfly rash' sa kanyang mukha.
Sa kabila ng kanyang mga pinagdadaanan ngayon hindi pa rin nawawalan ng pag-asa si Kris Aquino at patuloy pa rin niyang nilalabanan ang kanyang nararamdamang sakit para sa mga nagmamahal sa kanya lalong-lalo na ang kanyang dalawang anak.
Hiling rin ni Kris Aquino na sana ay patuloy pa rin siyang ipagdasal ng kanyang mga tagahanga na malampasan na niya ang pagsubok sa kanyang buhay.
Kim Chiu Agad Na Sumabak Sa Taping Matapos Maospital
Walang komentoTila hindi pinansin ni Kim Chiu ang kanyang sakit dahil matapos ang kanyang pagkakaospital ay kaagad naman itong sumabak sa taping sa Philippine adaptation ng What's Wrong With Secretary Kim.
Marami ang nagulat sa ibinahaging larawan ng personal assistant ni Kim Chiu na kuha mula sa taping ng aktres sa What's Wrong With Secretary Kim. Marami ang nag-aalalang mga tagahanga ng aktres dahil kamakailan lamang ay isinugod rin sa hospital si Kim Chiu dahil sa pagod nito sa trabaho.
Bukod sa taping sa What's Wrong With Secretary Kim, pumapasok rin si Kim Chiu sa It's Showtime bilang host kahit pa katatapos pa lamang niyang magpagaling mula sa pagkapositibo nito sa Covid-19.
Samantala, marami naman sa mga tagahanga ng aktres ang nag-aalala sa kalusugan ngayon ni Kim Chiu dahil nagkakasunod-sunod na ang pagkakasakit nito. Marami ang nag-aalala dahil tila napapabayaan naman umano ngayon ng aktres ang kanyang sariling kalusugan dahil sa pagiging abala sa trabaho.
Hiling nila na sana ay huwag namang pabayaan ni Kim Chiu ang kanyang sarili dahil ang pinakamagandang kayamanan ay ang malusog na pangangatawan.
Narito ang ilang komento ng mga netizens bilang mensahe sa aktres na si Kim Chiu.
"LOVE YOU KIMMY "" TAKE CAREOF YOURSELF""PRAY AND WISH STRONG, SAFE AND GOODHEALTH"" RELAX RELAX PAG MAY TIME"SUPER EXCITED TO WATCH ""LINLANG"",CONGRATS TO ALL THE CAST""JAN.22, 8:45PM AFTER BATANG QUIAPO": CONGRATS KIMPAU""GOOD LUCK TO ALL THE CAST "" GOD BLESS"""
"Relax Kim don't push yourself too much remember Health is Wealth"
Cristy Fermin, Ibinulgar Ang Baho Ng Karla Estrada, ₱20 Million Na Utang Kay Kath Hindi Pa Bayad!
Walang komentoMatapos makumpirma na ang ibinibentang bahay sa Quezon City ay pagmamay-ari nina Karla Estrada at Daniel Padilla, pinag-uusapan naman ngayon ng mga marites online kung ano ang dahilan ng pagbibenta nila sa nasabing property.
Sa isang episode ng programa ng veteran showbiz columnist na si Manay Cristy Fermin, isiniwalat niya ang nakarating sa kanyang dahilan kung bakit binibenta na nina Karla Estrada at Daniel Padilla ang kanilang mansion kasunod ng pagbebenta ng aktor sa kauna-unahang sportscar.
Ayon kay Cristy Fermin, ang totoong dahilan sa pagbibenta ni Karla Estrada sa kanilang mansion ay ang pagkakaroon umano nito ng utang sa dating nobya ng kanyang anak. Ang mas nakakagulat pa dahil ang umano'y utang ni Karla Estrada kay Kathryn Bernardo ay umaabot umano sa 20 million pesos.
Ang mas matindi pa ay wala umanong alam ang ina ni Kathryn na si Min Bernardo na inuutangan na pala ang kanyang anak ng pera ni Karla Estrada.
Marami sa mga fans ni Kathryn Bernardo ang nagulat nang isiwalat ni Manay Cristy Fermin ang totoong dahilan ng pagbebenta ni Karla Estrada sa kanilang 50 square meter mansion na matatagpuan sa Commonwealth Quezon, City.
Sa programang Cristy Ferminute ipinahayag ni Cristy Fermin na malaki umano ang pagkakautang ni Karla Estrada kay Kathryn Bernardo umabot umano ito sa 20 million pesos.
Hindi naman umano isang beses lamang na humiram si Karla Estrada kay Kathryn Bernardo kaya tila hindi na umano namalayan ng aktres na napakalaki na pala ang nauutang nito. Bukod pa rito, tumagal rin ng ilang taon bago pa man malaman ng pamilya ni Kathryn Bernardo ang pagkakautang ni Karla Estrada.
Ngayong naghiwalay na sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo, naniningil na umano ang pamilya ng aktres kay Karla Estrada sa lahat ng pagkakautang nito.
Marami naman sa mga netizens ang hindi naniniwala noong una sa nasabing isyu dahil kilala namang may pera sina Karla Estrada, subalit nang maibalita na rin ito sa ilang mga entertainment news sites, marami ang napapaisip sa posibilidad na umuutang si Karla kay Kathryn Bernardo.
Sarah Lahbati Nagsalita Na Sa Pagigig Waldasera
Walang komentoNagbigay na ng pahayag ang aktres na si Sarah Lahbati patungkol sa totoong estado ng kanilang relasyon ngayon ng asawang si Richard Gutierrez.
Ilang buwan na rin naging laman ng mga usap-usapan sa ilang mga social media platforms ang mag-asawang Richard Gutierrez at Sarah Lahbati dahil sa biglaan nilang paghihiwalay. Sunod-sunod na ring naglabasan ang mga isyu patungkol sa naging dahilan ng kanilang paghihiwalay.
Lumabas ang mga haka-hakang naghiwalay na sina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati nitong huling bahagi ng 2023, matapos mapansin ng mga netizens na hindi na nagpopost sa kani-kanilang mga social media accounts sina Sarah at Richard na mgakasama.
Bukod pa rito, napansin rin ng mga netizens na wala si Sarah Lahbati sa pagdidiriwang ng kaarawan ni Annabelle Rama at wala rin si Richard nang mag-celebrate ng birthday ang ama ni Sarah Lahbati.
Samantala, marami naman ang naghinala na ang isa sa dahilan sa paghihiwalay nina Sarah Lahbati at Richard Gutierrez ay walang iba kundi ang ina rin ng aktor na si Annabelle Rama dahil sa umano'y pakikialam nito sa dalawa.
Nag-ugat naman ang isyung ito nang maglabas ng pahayag si Annabelle Rama na lalong nakapagpatibay sa hinala ng mga netizens na hiwalay na ang mag-asawa. Ipinahayag rin ni Annabelle sa nasabing panayam ang pagiging waldas ni Sarah Lahbati sa pera para sa hindi mahahalagang bagay habang abala naman si Richard Gutierrez sa pagtatrabaho.
Tila nagkasagutan rin ang mga magulang nina Sarah Lahbati at Richard Gutierrez sa social media at nagbatuhan ng mga isyu sa kung sino ang totoong dahilan ng paghihiwalay ng dalawa.
Samantala sa isang panayam kay Sarah Lahbati para sa kanyang Cosmopolitan Magazine cover, ipinahayag ng actress na maayos naman ang kanilang co-parenting set up ni Richard Gutierrez. Masaya rin naman umano siya. Wala rin siyang ibang masabi kundi ang pagiging grateful sa mga blessings na natatanggap niya ngayon.
Mula nang pumutok ang balitang naghiwalay na sina Sarah Lahbati at Richard Gutierrez ay nakapokus na lamang ang aktres sa kanyang mga anak at sa kanyang mga magulang.
Makikita rin sa mga ibinahaging update ni Sarah Lahbati ang mga bagay na ginawa niya para sa kanyang sarili mula nang maghiwalay na sila ni Richard Gutierrez, kabilang na ang pagpapaikli sa kanyang pagpapatattoo at pag-eenroll sa isang dancing lesson kasama si Kyline Alcantara.
Kamakailan lamang rin ay ibinahagi ni Sarah Lahbati ang paglipat niya sa panibagong bahay para makapagsimula ulit.
Iginiit din ni Sarah Lahbati na hindi niya kailangang magpaliwanag patungkol sa perang ginagasta niya dahil mula naman umano ito sa kanyang sariling bulsa at bunga ng kanyang mga pinaghirapan.
Birthday Day Wish Ni Annabelle Kay Richard, Patama Naman Kay Sarah Lahbati
Walang komentoIpinagdiriwang nina Richard Gutierrez at Raymond Gutierrez ang kanilang ika-40 na kaarawan nitong January 21, 2024.
Sa isang panayam kay Annabelle Rama ng isang entertainment news writer, inilahad ng kilalang talent manager ang kanyang birthday wish para kay Richard Gutierrez na naging laman ng usap-usapan sa social media nitong mga nagdaang buwan dahil sa balitang paghihiwalay nila ng asawang si Sarah Lahbati.
gusto niyang maging ligtas palagi si Richard sa lahat ng mga kapahamakan at maging malusog palagi.
Bukod pa rito, gusto niyang magkaroon ng lifetime partner si Richard Gutierrez na mamahalin siya at makuntento sa kanya at hindi na maghahanap pa ng iba.
Ipinagdadarasal din ni Annabelle Rama kay Sto. Nino na magtuloy-tuloy ang magandang career ni Richard Gutierrez, na mabigyan ito palagi ng mga good projects ng ABS-CBN.
Samantala, may ilang mga netizens naman na nag-iisip na tila patama na naman ito ni Annabelle Rama sa napapabalitang estranged wife ni Richard Gutierrez na si Sarah Lahbati.
Bagama't hindi pa inamin nina Sarah Lahbati at Richard Gutierrez ang kanilang paghihiwalay tila positibo na ito matapos ang palitan ng mga pasaring nina Sarah Lahbati at Annabelle Rama.
Bukod pa rito, tinanggal na rin ni Sarah Lahbati sa kanyang Instagram account ang apilyedo ni Richard na Gutierrez.
Anne Curtis, Posibleng Mawalan Ng Kontrata Dahil Kay Vice Ganda
Walang komentoUsap-usapan ngayon sa social media ang posibilidad umano na mawawalan ng malaking kontrata si Anne Curtis mula sa kilalang fast food chain dahil sa ginawa ni Vice Ganda.
Viral ngayon sa social media ang magkaibigang Vice Ganda at Anne Curtis dahil sa hindi inaasahang pangyayari sa It's Showtime na maari umanong maging dahilan para mawalan ng endorsement contract si Anne Curtis sa Jollibee.
Hindi naman lingid sa kaalaman na sina Vice Ganda at Anne Curtis ay mga endorsers ng mga kilalang fast food chain sa bansa na itinuturing magkatapat ang Jollibee at McDonalds.
Samantala, sa isang episode ng It's Showtime tila sumobra naman ang pagbibiruan nina Vice Ganda at Anne Curtis, tila hindi na nila naisip ang maaring kahihinatnan ng kanilang pagbibiruan.
Sa segment na Expecially For You, nahikayat ni Vice Ganda si Anne Curtis na sabihin ang tag line ng McDonalds na kilalang katapat ng brand na iniendorso ng aktres.
Kaagad namang nahimasmasan si Anne Curtis sa kanyang nasabi on national TV kaya naman humingi siya ng paumanhin at iginiit na hindi niya sinasadya ang lahat, nagka-lapse of judgement lamang umano siya.
Umani naman ito ng samut -saring reaksyon at komento mula samga netizens, marami ang bumabatikos kay Vice Ganda dahil sa pagiging pabaya umano nito na naging dahilan ng pagkakalagay sa alanganin kay Anne Curtis.
Hindi naman itinanggi ni Vice Ganda ang kanyang pagkakamali at inamin ito sa publiko. Humingi rin siya ng pasensya kay Anne Curtis at sa brand na iniendorso nito.
Inamin rin ni Vice Ganda na minsan ay hindi na umano niya pinag-iisipan pa ang kanyang mga biro, ang iniisip na lamang umano niya ang pagbibigay ng saya sa madlang pipol.
Bira na lamang umano siya ng bira kaya minsan ay sumasablay na siya. Subalit, ganoon naman talaga umano sa buhay o sa comedy man talagang hit and miss.
Nagbigay naman ng pahayag si Anne Curtis para sa kanyang mga fans kung saan sinabihan niya ang mga ito na itigil na ang pambabatikos kay Vice Ganda. Ipinahayag rin ni Anne Curtis na may pagkakamali rin siya. Bagama't hindi na umano nila maibabalik ang nangyari niya maari naman umano silang maging mas maingat na sa susunod.
@lakangpake__ Kawawa naman si Anne 😔😔😔#trending #viraltiktok #fypã‚·゚viral #fypã‚· #fyp #itsshowtime #annecurtis #viceganda ♬ original sound - bardagulansinger - LAkangPAKE
Rewind- Highest-Grossing Local Film, Is It the Most Successful?
Walang komentoBiyernes, Enero 19, 2024
Ang pelikula ng Star Cinema na pinamagatang 'Rewind' na pinagbibidahan ng mag-asawang sina Marian Rivera at Dingdong Dantes ay opisyal nang naging highest grossing film sa Philippine local cinemas.
Ayon sa mga naglabasang report umabot na sa 570 million ang gross receipts ng nasabing pelikula sa Philippine local cinema, samantalang pumapangalawa naman ito worldwide, dahil nakakuha na ito ng 850 million gross income.
Kasunod ito sa Hello, Love, Goodbye na kasalukuyan pa ring nangunguna sa lahat ng mga Filipino films na ipinalabas worldwide.
Samantala, ang top 3 highest grossing film ng Pilipinas ay parehong produce ng Star Cinema. Ito ay ang Rewind, Hello Love Goodbye at ang The How's Of Us.
Nangunguna locally ang Rewind na nakakuha ng 750 million pesos, pumapangalawa naman ang The How's of Us na nakakuha naman ng 700 million pesos at ang Hello Love Goodbye na nakakuha naman ng 695 million pesos.
Sa worldwide cinema naman ay nangunguna ang Hello Love Goodbye na kumita ng 880 million pesos, sinundan naman ng Rewind na nakuha na ngayon ng 850 million pesos at ang pangatlo The How's of Us na nakakuha ng 845 million pesos.
Sa kabilang banda, marami naman sa mga fans nina Marian Rivera at Dingdong Dantes ang natutuwa dahil nagkasama muli sila sa iisang pelikula makalipas ang maraming tao.
Masaya rin ang mga netizens sa nakukuhang tagumpay ng Rewind nina Dingdong Dantes at Marian Rivera sa kabila ng mga pinagdaanan nitong kontrobersiya kabilang na ang pagiging copycat nito sa isang American film na ipinalabas noong 2004.
Bukod pa rito, hindi rin nakakuha ng kahit isang award ang nasabing pelikula sa nagdaang gabi ng parangal para sa MMFF 2023.
Samantala, may mga fans naman ang nagsasabi na kaya naunahan ng Rewind ang matagal ring top grossing film ng Pilipinas na Hello Love Goodbye dahil nagbago na ang presyo ng tickets mula noon.
May mga nagsasabi pa mas reliable kung ang bilang ng mga naibentang tickets ang pagbabasehan sa kung ano ang pelikula na mas tinangkilik ng mga manonood.
Xian Lim May Panawagan Sa Netizens at sa GMA Network
Walang komentoIsa sa mga pinapangarap ng Kapuso aktor na si Xian Lim, ang mabigyan ng GMA Network ng isang teleserye na siya mismo ang magdi-direk. Inamin ito mismo ni Xian Lim sa press conference ng teleseryeng Love. Die. Repeat. na pinagbibidahan nila ni Jennylyn Bernardo.
Natatawa pang nanawagan si Xian Lim sa pamunuan ng GMA network ng mapag-usapan nila ang patungkol sa film making oppurtunity sakaling mapagbigyan ng network.
Ipinahayag din ni Xian Lim kung gaano umano siya ka grateful sa GMA sa pagbibigay sa kanyang ng oppurtunity at sa pag-ooffer ng mga ito sa kanya sa teleseryeng Love. Die. Repeat.
Kasunod nito, inilahad na ni Xian Lim na nais niyang maging direktor sa isang teleserye dahil ito umano ang makakapagpasaya sa kanya. Inalala pa niya ang isang episode ng Wish Ko Lang noong 2022 kung saan siya umano ang nag-direk nito.
Panawagan ni Xian Lim, "Sana po may mga projects where I can do directing because it is what fuels my soul. Talagang masayang-masaya ako when I direct."
Bukod pa rito, isiniwalat pa ni Xian Lim na gusto niyang bumida sa mga dark genres dahil hindi pa umano niya ito nagagawa.
Samantala, marami naman sa mga netizens ang napapataas ang kilay sa isiniwalat ni Xian Lim.
Marami ang nayayabangan sa aktor dahil hindi naman umano ito kasikatan subalit kung makapagdemand ito ay ganoon na lamang. May mga tumatawag pa sa aktor bilang isang ambisyuso gayung maari umanong mag-flop ang teleserye nito dahil sa pambabatikos na natatanggap mula ng maghiwalay sila ni Kim Chiu.
"Sa PG ka director Wala ka pa binatbat baka flop kahit ano Gawin walang mangyyari.ani Coco Martin Wala k sa kalingkingan ni Coco"
Kampo Ni Ian Veneracion, Nagsalita Na Tungkol Sa Isyu Sa Talent Fee Ng Aktor
Walang komentoNaglabas na ng pahayag ang kampo ni Ian Veneracion, hinggil sa isyu ng napakalaking talent fee na hinihingi ng aktor para sa isang public appearance kung saan kakaway-kaway lamang umano ito.
Nagsimula ang isyu sa isang social media post ng writer-director na si Ronaldo Carballo kung saan isiniwalat nito ang hinihinging talent fee ni Ian Veneracion na nasa kalahating million sa dalawang oras niyang public appearance. Bukod pa rito, magpapabayad pa ang aktor ng karagdagang talent fee kapag lalagpas sa dalawang oras ang kanyang appearance, nais rin nito na may sarili siyang float dahil ayaw nitong makatabi ang kung sino-sinong tao.
Dahil sa pagkalat ng kontrobersiyang ito, kung saan umaani ng mga negatibong reaksyon mula sa mga netizens at maging mula sa ilang mga kolumnista, naglabas na ng pahayag ang kampo ni Ian Veneracion.
Sa isang pahayag, iginiit ng management team ng aktor na si Ian Veneracion na malisyuso ang viral post ni Ronaldo Carballo. Isa umano itong pagtatangka upang ipahiya ang aktor sa publiko.
Sa ngayon ay pinag-aaralan na umano ng management ni Ian Veneracion kung ano ang kanilang legal actions laban sa ginawa ni Ronaldo Carballo. Nabanggit din ng management ng aktor ang patungkol sa strict policy of confidentiality and transparency na kailangan umanong sundin sa tuwing may mga business negotiations.
Nilabag umano ito ni Ronaldo Carballo nang isiwalat nito ang patungkol sa panghihingi umano ng aktor ng malaking talent fee para sa isang pubic appearrance sa Tarlac Festival.
Iginiit din nila na maraming mali sa ibinahaging post ni Ronaldo Carballo dahil ang reported budget na sinabi niya sa post ay hindi katulad ng mga napag-usapan nila ng kliyente.
Ibinunyag rin nila na ilang beses na silang nagtangka na makipag-ugnayan kay Ronaldo Carballo upang maiwasto ang ginawang post nito subalit hindi umano nila ito ma-reach o tila iniiwasan sila.
Ito umano ang dahilan kaya naghahanda na umano ang legal council ng aktor ng kaukulang reklamo sa mga nilabag ng writer-director.
Balik Friendship Na Ulit Sila Ni Kathryn, Magbabalik Ang Nguya Squad
Walang komentoUsap-usapan ngayon sa ilang mga social media platforms ang balitang nagbabalik na ang dating friendship nina Kathryn Bernardo at Dominique Roque mula ng hiwalayan na ng aktres ang kanyang dating boyfriend na si Daniel Padilla.
Sa ngayon ay malaya na umano muli ang 'Nguya Squad' na makipag-bonding kay Kathryn Bernardo, wala na umanong ilangan sa pagitan ng mga ito dahil wala na si Daniel Padilla sa kanilang grupo.
Ayon naman sa ilang mga netizens, na mas mabuti na umano ang grupo ngayon dahil wala nang cheater at mapagpanggap na katulad ni Daniel Padilla. May mga netizens pa na sinisisi si Daniel Padilla sa pagkakasira ng 'Nguya Squad' dahil maayos naman umano ang samahan nila noon at nasira lamang ng mapasama sa kanila ang aktor.
Hiniling din ng ilang mga netizens na sana ay magbonding naman ngayon ang mga original Nguya Squad subalit huwag na nilang isama pa si Daniel Padilla. May nagsasabi na talagang hindi nababagay si Daniel Padilla sa nasabing grupo dahil mga loyal ang mga ito sa kanilang partners pero si Daniel ay mapagbalat kayo lamang pala.
Kinumpara pa ng ilang mga netizens si Daniel Padilla sa iba pang myembro ng 'Nguya Squad' katulad na lamang sa nina Dominique Roque at Marco Gumabao na makikita naman kung paanong alagaan ng mga ito ang kani-kanilang mga girlfriends.
Buhay Ni Kathryn at Daniel Padilla Ibang-Iba Na Matapos Ang Breakup, Career Ni Daniel Naapektuhan?
Walang komentoMatapos ang pag-amin nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla sa kanilang paghihiwalay matapos ang 11 years nilang pagiging magkarelasyon, pinagkumpara ng mga netizens ang mga buhay nilang dalawa ngayon.
Kung gaano umano karami ang natatanggap na blessings ngayon ng aktres, sunod-sunod ang mga natatanggap nitong project offers at mga parangal ngayon ay tila kabaliktaran naman ito sa nangyayari kay Daniel Padilla.
Bagama't may nakalinya na ring proyekto ngayon ang aktor na nakatakda niyang gagawin ngayong taon, tila bumaba naman ang kumpyansa at suporta ng mga fans sa kanya.
Matatandaan lamang rin na kamakailan lamang ay ibinenta ni Daniel Padilla ang kanyang kauna-unahang sportscar na nabili nilang dalawa ni Kathryn Bernardo, bukod pa rito, binibenta na rin nina Daniel Padilla at Karla Estrada ang kauna-unahang bahay na naipatayo nila sa Quezon City.
May mga netizens naman na naghinala na baka ay may financial problem na kinakaharap ngayon ang pamilya ni Daniel Padilla. Subalit, may mga nagsasabi naman na baka nais lamang ng aktor na makapagsimula ng bagong buhay ngayong hindi na sila magkarelasyon ni Kathryn Bernardo.
Hindi rin naman masisisi ang aktor kung bibitawan niya ang mga bagay na maaring makapagpaalala sa kanya kay Kathryn Bernardo para sa kanyang pagmo-move on.
Samantala, patuloy pa rin na nakakatanggap ng pambabatikos ang aktor na si Daniel Padilla mula sa mga netizens dahil sa mga naglabasang chika na matagal na niyang niloloko si Kathryn Bernardo.
Naapektuhan na rin ang career ni Daniel Padilla ngayon dahil sa isyung iniiwasan na siya ng mga endorsements dahil natatakot ang mga ito na i-boycott ng mga bashers ng aktor.
Sa kabilang banda, tila naging maayos naman ngayon ang buhay ni Kathryn Bernardo at tila nakalipat na rin ang kanilang pamilya sa ipinapatayo nilang dream house, bukod pa rito, nakakatanggap umano ang aktres ngayon ng kaliwa't-kanang offers dala ng hiwalayan nila ni Daniel Padilla dahil siya ang nakakuha sa simpatya ng mga netizens.
Buong Detalye Ng Katotohanan Sa 500K Talent Fee Controversy Ni Ian Veneracion
Walang komentoMainit na pinag-uusapan ngayon sa social media ang batikang aktor na si Ian Veneracion dahil sa napakamahal at hindi makatarungan niyang talent fee para lamang sa iilang oras ng kanyang public appearance.
Nag-ugat ang lahat ng isyu sa isang Facebook post ng Director at Writer na si Ronaldo Carballo, kung saan ibinulgar niya kung magkano ang hinihinging talent fee ni Ian Veneracion sa dalawang oras na public appearance.
Pagdedetaye pa ni Ronaldo, naimbitahan umano si Ian Veneracion para sa isang event sa Tarlac Festival kung saan ang tanging gagawin lamang nito ay sumakay sa float at kumaway sa mga tao. Subalit, ikinagulat umano ng kakilala niyang talent coordinator ang idenimand na talent fee ng road manager ni Ian Veneracion.
Nagdemand umano ang aktor ng 500 000 pesos na talent fee para lamang sa dalawang oras ng parade at kung sakaling lalagpas sa dalawang oras ang parada ay kailangang magbayad na umano ng extra talent fee na 100 000 pesos kada oras.
Bukod pa rito, may mga kondisyon pa si Ian Veneracion bago sumampa sa float. Dapat umano ay siya lamang ang nasa iisang float at wala siyang makakasamang kung sino-sino. Kung may ibang artista ay dapat may sariling float ang mga ito.
Dapat rin umanong naka-fully paid na ang kanyang talent fee bago siya sasampa sa float at upon contract signing dapat ay nabayaran na ng producers si Ian Veneracion ng 50% sa kanyang hinihinging talent fee.
Ipinunto naman ni Ronaldo Carballo na wala namang problema sa Tarlac Festival organization ang hinihinging 500 000 pesos talent fee ni Ian Veneracion kahit pa napakamahal na nito ang hindi umano nagustuhan ng mga organizers ay ang kondisyun ni Ian Veneracion na kapag lumampas sa dalawang oras ang parada ay magdadagdag pa ng bayad na 100 000 pesos kada oras.
Natatakot umano ang mga organizers na bigla na lamang bumaba si Ian Veneracion sa float at iwan ang parada sakaling hindi pa ito matapos ng dalawang oras.lalo na't hindi naman nila kontrolado ang mga bagay na maaring makakapag-antala sa parade, napakamahal na rin umano ng hinihingi nitong 100 000 per hour talent fee na pandagdag sa 500 000.
Samantala, nang ipaalam umano ng talent coordinator sa road manager ang desisyon ng pamunuan ng Tarlac Festival na hindi na lamang nila kukunin si Ian Veneracion para sa nasabing event ay bigla na lamang umano pumyag si Ian Veneracion na tatapusin niya ang parade kahit ilang oras sa 500 000 talent fee.
Gayunpaman, tila huli na ang lahat dahil kinukontak na umano ng mga organizers si Piolo Pascual bilang pamalit kay Ian Veneracion.
Samantala, iginiit naman ni Ronaldo Carballo na OA na umano ang hinihinging talent fee ni Ian Veneracion para lamang sa isang public appearance lalo pa't wala naman umano siyang gagawin masyado.
Una pa umano niyang naisip na baka ay ang road manager lamang ni Ian Veneracion ang nagdemand ng malaking talent fee subalit, iginiit umano sa kanya ng talent coordinator na mismong kay Ian Veneracion mismo nanggaling ang nasabing kondisyon. Ibinunyag pa umano nito na talagang makwenta itong si Ian Veneracion sa oras.
Umani naman ng samu't-saring komento mula sa mga netizens ang nasabing post ni Ronaldo Carballo. Maging ang showbiz insider na si Ogie Diaz ay nagsasabi na karapatan naman umano ni Ian Veneracion na magdemand sa kung magkano ang kanyang woth. Bukod pa rito hindi naman umano basta-bastang artista si Ian Veneracion.
Matapos Ang 7 Years Na Pagsasama,Loisa Andalio Nakipaghiwalay Na Kay Ronnie Alonte!
Walang komentoMay panibagong hiwalayan isyu na naman ang pinag-uusapan ngayon sa social media, ito ay walang iba kundi ang napapabalitang hiwalayan nina Loisa Andalio at Ronnie Alonte matapos ang 7 years nilang pagsasama.
Napapanood ngayon ang real life celebrity couple na sina Loisa Andalio at Ronnie Alonte sa hit Kapamilya teleserye na Pira-pirasong Paraiso na malapit na ring magtapos.
Puring-puri naman ng mga manonood at ng mga fans ang kanilang pag-arte dahil makikita umano kung paano silang naggrow sa nasabing programa.
Samantala, sa naganap na media conference ng Pira-Pirasong Paraiso noong January 17, 2024, naitanong sa dalawa kung ano ang susunod nilang projects na gagawin sa ABS-CBN.
Agad naman itong sinagot ni Loisa Andalio na sa ngayon nais niyang magkaroon sila ng kanya-kanyang projects ni Ronnie Alonte upang makapag-grow sila ng hindi magkasama. Gusto umano ni Loisa na mag-grow si Ronnie Alonte as an actor, at mag grow siya as an actress ng hindi sila love team.
Sinang-ayunan naman ito ni Ronnie Alonte at hiniling pa na sana ay ang ibigay sa kanyang roles ay iyong mas challenging at buwis buhay na mga roles.
Kung mabibigyan umano ng pagkakataon nais nina Ronnie Alonte at Loisa Andalio na makapag-explore ng roles sa kani-kanilang mga trabaho, kaya naman ayos lamang umano sa kanila sakaling mabigyan sila ng projects ng ABS-CBN nang hindi sila ang magkapartner.
Open rin umano si Ronnie Alonte sa mga BL love story sakaling mabigyan siya ng pagkakataon ngayong 2024.
Hiling naman nila para sa taong 2024 ay sana mabigyan sila ng maraming projects kahit hindi umano silang dalawa ang magkaloveteam.
Mga Pulis, Naniniwalang Puma-naw Na Si Catherine Camilon
Walang komentoHanggang ngayon ay wala pa ring final report kung nasaan ang dating Miss Grand Philippines 2023 contestant na si Catherine Camilon subalit ayon sa ilang mga netizens ay maaring pumanaw na umano ang dalaga dahil ilang buwan na rin itong nawawala.
Maging ang ilang mga pulis na nag-iimbistiga sa nasabing kaso ni Catherine Cammilon ay malakas na rin ang kutob na wala nang buhay ngayon ang beauty queen.
Ayon kay CIDG Deputy Major Nelo Morales sa isang press conference, "We are hoping for the best, but we are expecting the worse. Hindi po namin masabi kung wala na po talaga, pero base po sa account ng witnesses namin it appears na'yun na nga po, na patay na po."
Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na ang CIDG ang primary investigation badge ng Philippine National Police.
Matatandaan na noong November 8, 2023 lumutang ang dalawang witnesses kung saan sinasabi nilang nakita nila si Catherine Camilon na nililipat ng tatlong kalalakihan sa isang pulang CRV.
Napatunayan naman ang impormasyong ito na isiniwalat ng mga witness nang ma-recover ng mga pulis ang isang abandonadong sasakyan na tumutugma sa diskripsyon nila. Nagpositibo rin sa DNA ni Catherine Camilon ang mga DNA samples na nakuha nila mula rito.
Patuloy namang pinaghahanap ngayon ng mga kapulisan si Catherine Camilon at magbibigay pa ng malaking pabuya sa mga taong makakapagbigay ng lead kung nasaan na ngayon ang dalaga kung saan isa sa mga nag-sponsor rito ay si Batangas Vice Governor Mark Levesti.
Samantala, na-dismiss na umano mula sa serbisyo ang isang pulis na itinuturong karelasyon ni Catherine Camilon at isa sa mga person of interest sa nasabing pagkawala ng beauty queen.
Sa kabilang banda, patuloy pa ring umaasa ang pamilya ni Catherine Camilon na makikita pa rin nila ang katawan ng dalaga.
Huling nakita si Catherine Camilon noong October 12, 2023 at makalipas ang limang araw tuluyan na itong ideniklarang missing person.
PantE Ni Andrea Brillantes Nakita Sa Loob Ng Kotse Ni Daniel Padilla
Walang komentoMay panibagong isyu na namang pinupulutan ngayon ang ilang mga marites sa social na isiniwalat umano mismo ng car dealer ni Daniel Padilla.
Muling naging lamang ng mga usap-usapan sa social media ang aktor na si Daniel Padilla at actress na si Andrea Brillantes matapos isiwalat ng kinuhang car dealer ni Daniel ang nakitang panty na pinaghihinalaang pagmamay-ari ng aktres sa loob ng sasakyan.
Sa isang Facebook post ng car dealer ni Daniel Padilla, ibinahagi niya ang larawan ng sportscar ng aktor. Sa caption isiniwalat niya na may nakita umano siyang panty sa compartment nito na pinaghihinalaan niyang kay Andrea Brillantes.
Muntik pa umano silang magkagulo ng kanyang girlfriend dahil nagdududa ito sa nakitang panty at naghinalang nambababae siya.
Matatandaan na kamakailan lamang ay naging usap-usaan sa social media ang pagbebenta ni Daniel Padilla sa kanyang kauna-unahang sportscar na pinaghatian pa umano nilang bayaran ni Kathryn Bernardo sa halagang 6.5 million pesos.
Nabili naman ito ng isang online-gamer mula sa Pampanga.
Bukod sa ibinibentang kotse ni Daniel Padilla, naging laman rin ng balita ang pagbibenta naman ng aktor sa kanilang bahay sa Quezon City sa halagang 50 million pesos.
Samantala, hindi naman nagustuhan ng mga tagahanga ni Andrea Brillantes ang ginawa ng car dealer ni Daniel Padilla dahil sa hayagang pamamahiya umano nito sa aktres.
Marami ang naghinala na ginagamit lamang umano ng nasabing car dealer si Andrea Brillantes para siya mapag-usapan at sumikat. May mga nagtatanong pa rito kung paano nito nalaman na pagmamay-ari ni Andrea Brillantes ang nasabing under garment.
May mga fans naman ng aktres ang humihiling na sana ay tigilan na ng mga basher si Andrea Brillantes dahil labis na umano ang natatanggap nitong pambabatikos mula nang masangkot ang kanyang pangalan sa hiwalayan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.
Unang lumabas ang mga balitang may kinalaman si Andrea Brillantes sa hiwalayan ng KathNiel nang lumabas ang isyung hindi papayag si Kathryn Bernardo na makasama sa iisang proyekto si Andrea Brillantes.
Pinagtibay pa ito nang tuluyang i-unfollow ni Kathryn Bernardo si Andrea Brillantes sa kanyang Instagram account.