Buhay Ni Kathryn at Daniel Padilla Ibang-Iba Na Matapos Ang Breakup, Career Ni Daniel Naapektuhan?

Biyernes, Enero 19, 2024

/ by Lovely


 Matapos ang pag-amin nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla sa kanilang paghihiwalay matapos ang 11 years nilang pagiging magkarelasyon, pinagkumpara ng mga netizens ang mga buhay nilang dalawa ngayon.


Kung gaano umano karami ang natatanggap na blessings ngayon ng aktres, sunod-sunod ang mga natatanggap nitong project offers at mga parangal ngayon ay tila kabaliktaran naman ito sa nangyayari kay Daniel Padilla.


Bagama't may nakalinya na ring proyekto ngayon ang aktor na nakatakda niyang gagawin ngayong taon, tila bumaba naman ang kumpyansa at suporta ng mga fans sa kanya.


Matatandaan lamang rin na kamakailan lamang ay ibinenta ni Daniel Padilla ang kanyang kauna-unahang sportscar na nabili nilang dalawa ni Kathryn Bernardo, bukod pa rito, binibenta na rin nina Daniel Padilla at Karla Estrada ang kauna-unahang bahay na naipatayo nila sa Quezon City.


May mga netizens naman na naghinala na baka ay may financial problem na kinakaharap ngayon ang pamilya ni Daniel Padilla. Subalit, may mga nagsasabi naman na baka nais lamang ng aktor na makapagsimula ng bagong buhay ngayong hindi na sila magkarelasyon ni Kathryn Bernardo.


Hindi rin naman masisisi ang aktor kung bibitawan niya ang mga bagay na maaring makapagpaalala sa kanya kay Kathryn Bernardo para sa kanyang pagmo-move on.


Samantala, patuloy pa rin na nakakatanggap ng pambabatikos ang aktor na si Daniel Padilla mula sa mga netizens dahil sa mga naglabasang chika na matagal na niyang niloloko si Kathryn Bernardo.


Naapektuhan na rin ang career ni Daniel Padilla ngayon dahil sa isyung iniiwasan na siya ng mga endorsements dahil natatakot ang mga ito na i-boycott ng mga bashers ng aktor.


Sa kabilang banda, tila naging maayos naman ngayon ang buhay ni Kathryn Bernardo at tila nakalipat na rin ang kanilang pamilya sa ipinapatayo nilang dream house, bukod pa rito, nakakatanggap umano ang aktres ngayon ng kaliwa't-kanang offers dala ng hiwalayan nila ni Daniel Padilla dahil siya ang nakakuha sa simpatya ng mga netizens.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo