Anne Curtis, Posibleng Mawalan Ng Kontrata Dahil Kay Vice Ganda

Lunes, Enero 22, 2024

/ by Lovely


 Usap-usapan ngayon sa social media ang posibilidad umano na mawawalan ng malaking kontrata si Anne Curtis mula sa kilalang fast food chain dahil sa ginawa ni Vice Ganda.


Viral ngayon sa social media ang magkaibigang Vice Ganda at Anne Curtis dahil sa hindi inaasahang pangyayari sa It's Showtime na maari umanong maging dahilan para mawalan ng endorsement contract si Anne Curtis sa Jollibee.


Hindi naman lingid sa kaalaman na sina Vice Ganda at Anne Curtis ay mga endorsers ng mga kilalang fast food chain sa bansa na itinuturing magkatapat ang Jollibee at McDonalds.


Samantala, sa isang episode ng It's Showtime tila sumobra naman ang pagbibiruan nina Vice Ganda at Anne Curtis, tila hindi na nila naisip ang maaring kahihinatnan ng kanilang pagbibiruan.


Sa segment na Expecially For You, nahikayat ni Vice Ganda si Anne Curtis na sabihin ang tag line ng McDonalds na kilalang katapat ng brand na iniendorso ng aktres.


Kaagad namang nahimasmasan si Anne Curtis sa kanyang nasabi on national TV kaya naman humingi siya ng paumanhin at iginiit na hindi niya sinasadya ang lahat, nagka-lapse of judgement lamang umano siya.


Umani naman ito ng samut -saring reaksyon at komento mula samga netizens, marami ang bumabatikos kay Vice Ganda dahil sa pagiging pabaya umano nito na naging dahilan ng pagkakalagay sa alanganin kay Anne Curtis.


Hindi naman itinanggi ni Vice Ganda ang kanyang pagkakamali at inamin ito sa publiko. Humingi rin siya ng pasensya kay Anne Curtis at sa brand na iniendorso nito.


Inamin rin ni Vice Ganda na minsan ay hindi na umano niya pinag-iisipan pa ang kanyang mga biro, ang iniisip na lamang umano niya ang pagbibigay ng saya sa madlang pipol.


Bira na lamang umano siya ng bira kaya minsan ay sumasablay na siya. Subalit, ganoon naman talaga umano sa buhay o sa comedy man talagang hit and miss.


Nagbigay naman ng pahayag si Anne Curtis para sa kanyang mga fans kung saan sinabihan niya ang mga ito na itigil na ang pambabatikos kay Vice Ganda. Ipinahayag rin ni Anne Curtis na may pagkakamali rin siya. Bagama't hindi na umano nila maibabalik ang nangyari niya maari naman umano silang maging mas maingat na sa susunod.



@lakangpake__ Kawawa naman si Anne 😔😔😔#trending #viraltiktok #fypシ゚viral #fypシ #fyp #itsshowtime #annecurtis #viceganda ♬ original sound - bardagulansinger - LAkangPAKE

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo