Cristy Fermin, Ibinulgar Ang Baho Ng Karla Estrada, ₱20 Million Na Utang Kay Kath Hindi Pa Bayad!

Lunes, Enero 22, 2024

/ by Lovely


 Matapos makumpirma na ang ibinibentang bahay sa Quezon City ay pagmamay-ari nina Karla Estrada at Daniel Padilla, pinag-uusapan naman ngayon ng mga marites online kung ano ang dahilan ng pagbibenta nila sa nasabing property.


Sa isang episode ng programa ng veteran showbiz columnist na si Manay Cristy Fermin, isiniwalat niya ang nakarating sa kanyang dahilan kung bakit binibenta na nina Karla Estrada at Daniel Padilla ang kanilang mansion kasunod ng pagbebenta ng aktor sa kauna-unahang sportscar.


Ayon kay Cristy Fermin, ang totoong dahilan sa pagbibenta ni Karla Estrada sa kanilang mansion ay ang pagkakaroon umano nito ng utang sa dating nobya ng kanyang anak. Ang mas nakakagulat pa dahil ang umano'y utang ni Karla Estrada kay Kathryn Bernardo ay umaabot umano sa 20 million pesos.


Ang mas matindi pa ay wala umanong alam ang ina ni Kathryn na si Min Bernardo na inuutangan na pala ang kanyang anak ng pera ni Karla Estrada.


Marami sa mga fans ni Kathryn Bernardo ang nagulat nang isiwalat ni Manay Cristy Fermin ang totoong dahilan ng pagbebenta ni Karla Estrada sa kanilang 50 square meter mansion na matatagpuan sa Commonwealth Quezon, City.


Sa programang Cristy Ferminute ipinahayag ni Cristy Fermin na malaki umano ang pagkakautang ni Karla Estrada kay Kathryn Bernardo umabot umano ito sa 20 million pesos.


Hindi naman umano isang beses lamang na humiram si Karla Estrada kay Kathryn Bernardo kaya tila hindi na umano namalayan ng aktres na napakalaki na pala ang nauutang nito. Bukod pa rito, tumagal rin ng ilang taon bago pa man malaman ng pamilya ni Kathryn Bernardo ang pagkakautang ni Karla Estrada.


Ngayong naghiwalay na sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo, naniningil na umano ang pamilya ng aktres kay Karla Estrada sa lahat ng pagkakautang nito.


Marami naman sa mga netizens ang hindi naniniwala noong una sa nasabing isyu dahil kilala namang may pera sina Karla Estrada, subalit nang maibalita na rin ito sa ilang mga entertainment news sites, marami ang napapaisip sa posibilidad na umuutang si Karla kay Kathryn Bernardo.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo