Matapos Ang 7 Years Na Pagsasama,Loisa Andalio Nakipaghiwalay Na Kay Ronnie Alonte!

Biyernes, Enero 19, 2024

/ by Lovely


 May panibagong hiwalayan isyu na naman ang pinag-uusapan ngayon sa social media, ito ay walang iba kundi ang napapabalitang hiwalayan nina Loisa Andalio at Ronnie Alonte matapos ang 7 years nilang pagsasama.


Napapanood ngayon ang real life celebrity couple na sina Loisa Andalio at Ronnie Alonte sa hit Kapamilya teleserye na Pira-pirasong Paraiso na malapit na ring magtapos.


Puring-puri naman ng mga manonood at ng mga fans ang kanilang pag-arte dahil makikita umano kung paano silang naggrow sa nasabing programa.


Samantala, sa naganap na media conference ng Pira-Pirasong Paraiso noong January 17, 2024, naitanong sa dalawa kung ano ang susunod nilang projects na gagawin sa ABS-CBN.


Agad naman itong sinagot ni Loisa Andalio na sa ngayon nais niyang magkaroon sila ng kanya-kanyang projects ni Ronnie Alonte upang makapag-grow sila ng hindi magkasama. Gusto umano ni Loisa na mag-grow si Ronnie Alonte as an actor, at mag grow siya as an actress ng hindi sila love team.


Sinang-ayunan naman ito ni Ronnie Alonte at hiniling pa na sana ay ang ibigay sa kanyang roles ay iyong mas challenging at buwis buhay na mga roles.


Kung mabibigyan umano ng pagkakataon nais nina Ronnie Alonte at Loisa Andalio na makapag-explore ng roles sa kani-kanilang mga trabaho, kaya naman ayos lamang umano sa kanila sakaling mabigyan sila ng projects ng ABS-CBN nang hindi sila ang magkapartner.


Open rin umano si Ronnie Alonte sa mga BL love story sakaling mabigyan siya ng pagkakataon ngayong 2024.


Hiling naman nila para sa taong 2024 ay sana mabigyan sila ng maraming projects kahit hindi umano silang dalawa ang magkaloveteam.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo