Sarah Lahbati Nagsalita Na Sa Pagigig Waldasera

Lunes, Enero 22, 2024

/ by Lovely


 Nagbigay na ng pahayag ang aktres na si Sarah Lahbati patungkol sa totoong estado ng kanilang relasyon ngayon ng asawang si Richard Gutierrez.


Ilang buwan na rin naging laman ng mga usap-usapan sa ilang mga social media platforms ang mag-asawang Richard Gutierrez at Sarah Lahbati dahil sa biglaan nilang paghihiwalay. Sunod-sunod na ring naglabasan ang mga isyu patungkol sa naging dahilan ng kanilang paghihiwalay.


Lumabas ang mga haka-hakang naghiwalay na sina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati nitong huling bahagi ng 2023, matapos mapansin ng mga netizens na hindi na nagpopost sa kani-kanilang mga social media accounts sina Sarah at Richard na mgakasama.


Bukod pa rito, napansin rin ng mga netizens na wala si Sarah Lahbati sa pagdidiriwang ng kaarawan ni Annabelle Rama at wala rin si Richard nang mag-celebrate ng birthday ang ama ni Sarah Lahbati.


Samantala, marami naman ang naghinala na ang isa sa dahilan sa paghihiwalay nina Sarah Lahbati at Richard Gutierrez ay walang iba kundi ang ina rin ng aktor na si Annabelle Rama dahil sa umano'y pakikialam nito sa dalawa.


Nag-ugat naman ang isyung ito nang maglabas ng pahayag si Annabelle Rama na lalong nakapagpatibay sa hinala ng mga netizens na hiwalay na ang mag-asawa. Ipinahayag rin ni Annabelle sa nasabing panayam ang pagiging waldas ni Sarah Lahbati sa pera para sa hindi mahahalagang bagay habang abala naman si Richard Gutierrez sa pagtatrabaho.




Tila nagkasagutan rin ang mga magulang nina Sarah Lahbati at Richard Gutierrez sa social media at nagbatuhan ng mga isyu sa kung sino ang totoong dahilan ng paghihiwalay ng dalawa.


Samantala sa isang panayam kay Sarah Lahbati para sa kanyang Cosmopolitan Magazine cover, ipinahayag ng actress na maayos naman ang kanilang co-parenting set up ni Richard Gutierrez. Masaya rin naman umano siya. Wala rin siyang ibang masabi kundi ang pagiging grateful sa mga blessings na natatanggap niya ngayon.


Mula nang pumutok ang balitang naghiwalay na sina Sarah Lahbati at Richard Gutierrez ay nakapokus na lamang ang aktres sa kanyang mga anak at sa kanyang mga magulang.


Makikita rin sa mga ibinahaging update ni Sarah Lahbati ang mga bagay na ginawa niya para sa kanyang sarili mula nang maghiwalay na sila ni Richard Gutierrez, kabilang na ang pagpapaikli sa kanyang pagpapatattoo at pag-eenroll sa isang dancing lesson kasama si Kyline Alcantara.


Kamakailan lamang rin ay ibinahagi ni Sarah Lahbati ang paglipat niya sa panibagong bahay para makapagsimula ulit.


Iginiit din ni Sarah Lahbati na hindi niya kailangang magpaliwanag patungkol sa perang ginagasta niya dahil mula naman umano ito sa kanyang sariling bulsa at bunga ng kanyang mga pinaghirapan.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo