Kampo Ni Ian Veneracion, Nagsalita Na Tungkol Sa Isyu Sa Talent Fee Ng Aktor

Biyernes, Enero 19, 2024

/ by Lovely


 Naglabas na ng pahayag ang kampo ni Ian Veneracion, hinggil sa isyu ng napakalaking talent fee na hinihingi ng aktor para sa isang public appearance kung saan kakaway-kaway lamang umano ito.


Nagsimula ang isyu sa isang social media post ng writer-director na si Ronaldo Carballo kung saan isiniwalat nito ang hinihinging talent fee ni Ian Veneracion na nasa kalahating million sa dalawang oras niyang public appearance. Bukod pa rito, magpapabayad pa ang aktor ng karagdagang talent fee kapag lalagpas sa dalawang oras ang kanyang appearance, nais rin nito na may sarili siyang float dahil ayaw nitong makatabi ang kung sino-sinong tao.



Dahil sa pagkalat ng kontrobersiyang ito, kung saan umaani ng mga negatibong reaksyon mula sa mga netizens at maging mula sa ilang mga kolumnista, naglabas na ng pahayag ang kampo ni Ian Veneracion.


Sa isang pahayag, iginiit ng management team ng aktor na si Ian Veneracion na malisyuso ang viral post ni Ronaldo Carballo. Isa umano itong pagtatangka upang ipahiya ang aktor sa publiko.


Sa ngayon ay pinag-aaralan na umano ng management ni Ian Veneracion kung ano ang kanilang legal actions laban sa ginawa ni Ronaldo Carballo. Nabanggit din ng management ng aktor ang patungkol sa strict policy of confidentiality and transparency na kailangan umanong sundin sa tuwing may mga business negotiations.


Nilabag umano ito ni Ronaldo Carballo nang isiwalat nito ang patungkol sa panghihingi umano ng aktor ng malaking talent fee para sa isang pubic appearrance sa Tarlac Festival.


Iginiit din nila na maraming mali sa ibinahaging post ni Ronaldo Carballo dahil ang reported budget na sinabi niya sa post ay hindi katulad ng mga napag-usapan nila ng kliyente.


Ibinunyag rin nila na ilang beses na silang nagtangka na makipag-ugnayan kay Ronaldo Carballo upang maiwasto ang ginawang post nito subalit hindi umano nila ito ma-reach o tila iniiwasan sila.


Ito umano ang dahilan kaya naghahanda na umano ang legal council ng aktor ng kaukulang reklamo sa mga nilabag ng writer-director.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo