Rewind- Highest-Grossing Local Film, Is It the Most Successful?

Biyernes, Enero 19, 2024

/ by Lovely

Ang pelikula ng Star Cinema na pinamagatang 'Rewind' na pinagbibidahan ng mag-asawang sina Marian Rivera at Dingdong Dantes ay opisyal nang naging highest grossing film sa Philippine local cinemas.


Ayon sa mga naglabasang report umabot na sa 570 million ang gross receipts ng nasabing pelikula sa Philippine local cinema, samantalang pumapangalawa naman ito worldwide, dahil nakakuha na ito ng 850 million gross income.


Kasunod ito sa Hello, Love, Goodbye na kasalukuyan pa ring nangunguna sa lahat ng mga Filipino films na ipinalabas worldwide.


Samantala, ang top 3 highest grossing film ng Pilipinas ay parehong produce ng Star Cinema. Ito ay ang Rewind, Hello Love Goodbye at ang The How's Of Us.


Nangunguna locally ang Rewind na nakakuha ng 750 million pesos, pumapangalawa naman ang The How's of Us na nakakuha naman ng 700 million pesos at ang Hello Love Goodbye na nakakuha naman ng 695 million pesos.


Sa worldwide cinema naman ay nangunguna ang Hello Love Goodbye na kumita ng 880 million pesos, sinundan naman ng Rewind na nakuha na ngayon ng 850 million pesos at ang pangatlo The How's of Us na nakakuha ng 845 million pesos.


Sa kabilang banda, marami naman sa mga fans nina Marian Rivera at Dingdong Dantes ang natutuwa dahil nagkasama muli sila sa iisang pelikula makalipas ang maraming tao.


Masaya rin ang mga netizens sa nakukuhang tagumpay ng Rewind nina Dingdong Dantes at Marian Rivera sa kabila ng mga pinagdaanan nitong kontrobersiya kabilang na ang pagiging copycat nito sa isang American film na ipinalabas noong 2004.


Bukod pa rito, hindi rin nakakuha ng kahit isang award ang nasabing pelikula sa nagdaang gabi ng parangal para sa MMFF 2023.


Samantala, may mga fans naman ang nagsasabi na kaya naunahan ng Rewind ang matagal ring top grossing film ng Pilipinas na Hello Love Goodbye dahil nagbago na ang presyo ng tickets mula noon.


May mga nagsasabi pa mas reliable kung ang bilang ng mga naibentang tickets ang pagbabasehan sa kung ano ang pelikula na mas tinangkilik ng mga manonood.



 

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo