Kim Chiu Agad Na Sumabak Sa Taping Matapos Maospital

Lunes, Enero 22, 2024

/ by Lovely


 Tila hindi pinansin ni Kim Chiu ang kanyang sakit dahil matapos ang kanyang pagkakaospital ay kaagad naman itong sumabak sa taping sa Philippine adaptation ng What's Wrong With Secretary Kim.


Marami ang nagulat sa ibinahaging larawan ng personal assistant ni Kim Chiu na kuha mula sa taping ng aktres sa What's Wrong With Secretary Kim. Marami ang nag-aalalang mga tagahanga ng aktres dahil kamakailan lamang ay isinugod rin sa hospital si Kim Chiu dahil sa pagod nito sa trabaho.


Bukod sa taping sa What's Wrong With Secretary Kim, pumapasok rin si Kim Chiu sa It's Showtime bilang host kahit pa katatapos pa lamang niyang magpagaling mula sa pagkapositibo nito sa Covid-19.


Samantala, marami naman sa mga tagahanga ng aktres ang nag-aalala sa kalusugan ngayon ni Kim Chiu dahil nagkakasunod-sunod na ang pagkakasakit nito. Marami ang nag-aalala dahil tila napapabayaan naman umano ngayon ng aktres ang kanyang sariling kalusugan dahil sa pagiging abala sa trabaho.


Hiling nila na sana ay huwag namang pabayaan ni Kim Chiu ang kanyang sarili dahil ang pinakamagandang kayamanan ay ang malusog na pangangatawan.


Narito ang ilang komento ng mga netizens bilang mensahe sa aktres na si Kim Chiu.


"LOVE YOU KIMMY "" TAKE CAREOF YOURSELF""PRAY AND WISH STRONG, SAFE AND GOODHEALTH"" RELAX RELAX PAG MAY TIME"SUPER EXCITED TO WATCH ""LINLANG"",CONGRATS TO ALL THE CAST""JAN.22, 8:45PM AFTER BATANG QUIAPO": CONGRATS KIMPAU""GOOD LUCK TO ALL THE CAST "" GOD BLESS"""


"Relax Kim don't push yourself too much remember Health is Wealth"




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo